Kunot nuo namang napatingin sa akin si antipatiko. "Ngunit hindi pa natin lubos na kilala ang isa't isa at hindi rin maganda---" hindi ko na sya pinatapos. "Edi huwag, sayo na ngalang yung isa." Inis kung inabot sakanya yung bibing.

Natatawa nya yung kinuha. "Baka may lason ito, Binibi-----Eeya." Nakangiting saad nito. Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Akin na ngayan!" Mabilis na saad ko, akmang kukunin ko na sana yung bibingka sa kamay nya pero agad nyang nilayo.

"Ako'y nag bibiro lamang Eeya." Nakangiting saad nito sabay kagay sa bibingka. Sininghalan ko sya sabay irap.

Napa hawak ako sa bibig ko nung humigab ako. "Nakakaantok mag simba, ahhhk!" Nag unat pa ako. Nang tumonog ang mga buto ko ay narinig ko ang pag tawa ni antipatiko.

Sinamaan ko sya ng tingin kaya napaiwas ito ng tingin na akala mo ay walang nakita. "Kakaiba kang Binibini." Pailing iling na saad nito, inirapan ko sya bago umopo ng pa injan sit na kinagulat nya. "Nangangalay ang paa ko kapag nakasayad sa lupa." Iritang saad ko. Natawa nanaman ito.

"Tila ikaw lang ang nakikita kung nangangalay ang paa kapag sumasayad sa lupa." Hindi makatingin na saad ni Antipatiko. Inayos ko naman yung saya at tinakip ko sa legs ko. Tsk. Nakalimutan kung maraming pakeneme keneme na ipinag babawal sa panahong ito.

Tsk. Paano kaya makarating ang mga tao dito sa future? Ano nalang kaya ang sasabihin nila? Lalo na yung mga bayani? Baka mag pakamatay nalang yata sila kapag nakita nila ang pinag gagawa nating mga kabataan sa pinag laban nilang kalayaan.

"Tsk. Alam mo ngayon lang ako nakapunta dito." Seryosong saad ko habang nakatingin sa paligid. Nakita ko ang pag lingon ni antipatiko sa akin. "Hindi halata Bin-----Eeya." Natatawang saad nito.

Napairap akong kumagat sa bibingka ko. "Minsan naiisip ko bakit kaya kita nakilala? Wala kang kwentang kausap, eh." May pagkainis na saad ko. Natawa naman si antipatiko. "Bini-----Eeya ako pa talaga ang walang kwentang kausap sa atin? Ikaw nga itong mabilis mapikon." Pailing iling na saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bahala kadyan, kumain ka ng Bibingka mag isa mo!" Inis na saad ko sabay tayo. Tinapon ko sa gilid yung balat ng saging. At mabilis na tumakbo. "Binibini! Ako'y nag bibiro lamang!" Habol nento sa akin pero dirediretso akong tumakbo.

Exsaktong pag tungtong ko sa tapat ng simbahan ay ang pag labasan ng mga nag sisimba. Napangiti naman ako sa loob ko. Yes. Tapos na sa wakas. Baka kapag pumasok pa ako sa loob ng simbahan baka makatulog na ako.

Tsk. Kasalanan ko bang inaantok na ako? Saka bakit ba kailangan ang simbang gabi sa gabi?

"Estela Asuncion, Anak! Akala ko ay napano kana." Nag aalalang saad ni Donya Esther slash Ina ko. Nakangiti akong umiling at mas tinakpan pa ng belo ang mukha ko. Marami kasing napapatingin sa kagandahan ko. Ayoko namang mag papansin kaya tinatakpan ko na. "Asan ang iyung Ate Andrea?" Nag tatakang saad ni Donya Esther, tumingin pa ito sa likod ko kaya napalunok ako.

"A-ano kasi, si Andrea an----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung may mag salita sa likod ko. "Andito ako Ina, tara na Eera, Eeya? Ina?" Ngiting ngiti na saad ni Andrea. Napairap naman ako. Humawak si Aexniqn sa kamay ko bago umakla. "Kwento mo sa akin, ha?" Parang batang saad nito. Tumango naman ako sakanya sabay kindat kay Andrea na ikinapula nito.

Sana all nalang may jowa ano? Nadiligan yana ang isang ito. Just kidding, alam ko namang hindi ganon ang mga babae here like sa future.

"HINDI KABA TALAGA makakasama sa pag kuha ng buko Ae---Elisabet?" Seryosong saad ko. Tumango tango naman si Aexniqn. "Oo, sasamahan ko si Ina na mag dala kay ama ng tanghalian, gusto ko rin syang makita." Kinikilig na saad ni Aexniqn sa tulo.

Volviendo Al Pueblo HundidoWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu