--
NOTE: Listen to the song "YELLOW" by Coldplay for feels.
Agad na hinanap ni Eli ang kanyang ballpen at papel nang mapagalaman na uuwi ngayon si Louis.
Agad syang sumulat ng isang sulat para kay Louis at sinasabi nya na hindi nya sinasadyang sabihin lahat ng 'yon at humihingi sya ng tawad dahil sa mga sinabi nya ay umalis ito at nagpunta sa london.
"Eli... Eli... Wake up," gising ni Louis kay Eli na natutulog sa sofa.
Pagkamulat ni Eli ng kanyang mga mata ay nagulat sya nang madatnan na nakatayo si Louis sa kanyang harapan kaya agad syang tumayo at niyakap si Louis.
"Luwi! You're back!" Aniya saka biglang niyakap si Louis.
"Are you happy to see me then?"
"Yes," aniya saka sya humikbi.
"Aw... Don't worry, I'm here," ani Louis saka hinagod ang likod ni Eli.
"Here, come sit,"
"So... What about Margarette? Kinulit kulit ka ba nya don? Ano?"
Tumawa si Louis. "Yeah. But I like that,"
"Nasan sya ngayon? Bakit hindi mo sya kasabay na pumunta dito?"
"Huminto muna sila don sa bahay dahil nandon sila mama and it looks like my wife is really tired," nakayukong saad ni Louis.
Biglang nawala ang magandang ngiti ni Eli nang marinig ang sinabi ni Louis. Hinihiling nya na sana ay nagkamali lang sya ng rinig dito dahil kung totoo man ito ay labis na syang nasasaktan.
"Y-Your what?"
"Nope... I... Ugh, it must be a surprise..." Ani Louis saka bigla syang tumayo dahil nga sa nadulas sya at nasabi nya agad ito kay Eli.
"We are engaged and now we... We are man and wife," masayang saad ni Louis.
Hindi naman ngayon maipaliwanag ni Eli kung ano ba ang mararamdaman nya nang malaman nya ang balitang 'yon. Parang biglang gumuho ang mundo nya at napalitan ito ng malaking pagsisisi. Pinipigilan lang nya ngayon na umiyak at magmukmok nalang sa isang tabi at hilingin na sana ay panaginip lang 'yon.
"You and Margarette?"
"Yeah,"
"Are you inlove?"
"Yes,"
"Eli... I just wanna say one thing. I've always loved you. But the love that I felt for Margarette is different."
Parang may patalim na tumusok sa puso ni Eli sa mga naririnig nya ngayon. Hindi nya alam kung ano ang tamang salitang dapat sabihin.
"And y-you know... I-I think that you're right about it,"
Ngumiti nalang si Eli kahit na may itinatago syang sakit sa kanyang kalooban.
Huminga muna si Eli ng malalim bago sya magsalita. "Yeah," aniya saka tumingin sa baba.
"And we're going this way..."
"Oh, Luwi..."
"You're the only one who always calls me like that, Eli... 'Luwi',"
"What does Margarette calls you?" Ani Eli nang di tumitigin kay Louis.
"My king..." Nahihiyang sabi ni Louis.
Nagkunwari namang natatawa si Eli. "That sounds like forever,"
"Well you look so deserving of it."
"Can we still be friends, Eli please?"
Tumawa naman si Eli kahit na sa totoo lang ay parang pinapatay na ang kalooban nya. "Ofcourse my boy... Always," aniya saka hinawakan ang kamay ni Louis.
Bumaba na silang dalawa ni Louis at doon ay nakita nya na si Margarette. Hindi nya alam kung ano ba ang dapat na gawin. Kung awayin ba si Margarette dahil sa ginawa nya, o tanggapin nalang ang katotohanan na wala naman na syang magagawa.
Nakangiti namang lumapit si Eli sa mga bisita at nang nakita sya ni Margarette ay agad naman itong lumapit sa kanya.
"Does Louis told you?"
Ngumiti naman si Eli. "Yes,"
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Margarette nang marinig 'yon mula kay Eli dahil nga natatakot sya sa magiging reaksyon ni Eli dahil baka magalit ito sa kanya.
"You know, I'm so happy for you, Margarette. This... This is meant to be." Ani Eli nang maramdaman na may iba kay Margarette at para itong kinakabahan.
Nakahinga naman ng maluwag si Margarette nang marinig 'yon galing kay Eli.
"Oh, I'm sorry and thank you... Gusto ko na sanang sabihin sayo 'to noon pa. Hindi ko rin kasi namalayan ang mga nangyari dahil sobrang bilis. At isa pa... Natatakot din ako na baka kapag nalaman mo ay magalit ka sa akin." Ani Margarette saka kinuha ng kamay ni Eli.
"No. No, Margarette."
"No... No you're not angry at me?" Ngumiti lang sa kanya si Eli.
"Life is too short to be angry with one's sister," ani Eli na ikinatawa naman ni Margarette.
Pagkatapos non ay biglang nagbago ang ekspresyon ni Margarette at bigla nalang itong naluha.
"I really miss her," aniya saka yumakap kay Eli.
"I know..."
"Thank you..."
Habang magkayakap silang magkapatid ay hindi mapigilan ni Eli na manggigil kay Margarette at tumingin si Eli sa nanay nya at para bang sinasabi nito na okay lang 'yon at hayaan nya nalang kaya pumikit nalang sya ng madiin bilang pagsang-ayon.
YOU ARE READING
SCRIPTOREM
RomanceWill your story reach it's epilogue as well as publish it as your own book?
Chapter 12
Start from the beginning
