Chapter 3

43 1 0
                                        

Abala ang lahat sa paghahanda dahil ilang oras na lang ang natitira at magsisimula na ang kasiyahan.Masasabing engrande talaga ang anibersaryo dahil sa dami ng mga bisita at hindi lamang sila basta basta.May mga politiko,artista at ibang mga personalidad na nabibilang sa mataas na antas ng buhay.Halatang mayayaman ang mga ito dahil na rin sa uri ng mga damit na kanilang suot at sa paraan ng pagkilos nila.Puno ng kasiyahan ang lugar,may nag-uusap,nagtatawanan,nagsasayawan at iba pa.Sa gitna ng hall kung saan tinatanghal ang okasyon makikita ang tatlong naggagandahang mga babae.Halos lahat ng mga binata ay panay ang sulyap sa kanila at iyong iba naman ay naglakas loob na yayain silang sumayaw na lugod namang tinanggap ng mga dalagita.Bakas samga mukha nila ang kasiyahan at lalo pang sumaya ng iniannounce ng emcee na may laro daw na magaganap.Lahat naman ay nagparticipate at nangunguna doon sina Sylvia,Mandy at Hellaina.Likas na sa tatlo ang pagkahilig sa mga laro.Kahit na matanda na sila sa mga larong iyon ay ginagawa pa rin nila.Naghahabulan,nagtatapunan ng icing at kung ano ano pa na labis na ikinatawa ng mga panauhin.May paligsahan ding naganap at dahil nasa tabing dagat ang venue ay niyaya ng mag-asawang Brianna at Max ang lahat na doon gagawin ang paligsahan.Hinati sa dalawang grupo ang mga sasali.Babae laban sa lalaki at nangunguna ang mag-asawa.Sampu sila sa isang grupo.Paunahan sila sa pagpuno ng tubig dagat ang isang bote ng coke,yung 1.5 ml.Kailangan nilang basain yung damit nila at ipipiga sa bote hanggang sa mapuno ito.Todo cheer naman ang manonood.Nanalo ang grupo nila Max.Hindi matanggap ng mga babae ang pagkatalo nila kaya ibinuhos nila yung tubig galing sa bote ng mga lalaki na ikinatawa ng lahat.Naghabulan sila sa dagat at kung anu ano pang ginagawa nila.Nagtetake lang ng pictures ang ibang bisita.Nagbihis na sila at bumalik sa hall upang kumain na naman at pagkatapos ay nagkantahan.Dapit hapon na ng magyaya na naman ng laro ang mag-asawa and this time hindi na sa dagat.Lumabas sila papuntang malawak na hardin kung saan gaganapin ang laro.May mga papel na binigay sa bawat kasali sa laro.Kung sino yung mabubunot ay siya ang magiging kapareho nito sa laro.Brianna at Max,Mandy at Timmy,Sylvia at Marcus,Hellaina at Tyler at may iba pa.Kakainin nila yung mansanas na hindi ginagamitan ng kamay.Bali bibig lang ang gagamitin panghawak sa mansanas tapos palit palit lang sila ng kagat hanggang sa maubos ito.Nanalo sila Max at Brianna.Awkward sa part nila Hellaina dahil feel nila ay naglapat ang mga labi nila pero hindi yun naging dahilan para matigil ang kasiyahan.Yung iba nga ay tinutukso sila pero isinawalang bahala lang nila yun.Patuloy ang laro hanggang sa nagdilim na at isa isang nagsiuwian ang lahat at dahil sa pagod ay natulog na sila.

Magtatanghalian na ng magising ang lahat dahil na rin sa pagod.Sabay na silang kumain at natagalan dahil binaliktanaw nila ang pangyayari kahapon.Panay tawanan lang ang lahat hanggang sa nagyaya ang mag-asawa na maglibot sa labas.Dapit hapon na ng makauwi sila sa tahanan nila Max at dahil aalis na ang mga dalagita kinaumagahan ay naghanda na sila at maagang natulog para may lakas sila para bukas.Paggising nila kinaumagahan ay naghanda na sila sa kanilang sarili at bago umalis ay kumain muna sila ng agahan.Nagpaalam sila sa isat isa at nilisan ang Tagaytay patungo sa mga lugar nila.

Hidden IdentityWhere stories live. Discover now