"Tangina di ka pa ba tutumba?!"
Sinundan ko ang sigaw hanggang mapadpad ako sa isang eskinita. 3 lalaking naka uniform, galing ata sa ibang school na nakapalibot sa isang lalaking matangkad at blonde ang buhok na kapareha din ng uniform ko. He must be from my school! Nagtago ako sa likod ng poste sa gilid eskinita habang nakasilip.
"Aba 3 vs 1 ang unfair naman." Sabi ko ng mahina habang nakasubaybay sa susunod na mangyayari.
Nag simulang umamba ng suntok yung tatlong panget na lalaki. Mabilis na nakaiwas iyong si blondie at napatumba ang pinakamalapit na kalaban sa kanya. Sinipa niya iyong pangalawang lalaking malapit sa kanya at napatumba. Napaatras yong lalaking pinaka panget sa kanila.
"Di pa tayo tapos.. babalikan ka namin!" Sabi nung panget saka dali-daling tumakbo.
Pinadpad ni blondie and kaniyang mga kamay saka walang imik na kinuha ang kaniyang bag sa gilid ng mga karton na para bang walang nangyari at nag simulang maglakad papaalis sa mga napatumba niyang kalalakihan.
"Wow~ ang galing niya!!" Grabe ang galing niya talaga 3 vs 1 tapos natalo niya yung 3 panget!
Nakita kong papalayo na yung lalaki.
Teka! Di siya pwedeng maka alis pa! Kelangan kong malaman kung sino siya!
Kaya ang sunod kong ginawa ay sinundan siya.. Nag tungo si blondie papunta sa isang playground dito sa loob ng Morrison Village.
Ano kayang gagawin niya dito?
"Kuya Ote!!"
Sigaw ng isang batang babae na nakaupo sa swing habang patakbong lumapit dun kay blondie at yinakap...
Ngumiti si blondie habang binuhat niya ang batang iyon at naupo sila sa swing.
~^O^~
Ang kyuut nilang dalawa!
Pinicturan ko silang dalawa habang nakatago sa likod ng isang poste ng ilaw.
Matapos ang ilang minutong pag uusap nung dalawa sa swing, may lumapit na babae sa kanila.
"Amy! Anak halika na!" Sabi nung babae dun sa batang babaeng karga karga ni blondie.
"Babay kuya Ote! Uuwi na kami ni Mama!" Sabay kaway ng batang babae dun kay blondie..
Nang maka-alis na yung batang babae at yung nanay niya. Mag isang naupo si blondie sa swing.
Nangati nalang bigla ang kamay ko atsaka kinuhaan siya ng picture sa cellphone ko.. hihihi ang gwapo niya~
*^O^*
O.O
DI BA BAWAL ITONG GINAGAWA KO?! huhuhu
Tiningnan ko uli yung picture niya sa cellphone ko.. hihihi ang gwapo gwapo niya! Tsaka ang kyuut ng itinawag sa kanya kanina nung bata..
"Kuya Ote~ hihi" walang malay kong nabigkas iyon..
Pano naging bawal ang kunan ng picture ang ganito ka gwapong nilalang? Hayy.. he's so dreamy~
Tiningnan ko uli si blondie sa swing..
T^T
Wala na siya doon sa swing..
Atleast naka kuha ako ng picture niya.. hahanapin ko na lang siya sa school bukas. Hoho
*^O^*
---
Bumalikwas ako ng higa sa kama ko suot ang paborito kong pink pajamas, hihi. Kinuha ko yung phone ko at tiningnan uli yung picture ni blondie at nung bata...
"I wanna be close with you.. Kelangan kong malaman ang pangalan mo." Sabi ko dun sa picture..
Inilipat ko dun sa picture ni blondie na mag isa lang siya.
"I never knew you, until today. I have to stalk you kung yun lang ang tanging paraan para mapalapit ako sayo!"
Sabi ko sa aking sarili habang unti unti na akong hinihila ng antok patungo sa panaginip kung saan kaming dalawa lang ni blondie ang naroon.
--------------------------------------------------
Ac/N (Ambot-chi's Note):
Hi po! Well uhh.. hehe.. uhh itong story na po to ay bigla nalang lumabas sa aking malaking baul ng imahinasyon xD kaya po.. masyadong short lang po itong chapter one.. at kung may maling spelling man po.. kulang-kulang, sobra-sobra o paulit-ulit.. pag pasensyahan nalang po natin hihi kasi sa phone lng po ako nagtatype...(sinira ko kasi yung lappy ko xD)
Unlike my first story (na wala pong plot na naihanda kasi nagwapuhan lang ako kay myungsoo nun kaya ginawan ko siya ng story xD at napagkatuwaan lang ng mga friends ko na udyukan akong gumawa "daw" ng story..)
Ito pong story na ito ay (sa wakas) may plot! XD
sana po magustuhan niyo po itong Pretty Little Stalker kasi po ako, gusto ko din siya.. (si Mint xD) de joke lang.. i'll be truly happy basta makita ko lang na may nag babasa ng naisulat ko... salamat po..
Ciao~
YOU ARE READING
Pretty Little Stalker
Teen FictionA story about a girl stalking the "ace" of Morrison High. We'll get to know how a beautiful crazy girl fall in love with the boy of her dreams. All her troubles just get close with him and all her crazy "out-of-this-world" antics just to get to know...
Chapter 1: I'm his Stalker!
Start from the beginning
