IKA-LABINPITONG KABANATA:

Comenzar desde el principio
                                    

Napangiwi ako nang maramdaman ko pagguhit ng sakit sa aking likuran sa malakas na pagbalyang iyon.

Ipininid n'ya pataas ang dalawamg kamay ko at madiing inilapat sa ibabaw ng uluhan ko habang ang mga mukha namin ay sobrang magkalapit na.

Amoy na amoy ko sa kanyang bibig ng pinaghalong, mint, sigarilyo at alak na nagbibigay ng ibayong pakiramdam sa buong pagkatao ko.

"Sinong hayop ang tinatawag mo huh, Johanna?" mariin n'yang tanong habang matalim na nakatingin ang kanyang abuhing mga mata sa mata ko.

"Ikaw ang hayop Thorin! " matapang kong sagot.

Inilapit n'ya pa lalo ang kanyang mukha sa aking leeg at kinagat ng napakapino ang bahaging iyon.

"Ahhhh!" hindi ko napigilang mapasigaw sa sakit na ginawa n'ya. Nagpapalag ako, ngunit hindi ko kayang labanan ang lakas ni Thorin.

"Baka gusto mong ipaalala ko sayo ang kahayupang ginawa mo Johanna." matalim ang tinig na iyon na punong-puno ng pait, sakit at galit.

Nanlaking muli ang mga mata ko. Lalong nag-alpasan ang mga luha ng maintindihan ko ang kanyang ibig sabihin.

Bakit kailangan n'ya pang muling sariwain ang sugat na iyon..

"Mukhang hindi ko na kailangang ipaalala pa. Mukhang ikaw na mismo ang nakaalala." sambit nito. Napatda na lamang ako habang gamit ang isang kamay ay hinawakan n'ya ang dalawang kamay ko habang ang isa ay gumapang pababa sa aking puson at madiin piniga..

"Ahhhhhhhhh!" napahiyaw ako sa sobrang sakit ng ginagawa n'ya. Gusto kong maglumuhod sa kanyang harapan para lang tigilan n'ya iyon ngunit lalo lamang n'yang dinidiinan.
Ginamit ko na ang paa at binti ko sa pagsipa sa kanya ngunit nabalewala lamang iyon..

"Arghhh! T--tama na Thorin. Ahhhh masakit!" Pasigaw kong iyak sa kanya. Nanghihina na ako at nanlalabo na'rin ang paningin dahil sa luha.

"Ganyan din ba kasakit ang naramdaman mo habang inaalis sa sinapupunan mo ang anak ko? " madilim ang kanyang ekspresyon habang binibitawan ang mga sakitang tila punyal na tumatarak sa buo komg pagkatao. "Ganyan din ba ang naging pag-iyak mo nang tuluyan na s'yang mawala? " dugtong nito. "You killed our child. Our child Johanna." mahina iyon ngunit ramdam ko ang pinaghalong galit sa kanyang tinig. Nakakakilabot na parang ang tinig na iyon ang papatay sakin.

"Hindi... H--Hindi 'yan totoo.." Nanginginig kong tugon.

"Putang Ina! 'wag kang mag maang-maangang hindi ka pumatay ng sarili mong anak. 'Wag mong itanggi dahil alam ko. Alam na alam ko Johanna kung anong ginawa mo n'ong araw na iyon. Alam ko Johanna." binitawan n'ya ako at unti-unti akong bumagsak sa sahig..
Lumayo s'ya sa akin at sinuntok ang pader.

"How could you do that Johanna? Paano mong nasikmurang pumatay ng sarili mong dugo at laman?" Lumingon s'ya sa akin at nakita ko ang pagkislap ng luha sa kanyang mga mata.

"Paano ko pa mahahanap ang kapatawaran para sayo kung sa t'wing iisipin kong magpatawad bumabalik ang gabing pinamukha mo sa akin na kahit kailan ay hindi ako magiging sapat para sayo? Paano kong hindi idadamay ang anak mo, kung sa t'wing maiisip kong ginagawa mo ang lahat para mabuhay s'ya samantalang pinatay mo ang magiging anak ko? Paano ba Joan?" Buong pait nitong turan, ngunit tanging paghikbi lamang ang naisagot ko sa kanya.

"Kung iniisip mo noon na laging pangalawa ka, sana naintindihan mo. Sana lumaban ka, kasi ako-- Lumaban ako, ipinaglaban kita sa lahat ng taong gustong sumira sa atin. Wala akong hininging kapalit kundi ang manatili ka sa tabi ko at lumaban kasama ko, pero bakit ganon? Saan ba ako nagkulang? Bakit palaging hindi sapat ang mga ginagawa ko? Bakit iniwan mo pa'rin ako?" nakatayo lamang s'ya aking harapan habang may takas na luha sa kanyang pisngi.

"Minahal kita ng sobra-sobra Johanna. Sobra na halos ikabaliw ko ang pagkawala mo. Sobra na lahat ng meron ako ay hinayaan kong mawala para sayo. Pero bakit nagawa mo pa iyon? Bakit ang anak ko pa?" nanginig ang kanyang tinig sa huling turan n'ya.

Hindi ako nakapagsalita. Humikbi lamang ako nang humikb.. Iniyakap ko na rin ang braso ko sa aking mga tuhod.

"Makasarili ka Johanna. Hindi man lang pumasok sa isip mo ang nararamdaman ko habang nandoon ka sa loob ng silid at pinapatanggal ang buhay na magkasama nating ginawa. Hindi mo man lang ako naisip." Napaupo na rin s'ya sa harapan ko. Parehas kaming lumuluha.. Parehas kaming nasasaktan.. Parehas bumabalik ang lahat.

Tumingala ako at tumingin sa kanya..

"H--Hi-Hindi ko S--Sinasadya P--Patawarin mo ako.. " Hikbi ko at walang pasabing gumapang ako palapit sa kanya at iniyakap ang aking sarili sa kanyang mga bisig.

Niyakap ko s'ya nang mahigpit na hinayaan n'ya lang.. Parehas kaming lumuluha, parehas na nasasaktan.

"P--Patawarin mo ako.... W--Wala akong nagawa..." Hikbi kong saad sa kanya..

Tanging pagtangis naming dalawa ang pumuno sa silid na iyon. Pagtangis na kaytagal kong kinimkim.

Tama ito.
Nagkamali ako.

Hindi naging sapat ang pagmamahalan naming dalawa para maging matatag.

_________________________________

ANDREI

Malamig ang gabing iyon-- katulad ng gabi kung saan sinubok ang matatag na pagkakaibigan namin ni Thorin. Maari ngang isa akong masamang kaibigan kung mas pinili kong mabuhay ang aking ina at ang aking nag iisang kapatid..

Hithit buga ang ginawa ko sa sigarilyo habang nakatingala sa madilim na kalangitan..

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng bar na pag aari ni Helios. Lumabas ako upang kahit papaano ay makalanghap ng totoong hangin, hindi puro usok ng sigarilyo. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang papalapit na hakbang ngunit, hindi ko na pinagkaabalahang tingnan kung sino iyon. Maaring isa lang naman sa mga kaibigan ko iyon.

Naramdaman ko ang pagtapik ng kanyang kamay sa kaliwang balikat ko kaya nilingon ko s'ya, upang salubungin ng seryosong ekspresyon.

Si Rhys.

Kumuha rin s'ya ng sigarilyo sa bulsa ko at sinindihan.

Parehas kaming nag bubuga ng puting usok at parehas tahimik hanggang basagin ni Rhys ang katahimikan..

"Hanggang kaylan mo kayang itago ang katotohanan?" diretso n'yang tanong..

Ngumisi ako at bumuga bago sumagot..

"Kung hanggang saan ang kaya mong pagtatago Rhys." Sagot ko, bago kami parehas tumingala...

"Life Sucks." Sabi nalang nito..

_____________________

All Right Reserved 

Stoutheart.

The Lust SufferDonde viven las historias. Descúbrelo ahora