Napairap naman ako. Tsk. Ibahin nya ako sa iba dahil ako, ayoko doon sa San Andres slash second bayan. Paano ba naman kasi hindi modern at ang chi-cheap pa nila manamit.

Naka baro't saya ka, kasi kuno kapag nasa San Andres ka. Need mo mag baro't saya. Maraming store sa San Andres ang pwedeng bilhan ng Baro't saya. Marami ding nag papaupa. Pero kapag ang mga turista ang na bisita ang na punta. Kadalasan sakanila ay bumibili. I don't know why. Siguro para Nakamura at may remembrance nadin. Hindi ko alam kung bakit need mag baro't saya kapag nasa San Andres ka. Siguro sa mga kemerot  nanaman yun ng mga matatanda doon sa San Andres sa mga kenemeng paniniwala nila. Tsk. Aksaya lang sila sa pera. Kung ipang shopee nalang nila ang mga binibili nila ng cheap na damit edi sana maganda ang Fashion nila. Tsk.

"At dahil marami ang nakatira sainyo o may connection sa San Andres. I'm giving you all ng assignment while nasa bakasyon kayo. Simple lang naman ang takdang aralin nyo, mag sasaliksik lang kayo habang nasa bakasyon kayo sa San Andres, mag hahanap kayo ng mga impormasyon sa mga mahahalagang pamilya na naka tira dati sa San Andres, malalaman ko ang hindi nag saliksik sa oras na tumawag ako ng limang estudyante na tatanungan ko sa pag balik nyo dito sa Manila mula sa bakasyon. I know lahat kayo ay sa San Andres ang punta kaya inaasahan ko ang lahat ay ready sa next meeting natin, kaya MISS YVERDEI habang nasa bakasyon ka mag aral ka para naman tumaas ang marka mo sa akin." Agad akong napatitig kay Prof Ambrosio nung bigla nya akong tawagin.

Napataas naman ang kilay ko sa biglang pag tawag ni Prof Ambrosio. Muntik na pala. Muntik muntikan na akong makatulog. Makakatulog na pala ako sa haba ng pinag sasabi nya. Tsk. Tagal naman mag end ng class nato. "Naiintindihan mo ba ako Miss Yverdei?" Mariing tanong ni Prof Ambrosio habang ang tingin nya sa akin ay napaka sama. Nag kibit balikat lang akong tumango habang walang ganang naka pangalumbaba. Nakita ko ang inis sa mukha ni Prof Ambrosio. Bago sya bumalik sa pag sasalita nya.

Tsk. Palagi nya nalang akong tinatawag sa klase nya. Palagi nalang syang na iinis sa akin. I don't know why naman. Ako lang ba ang inaantok sa klase nya? Hindi diba? Kaya bakit ako nalang ang pinapansin nya. At palaging tinatawag. Tsk. Gusto nya lang yatang tawagin ang magandang pangalan ko eh. Reighn Yverdei. So unique no? Mommy ko pumili nyan, tsk.

"REIGHN NAHANDA MO na ba ang mga gamit mo?" Malumanay na saad ni Mom. Nandito ako ngayon sa sala habang nag lalaro ng online games. Wala akong ganang tumango kay Mom. Nag lalagay sya ng damit sa maleta nya. "Hmm, kila Aexniqn ako matutulog ayokong makitulog sa ibang bahay kung meron naman tayong bahay." Walang ganang saad ko habang nakatingin sa phone ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag taas ng kilay ni Mom. "What? Hindi kapwedeng makitulog kila Aexniqn, meron akong ipapakilala say--- " hindi ko na pinapatos si Mom. Mukhang alam ko na kung sino ang ipapakilala nya sa akin. "Mom kung si Calix lang ang ipapakilala mo sa akin, no need, ayoko sakanya at ayaw nya din sa akin period." Walang emosyong saad ko. Habang nakatingin padin sa phone ko.

Ewan ko ba kung bakit kapag si Mom ang kasama ko nawawalan ako ng ganang mag salita. Siguro dahil hindi kami close ni Mom?  Or malayo lang talaga ang loob ko sakanya. Yeah, malayo nga ang loob ko sakanya dahil palagi syang wala. Palagi syang nasa ibang bansa kaya ako palagi ang mag isa dito sa pilipinas. Tsk.

Wala naman akong kapatid ni tatay nga ay wala ako dahil namatay ito nung nag kacar Accident kami. I was 5 year's old that time. Akala ko mamatay na ako pero dahil nalabas ako ni Mom sa sasakyan hindi ako nakasama sa pag sabog. But the most painful is. Nawalan naman ako ng daddy. Minsan ko lang to sabihin. Daddy's girl ako. Kaya siguro hindi kami masyadong same vibe ni Mommy.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Mom. "Alam kung merong namamagitan sainyo ni Calix." Natatawang saad nito. Agad kung naibaba ang hawak kung selpon at tiningnan si Mom ng gulat na gulat. "Alam mo Mom?" Gulat na tanong ko. Hindi ko talaga na expect na alam ni Mommy. Nakaka shock lang! As in! Super!

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now