"I don't care about your sorry..." Sagot niya...

"Wala din akong pakialam sayo..." Sagot ko... Natahimik naman yung mga estudyante... Sasampalin niya sana ako pero agad ko yun pinigilan gamit ang kamay ko at padabog na binitawan na ikinaatras niya...

Wag niya akong subukan... Noong may nakaaway ako sa Zenoria bali bali katawan nun buti nalang di ko ginamitan ng mahika paniguradong namatay yun... Oo mabait ako pero hindi ako papayag na aapihin lang ako...

"Hindi mo ba talaga ako kilala?!" Sigaw niya...

Tinaasan ko lang siya ng kilay na ikinainis niya pa lalo...

"I'm the Princess of the Kingdom of Aetherian... Daughter of the Queen..." Parang proud na pakilala niya pa...

"Wala akong pakialam..." Sagot ko...

"You bitch..." Susugurin niya pa sana ako pero may humarang sa kaniya...

"Yvonne that's enough..." Pigil sa kaniya ng President... Na nasa likod niya...

"I'm not done with you yet!" Sigaw niya sakin at nag-lakad papalayo... Yvonne pala pangalan niya?

"Are you okay?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang bigla siya humarap... Yung lalaking kumaway sakin kahapon...

"Okay lang ako..." Sagot ko... Ngumiti siya kaya lumitaw nanaman ang dimples niya..

"You should've done that to her..." Sabi niya habang nakatitig lang sakin...

"Kaya ko naman lumaban..." Sagot ko...

"Armin let's go..." Napatingin siya doon sa president ng tinawag siya at tumingin sakin ulit...

"Umm, what was your name?" Mukha pa siyang nahihiya nang sabihin niya yun...

"Blaine..." Kaswal na sagot ko...

"Ohhh right i'll keep that in mind, we'll see you around, Blaine..." Ngumiti ulit siya at sumunod kay Mr. President...

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad sila papalayo... Kaswal na nag-lakad lang ako pabalik sa mesa namin...

"Buti naman hindi mo sinunog ng buhay..." Napatingin ako kay Mika nang sabihin niya yun...

"Naalala ko tuloy si Rheign... Yung binugbog mo?" Dagdag pa ni Eren... Umirap lang ako ng sinabi nila yun... Umupo nalang ako at uminom ng tubig...

Buong araw puro klase lang ang ginawa namin... Tinuruan din kami kung paano gumamit na sandata, kung paano gamitin ng tama ang mahika o abilidad namin... At marami pa...

"Ano blaine? Kaya pa?" Tanong ni Eren habang nag-pupunas ng pawis niya... Last subject namin ang martial arts... Akala ko hindi mahirap kasi tinuruan ako noon ni Mama pero hindi pala...

"Si Mika na muna kalabanin mo..." Natawa pa siya bago tumango at inaya si Mika mag-sparring...

Nasa gymnasium kami ngayon at nag-palit pa kami ng damit dahil di naman pwede na mag-ganito na naka-uniform... Napatingin ako sa main entrance ng gymnasium ng may pumasok na limang estudyante...

Yung apat na officer ng student council... Yung president, Si Armin, tas isa pang babae at lalake...

Nagulat pa ako nang napatingin siya sakin at ngumiti... Na agad ko sinuklian... Umupo sila sa pinaka-mataas na parte ng bleachers... Hindi ko naman kasi alam ang tawag dun...

"Baka matunaw..." Napatingin ako kay Mika na umiinom ng tubig sa tabi ko...

"Tapos na pala kayo?" Tanong ko habang nakatingin kay Eren na hinihilot ang braso niya ..

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 05, 2021 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

DARK PHOENIX ACADEMYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin