01

16 1 0
                                    

BLAINE'S POV
Humikab ako at sumilip sa maliit na bintana ng kalesa... Laking gulat ko nang-makita ko ang nag-lalakihang mga bahay at istraktura...

"Eren, Mika gising..." Hinampas ko ng mahina ang mga braso nila hanggang sa magising sila...

"Bakit?" Tanong ni Mika at uminat pa...

"Andito na tayo..." Pagkatapos kong sabihin yun at tumigil ang kalesa... Bumukas yung pinto at lumabas na kami dala-dala ang mga dala naming bag...

"Wow..." Manghang bulong ko... Nang makita ko ang napakalaking gate sa harappan... Itim iyon at pangalan ng akademya ang nakalagay sa tuktok...

"Are these the new students?" Napatingin ako sa babaeng nakasuot ng magarang damit... Nakalugay ang maikli nitong buhok at nakasuot ng salamin...

"Yes madam..." Tumango lang yung babae at umalis na yung guwardiya...

"Welcome to Dark Phoenix Academy... I'm Ms. Trixie Lockhart... Headmistress of this school..." Then she smiled... Kahit papano naiintindihan ko yung sinasabi niya...

"Madam!" Napatingin ako sa babaeng naka-suot ng uniform... Nakatali yung buhok niya... At panyo na nagsi-silbing headband niya...

"Everyone, this is Krystal Leroux... She will help you around the school...." Ngumiti yung babae saamin at nag-lakad papalayo yung headmistress...

"Hi! Ummm wait your names are Blaine Leonhart, Mika Heartvale and Eren Laflamme?" Tumango lang kami...

"Marunong ka bang mag-salita ng normal na lenggwahe?" Tanong bigla ni Eren na ikinatingin naman namin ni Mika sa kaniya...

Napatingin ako doon sa babae na parang nagulat pa sa sinabi ng kaibigan namin... Natawa siya bigla at pinisil ang pisngi ni Eren na ikinapula niya bigla...

"Oo naman! Pasensya na kayo kailangan kasi namin mag-salita ganun para maging pormal..." At ngumiti siya...

"Ang sosyal niyo naman dito..." Sabi naman ni Mika...

"Baking may ganyan ka?" Tanong ko at itinuro ang parang pulang tela sa kanang braso niya... Na parang may simbolo na di ko alam kung amp...

"Armband ito sa student council ako kasi ang Vice president..." Napatango nalang ako...

Napatawa naman siya at may tinignan sa papel na hawak niya...

"Anyways, tara na ililibot ko kayo sa academy... Bago tayo dumeretso sa dorms..." Nauna na siyang mag-lakad at sumunod kami sa kaniya...

Nag-libot kami sa buong academy... Mula sa school buildings, library, cafeteria, gymnasium, mini-battle arena at marami pa...

Hindi ko makakapag-kaila na malaki itong academy... Mas malaki pa ito sa bayan ng Zenoria...

"And that's all... And by the way Welcome to Dark Phoenix Academy..." At ngumiti siya...

"Salamat..." Sagot ko at ngumiti...

"Alam kong pagod na kayo kaya tara na sa dorms..." Tumango lang kami at sumunod sa kaniya...

Nag-lakad kami papunta sa kanang-direksyon ng academy... May dinadaan kaming pathway daw sabi ni Krystal...

Huminto kami sa isang mataas pero malapad na tore...

"Ito nga pala ang dorms ng girls... Bawal mag-sama ang lalaki at babae sa isang dorm kaya yung sa lalaki naman ay nasa kaliwang side ng academy... Pumasok na kayo sa loob ihahatid ko lang si Eren sa dorm niya..." Napatingin ako kay Eren na nakatingin sakin na parang nag-mamakaawa... Napatawa nalang ako...

DARK PHOENIX ACADEMYWhere stories live. Discover now