02

7 0 0
                                    

BLAINE'S POV
"Good Morning, Students I'm Mr. Vale Valkyrie your class adviser..." Napatingin ako sa lalaking nasa harap, napakunot ang noo ko ng mapagtanto ko na siya yung lalaking pumunta noon sa Zenoria...

"Diba siya yung isa sa mga lalaking pumunta sa bayan?" Pabulong na tanong ko kay Eren dahil siya ang katabi ko...

"Hindi ko alam... Hindi ko naman nakita ang mukha niya..." Sagot niya... Napatingin nalang ako sa kaniya...

Hindi ako nakinig sa klase kasi parang lumulutang talaga yung utak ko... Ang dami kong iniisip katulad nung lalaking nakita ko kanina... Alam kong lalaki talaga yun kahit naka-hood pa siya...

"Element of Fire is stronger than the other elements... So sino sa inyo ang fire user dito?" Napatingin ako kay Mr. Vale nang tinanong niya iyon... Merong nag-taas ng kamay pati si Eren...  Nag-taas na din ako ng kamay dahil Fire User din naman ako...

"Ms. Leonhart..." Agad ako kinabahan ng tinawag yung apelyedo ko...

"Po?" Tanong ko...

"Come here..." Nag-lakad ako papunta sa harap sa gilid ni Mr.Vale... kumuha siya ng kandila at nilagay iyon sa baso at nilagay sa mesa niya...

"Lit that candle using your ability..." Tumango lang ako... Napatingin ako kay Eren at Mika... Ngumiti sila sakin at tumango...

Hindi ko alam kung paano gumawa ng apoy, pero alam ko kung paano pagalawin ito... Nilibot ko ang paningin ko sa paligid pero wala talagang pwedeng pagkunan ng apoy...

Bumuntong-hininga nalang ako at nag-concentrate... Pinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman ang paligid ko... Nag-labas ako ng mahika hanggang sa uminit ang katawan ko... Dumilat ako at tinitigan yung kandila napangiti ako ng may  nabuo na apoy doon...

Pero nagulat ako ng lumiyab iyon ng malakas... Agad naman ako napaatras...

"Hala..." Bulong ko... Masala yung init sa katawan ko at kinabahan agad ako...

"Still, you can't control your own ability Ms. Leonhart..." Sabi ni Mr. Vale sa likod ko... Namatay yung apoy sa isang pitik ng daliri niya... "But good work, at least your tried go back to your seat..." Tumango lang ako at bumalik sa upuan ko...

"Paano mo nagawa yun?" Tanong ni Eren...

"Hindi ko din alam.." Sagot ko...

Nakinig lang ako sa klase hanggang sa matapos iyon at Break time na...

"Nagutom ako dun ah..." Sabi ni Eren pagkalabas namin ng classroom...

"Pareho lang tayo lahat dito..." Sagot ni Mika...

"Tara na sa Cafeteria..." Aya ko... Dumeretso kami ng Cafeteria at kumuha ng pagkain... Libre naman daw kasi...

"Nga pala, sino roommate mo?" Tanong ko kay Eren habang ngumunguya ng sandwich...

"Yung si Roché, De La Croix tas si Valkrum..." Sagot niya...

"Teka yung mga Officers?" Tanong ni Mika... Tumango lang si Eren...

"Kuha lang ako ng tubig..." Tumayo ako at kumuha ng tubig na nasa bote doon sa counter... At nag-lakad pabalik sa table...

Malapit na sana ako sa table namin nang bigla akong may nabangga na estudyante... At malas pa isang Elite Student...

"OMG, are you blind?" Galit na tanong niya... Tumingin ako sa babaeng tuh at galit siyang nakatitig sakin...

"Sorry..." Sabi ko at aalis na sana pero hinawakan niya ang buhok ko...

"Novice student huh? Do you even know who I am?" Tanong niya... Aba sobra na ah... Inis kong kinuha yung kamay niya sa buhok ko...

"Nakakasakit kana ah, nag-sorry na nga ako..." Kalmadong sabi ko... Lahat ng estudyante nakatingin na saamin...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARK PHOENIX ACADEMYWhere stories live. Discover now