KABANATA XIII

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gising na si Lucio," Seryoso kong sambit sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Celine sa akin at napaka ngiti.

"Really? Salamat naman at gising na siya akala ko talaga hindi na siya magigising pa,"

"So? Parang masaya ka pa na na-coma siya? Ganun?" Inis kong sambit sa kanya.

"Hindi naman,"

"Ang nakakainis pa ay IKAW ang unang hinanap niya!" Sigaw ko sa kanya.

"Really? Pwede ko na ba siyang makita?" Masaya niyang sambit.

"Hindi! At hindi kami makakapayag na bumalik siya sayo!" Galit kong sambit sa kanya.

"Babalik sa akin? After the incident alam kong wala na akong babalikan,"

"Wala! Mind your own business! Sinabi ko lang na gising na si Lucio para aware kang sa kanya pa rin ang pwesto,"

"Ooh? Dahil ba diyan? Ok!"

Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na si Celine.

Nag madali akong pindutin ang button ng elevator para magsara ito nag ispray din ako ng alcohol para mawala ang masangsang na amoy na iniwan ni Celine sa elevator.

"Bitch!" Galit na sambit ko.

Pagbukas ng elevator ay dumiretso na ako agad sa pwesto ko.

Tinapos ko na ang contract ng Bella Co at sinend na ito sa kanila.

Nag print din ako ng hard copy ng contract para sa formality.

Habang nag pi-print ako ng copy ng contract ng Bella Co ay hindi mawala sa isipan ko ang mga kilalang kumpanya na gustong mag invest sa amin. Bakit sa dami-daming magazine company ay sa amin pa talaga sila nag invest at hindi last basta-basta investment ang ginawa kung hindi nag sponsor pa sila ng mga gamit nila sa buong employees ng company.

Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko ito.

10 million dollars investment from Louis Vuitton and the others is 5 million dollars!

Nakakalula ang mga investments na natatanggap namin ngayon! Dahil dito dapat mas igihan pa namin ang pag tatrabaho.

Ilang minuto lang mula ng mabasa ko ang investments ng mga companies ay nag message sa akin ang sekretarya ni Celine.

May emergency meeting na naman kami bukas upang batiin ang mga bagong investors ng kumpanya.

Dahan-dahan at pautay-utay ng bumabangon ang kumpanya dahil sa tulong na din ng Bella Co.

Pagkatapos kong mag print ay umalis na ako sa opisina para tumungo sa mall upang makabili ng makakain.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pinaandar na ang makina.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa parking area at pumasok na ako sa loob ng mall.

"Nakakamiss din pala pumunta Ng mall." Nakangiti kong sambit.

Tumungo ako agad sa restaurant para umorder ng makakain ng may nasangga akong batang babae.

"Oooppss! I'm Sorry!" Nahihiyang sambit niya sa akin.

"Ayy sorry din hindi kita napansin." Nakangiti kong sambit sa kanya.

Hindi ko alam bakit nakatingin lang ang bata sa akin. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko o hindi niya naintindihan?

May sasabihin pa sana ako sa bata ngunit bigla na siyang patakbong umalis sa harap ko.

Nag kibit balikat nalang ako sa nangyari at dumiretso na ako sa cashier para magbayad.

Nakaupo ako sa waiting area ng makita ko ulit yung batang nakabanggaan ko. Napaka gandang bata! Unat ang buhok niya na may pulang laso sa buhok tapos naka dress siya na pang doll. Mamula-mula ang labi niya at pinkish ang pisngi niya tapos yung mga mata niya parang laging nakangiti yung parang nangungusap ba? Tapos yung pilikmata niya ang haba parang santo lang.

Basta! Ang gandang bata.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nag hihintay ako ng order ko siguro ang edad nitong batang ito ay nasa pitong taong gulang o mga walong taong gulang?

Takbo lang ng takbo ang bata hanggang sa mapagod siya sobrang active niya!

Lumingon-lingon ako sa paligid niya ngunit wala akong makitang kasama niya kaya nilabas ko siya habang hinihintay ko ang pagdating ng order ko.

Lumapit ako sa bata at kinausap ito.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin siya sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin at biglang ngumiti.

"Ang cute! Walang mata yung bata kapag ngumiti."

Tinanong ko siya muli baka sakaling sagutin na niya ako.

"Your so cute! What's your name?" tanong ko sa kanya.

"Thank you! My name is Bella Ig---," putol niyang sambit ng biglang sumingit ang kasama niyang nakakatanda.

"Bella? What are you doing?" tanong ng isang matandang babae sa kanya.

Napatingin ako sa kasama niya at napangiti.

"Sorry Madam, I was stunned with your daughter's beauty," Nakangiting sambit ko sa kanya.

"I'm her Grandma. Thanks for the compliment dear. Naistorbo ka ba ng apo ko?" Nakangiting tanong niya sa akin.

"Aah hindi naman po. Nagkabanggaan kami kanina then after nun na capture na niya ang puso ko. Sobrang gandang bata nito parang hawig siya nung kaibigan ko,"

"Aahhh ganun ba? Kahawig siya ng kaibigan mo?"

"Opo,"

"Aaahhh edi maganda din ang kaibigan mo," natatawa niyang sambit sa akin.

"Opo. Maganda yun kaso nga lang wala na siya ngayon,"

"Umalis? May pinuntahang iba?"

"Mahabang kwento po pero patay na po siya,"

"Ayyy condolence to the family,"

"Thank you po. Paano po iwan ko na po kayo dito maraming salamat po sa oras na binigay niyo sa akin. Bye Bella!" Sabay tingin ko kay Bella.

Kumaway sa akin si Bella at tumalikod na ako sa kanila.

Pagbalik ko sa loob ng restaurant ay saktong dinala na sa upuan ko ang order ko. Pagkuha ko ng order ko ay umalis na ako at pumunta na ako sa ospital.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon