CHAPTER EIGHT

23 8 0
                                    

"GRABE naman ang iwasan ninyong dalawa." sabi sa akin ni Janella. "Huwag ka nga maingay. Baka mapagalitan kami ng librarian dahil sa kaingayan mo." saway ko kay Janella. "Okay naman kayo, 'di ba?" tanong niya at tumango ako. "Bakit mo iniiwasan?" tanong niya sa akin. "Ewan ko ba," sagot ko nalang sa kaniya.

"Anong chika ninyo?" biglang tanong ni Olivia na kakarating lang. "Tapos na class mo?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ba obvious?" tanong niya pabalik. "Baka tumakas lang," sabi pa ni Janella. "Gaga! Hindi ako gano'ng student." sabi niya sa amin kaya nagtawanan.

"Bakit ba pinapunta pa ninyo kami rito?" tanong ko sa kanila. "Sama ka na kasi sa amin." aya ni Janella at hinahatak pa ang kamay ko. "Saan ba?" tanong ko sa kanila. "Wala namang pasok bukas kaya okay na gumala ngayon." sabi ni Janella. "Kung kayo walang gagawin, ako meron." sabi ko sa kaniya.
           
"Basta sumama ka nalang sa amin sa ayaw o gusto mo." sabi niya sa akin kaya kinuha na ni Olivia ang mga gamit ko at si Janella naman ay hinatak ako palabas ng library. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanila at nag-tap out na ako.
           
Huminto kami sa isang restaurant malapit sa school. Grabe! Ang haba ng tinakbo namin para lang sa restaurant na 'to. Tinignan ko ang paligid at nakita ko si Gavin. "Here." sigaw niya kaya napukaw ang atensiyon ng iba. "Ingay mo, ha?" sabi ko sa kaniya.
           
"Hello, madam." bati sa akin ni Alton at ngumiti pa. "Hello," bati ko pabalik. "Dito ka na umupo." sabi niya sa akin at tumango ako. Si Cedrick ang katabi ko kaya ang awkward. "Titingin lang ako ng menu. Tara," sabi ni Janella na kasama sila Vincent at Alton. "May kukunin lang kami sa kotse, bro." paalam ni Gavin at hinawakan pa si Olivia. "Bakit iiwan ninyo kami?" tanong ko sa kanila ngunit hindi naman nila ako pinansin.
           
"Kumusta ang school?" tanong ni Cedrick sa akin. "Medyo easy naman today pero sa Monday may recitations kami kaya need kong mag-review ng bongga." sagot ko sa kaniya at tumawa naman siya. "May gagawin ka ba bukas?" tanong niya sa akin at tumango ako. "Notes," simpleng sagot ko. "Kahit wala talaga akong gagawin," sabi ko sa aking isip.
           
"Alam mo na bang aalis sila bukas?" tanong niya sa akin at tumango ako. "Sasama ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ko pa alam, eh. Kung sasama si Alton, sasama ako." sagot niya sa akin. "Paano kung sasama siya?" tanong ko muli. "Edi sasama ako tutal wala naman akong gagawin." sagot niya sa akin.

"Sasama ka ba?" tanong niya sa akin pabalik. "Kung sisipagin ako, sasama ako." sagot ko sa kaniya at ngumiti siya. "Paano kung sasama ko? Sasama ka?" biglang tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin. "Hindi ko inaasahan na gagawin ko 'yun, ha." sabi ko sa isip.
           
"Baka iwasan mo lang ako," bulong niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Iniiwasan ba kita?" tanong ko sa kaniya. "Parang," sagot niya sa akin. "I'm sorry kung nararamdaman mo 'yun." sabi ko sa kaniya. "Okay lang naman." sabi niya sa akin at muling ngumiti.

Pagtapos namin mag-usap, saktong dumating na ang mga nang-iwan. "Nag-order na ako ng food para sa atin." sabi ni Janella. "Tuloy ba bukas?" tanong ni Alton kaya napatingin ako sa kaniya. "Tuloy talaga, be." sabi ni Janella kaya nilakihan niya ako ng mata ngunit umiling ako.

Hanggang sa makauwi kaming tatlo, kinukulit pa rin ako ni Janella na sumama bukas. "Kung ayaw niya sumama, huwag pilitin." sabi ni Olivia kay Janella kaya tinignan ng masama ni Janella si Olivia. "Edi iiwan natin siya rito kung hindi ko pipilitin." sabi ni Janella.

***

"Kulit mo talaga, Janella." saway ko habang nasa banyo ako dahil naglilinis ako ng mukha. "Sama ka na kasi," sabi niya sa labas. "Bahala na nga bukas." sabi ko sa kaniya. Pagtapos kong maglinis, lumabas na ako ng banyo.

Nagulat ako sa isang foam na nakalatag sa lapad na may mga unan at kumot. Nakita ko si Olivia ngayon na dala-dala ang unan niya. "May mga sarili kayong kwarto, bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila. "Pinilit niya lang ako na matulog dito." sagot ni Olivia. "Para kulitin ka," sagot ni Janella kaya napakamot nalang ako.
           
"Bumalik na kayo doon." sabi ko sa kanila at humiga sa kama. "Nandito na kami kaya hindi na pwede." sabi ni Janella sa akin. "Sinarado na ba ninyo 'yung labas?" tanong ko sa kanila. "Yes pero 'yung ilaw sa kusina hindi." sabi ni Olivia. "Bakit?" tanong ko. "Ewan ko rin kay Janella." sagot sa akin ni Olivia.
           
Nakita ko si Janella na hawak-hawak ang gitara ko. "Marunong ka pa rin ba?" tanong niya sa akin at tumango ako. Hindi ko na masyadong ginagamit ang aking gitara lalo na mas focus ako sa pagbabasa ng libro. "Kantahan mo nga kami." sabi ni Janella sa akin at binigay ang gitara.
           
"Kahit anong kanta nalang, pwede?" tanong ko sa kanila at pumayag naman sila. Naisip ko ang Paraluman na kanta ni Adie. Sinimulan ko ang pagtugtog ng gitara. Maya-maya ay sinimulan ko ang pagkanta at nakikinig lang sila Olivia.
           
"Himig ng tadhana," kanta ko. "Sa atin ay tumutugma na," sunod kong kanta. Ang dalawa ay nakikinig at ngumingiti pa sa akin. "Isasayaw kita, mamahalin kita. Hanggang sa walang hanggan," pagtapos ko ng kanta at pumalakpak pa sila.
           
"Maganda talaga ang boses mo, Isabel." bati sa akin Olivia. "Thank you." sabi ko. "Dahil kumanta ka," sabi ni Janella at lumapit sa akin. "Sasama ka na bukas." sabi niya at tumawa ako. "Oo na," sabi ko at nagulat pa siya. "Sasama ka na?" tanong niya muli at tumango ako.
           
"Kapag hindi kayo natulog, hindi ako sasama." sabi ko sa kanila at bumalik na sa pwesto si Janella. "Mommy's line," sabi ni Olivia kaya tumawa ako. "Kapag daw hindi tayo matutulog sa hapon, hindi tayo maglalaro sa labas." sabi ko at nagtawanan kami.

Love me back, My LoveWhere stories live. Discover now