CHAPTER TWO

53 11 1
                                    

KINABUKASAN, nagising ako sa mga tili at sigaw na alam ko kung kaninong boses iyon dahil kay Janella iyon. Lagi siyang ganyan kahit noon pa man pero dahil sa saya niya ngayon sumobra naman ang pag-iingay niya.

Nasanay na rin ako sa ingay ni Janella pero hindi lang si Janella ang maingay sa umaga dahil si Olivia rin ay maingay lalo na kapag kakain na kami. "Ano ba naman 'yan, Janella! Mas maingay ka pa sa manok." saway ni Olivia kay Janella at hindi naman pinansin ni Janella iyon.

"Masaya ako kaya i-zipper mo muna 'yang bibig mo." sagot ni Janella kay Olivia. "Alam mo namang may natutulog pa tapos mag-iingay ka diyan na para bang walang natutulog." sagot naman ni Olivia.

"Gising ka na pala, Isabel. Ano ba ang nangyari kagabi? At bakit ganyan si Janella? At bakit ito pa rin ang damit ko?" tanong sa akin ni Olivia "Kakagising ko lang tapos ganyan agad mga tanong bubungad sa akin." bulong ko.

"Una sa lahat, kakagising ko lang po. Puwedeng kain muna bago tanong?" tanong ko sa kaniya at umiling siya. Maglalakad na sana ako papuntang kusina ngunit hinarang ako ni Olivia. "Hindi ka makakakain hangga't hindi mo sinasabi ang mga nangyari kagabi." sabi ni Olivia sa akin habang hawak ang magkabilang braso ko. "Hindi ako titigilan nito talaga." sabi ko sa isip ko.

"Sige na nga. May kasayawan si Janella na lalaki sa dance floor kagabi habang ikaw naman ay sumusuka sa restroom. Kaya ganyan pa rin ang damit mo dahil tulog na tulog ka kagabi at nahiya naman akong istorbohin ang pagtulog mo." sagot ko sa kaniya at tumangu tango naman siya.

"Bakit si Janella nakapagpalit?" tanong niya muli. Bumuga muna ako ng hangin bago ko siyang sagutin. "Mukhang kanina pa siya gising dahil kagabi wala naman akong pinalitan ng damit sa inyong dalawa. Dahil sa sobrang saya yata niya maaga siyang nagising," sagot ko sa kaniya.

Lalakad na ako sa kusina kaso pinigilan naman ako ni Janella ngayon. "'Yung tiyan ko kawawa talaga." sabi ko sa aking isipan. Bigla akong hinatak ni Janella papuntang sala at si Olivia rin ay hinatak niya. "So, may sasabihin ako sa inyo. Bawal magalit o mainis, okay?" sabi ni Janella at sabay kami ni Olivia tamad na tumango. "Ano na namn 'yun, Janella?" tanong ni Olivia.

"'Yung kasama kong lalaki kagabi." pabitin na sabi ni Janella. "I-correct ko lang na kasayawan 'yun." sabi ni Olivia. "Kaibigan ko 'yun, Olivia." sabi naman ni Janella. "Eh 'di kaibigan pero sure bang kaibigan o ka-ibigan?" tanong ni Olivia kaya nagkamot ng ulo si Janella.

"Ano ba ang sasabihin mo, Janella? Maawa naman kayo sa tiyan ko na kanina pa nagugutom." pag-awat ko sa kanila. "Okay, relax lang tayo rito." sabi ni Janella na naging rason para lalo akong mairita. "Bahala nga kayo diyan." sabi ko at tatalikuran ko sa sana sila ngunit nagsalita muli si Janella.

"Pupunta 'yung lalaki rito kasama 'yung mga kaibigan niya." sabi ni Janella kaya lumingon muli ako sa kaniya. "Manliligaw mo ba para pumunta rito?" tanong ni Olivia kay Janella at umiling naman si Janella. "Sino ba 'yun? Pupunta rito kasama pa ang mga kaibigan." tanong ko dahil hindi ako pumapayag na may pumupunta rito na kung sino-sino lalo na kung hindi ko kilala.

"Bawal ba na kaibigan lang? At Nathan Vincent ang name niya po. Okay na wala na kayong tanong?" sagot ni Janella sa amin. Tumango nalang kami. "Kaibigan ba talaga?" bulong ko ngunit wala namang nakarinig kaya goods 'yun. "Puwede na bang kumain?" tanong ko at ngumiti. Nag-peace sign naman si Janella kaya tumango ako. Mas magandang kumain nalang.

Sa lahat ng ayaw ko, may pumupunta rito sa bahay na lalaki or kung sino-sino pero dahil kilala naman ni Janella kaya pumayag nalang ako at hindi rin nag-comment si Olivia kaya hindi na ako umangal pa sa gusto ni Janella.

Binabalak kong maglinis ng kaunti rito sa bahay upang maging maayos naman sa paningin ng bibisita rito. Nakakahiya kung puro kalat ang makikita rito at baka mapahiya pa si Janella. Kahit sa kwarto ko rin naglinis at nag-ayos ako ng mga gamit.

Love me back, My LoveWhere stories live. Discover now