“Mahirap na ’no, baka hindi mo na naman ako pakopyahin!” singhal nito.

Sinipa ko siya sa paa bago pa man siya makatakbo palayo sa akin.

“Hindi talaga!” sigaw ko at binilatan siya. Dinuro niya lang ako bago pumasok sa gate ng bahay nila.

Tama nga si Aaron. Ma’am Lasema, our teacher in science surprised us a quiz! Buti na lang at handa ako lalo na si Aaron, baka kasi ako na naman sisihin niya at hindi ilibre ng pamasahe pauwi.

Lunch break ay inaya ko si Aaron na doon kami sa kalenderia namin kami kumain.

“Sayang. Sa McDo pa sana kita ililibre ngayon...”

“Sa susunod na ’yang loho mo! Tara sa kalenderia namin, masarap do’n!” hinila hila ko pa siya kahit hindi naman kailangan dahil sasama naman siya.

Nang nasa palengke na kami hindi inaasahang makasalubong namin ni Aaron si Silver na naglalakad nang mag isa.

“Are you two are dating?” tanong nito sa aming dalawa.

“Hindi! Makikikain kasi ako sa kalenderia nila kaya magkasama kami,” matinong sagot naman ni Aaron. “baka gusto mong sumama?” aya nito.

Tinignan ko lang si Silver at hinintay ang sagot niya. Hindi ko man maintindihan ay may parte sa aking hinihiling na sana ay sumama siya. Kahit na inis ako sa kaniya.

Nanglaki ang mata ko nang lingonin niya ako.

“Pwede?” he asked. Wala sa sariling napatango tango naman ako.

Nakaupo na silang dalawa sa laging pwesto ko sa kalenderia namin. Ako naman ay kumuha ng pinggan at baso para ilagay sa mesa namin.

“Thank you,” sabi ni Silver.

Tinalikuran ko siya at waala sa sariling napangiti ako bago lumapit kay Mama na naghahanda ng kakainin namin. Tinulungan ko siya sa paghahanda.

“Sino ’yong isang kasama mo?” tanong ni Mama habang titig na titig kay Silver. Para niyang sinusuri ang muka nito.

“Si Silver, Ma,”

“Silver?” she's pointing his surname.

Napaisip naman ako. Hindi ko na maalala kung ano ’yong apelyido niya na sinabi sa akin ni Aaron noong nakaraan.

“Hindi ko alam, siya na lang po tanongin niyo,” saad ko. Tumango naman si Mama at senerve na ang pagkain namin.

“Maupo ka na.” sabi ni Mama nang tutulungan ko pa siyang maglapag ng mga pagkain.

“Sus! Kunwari masipag pa ’to! Andiyan lang si Silver, e!” asar ni Aaron sa akin.

Pinamulan pa ako nang sabay tumawa si Silver at Mama.

“Ang gago mo, Aaron.”

“Tita o! Nagmumura sa harap ng pagkain.” sumbong nito sa akin.

Malakas na sinipa ko siya mula sa ilalim ng mesa. Malakas na napadaing siya pero umakto akong parang walang nangyari.

Napatingin ako kay Mama nang umupo siya sa tabi ni Silver. Nakita ko ang gulat sa muka ng lalaki dahil sa ginawa ni Mama. Dumaan agad ang hiya sa muka ng lalaki nang hawakan ni Mama ang muka niya at sinuri ang kabuoan nito.

Narinig ko ang mahinang hagikhik ni Aaron.

“Mama, ano ba ’yang ginagawa niyo?” nahihiyang tanong ko na.

Mukang natauhan si Mama sa ginagawa niya at binitiwan ang muka ni Silver.

“Anong apelyido mo? Sinong mga magulang mo? Saan ka nakatira? Ilang taon ka na?” sunod sunod na tanong ni Mama sa lalaki.

When Fate PlayedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang