Chapter 3: Fall

1.7K 55 5
                                                  

Chapter 3: Fall

Marami ang nagulat nang malaman nilang close kami ni Dane. Sino ba namang hindi diba? Football player at Geek student magcclick.

 

“Tulala ka na naman?” Puna niya sa akin.

Kapag kasama ko siya madalas na akong napapatulala.

Parang natetense masyado ang hormones ko sa presence niya.

 

“Ay sorry, iniisip ko lang yung ituturo ko sa’yo ngayon sa Chem.” Sagot ko naman.

 

“Nasstress ka ba sa pagtuturo sa akin?” Tanong niya.

Mejo matagal na din kasi kaming ganito. Uhm, five weeks na ata. Pero di naman kami araw araw kung magkita. Three days a week lang kasi shempre, nagaaral din naman ako. Tapos siya may football practice. Buti nga nagkaroon pa kami ng tugmang oras para dito.

 “H-ha?! Naku, hindi! Bat mo naman natanong ‘yan?” Sagot ko.

Hinding hindi naman ako masstress sa'yo!

“Wala lang. Baka kasi nakakaabala na ako sa mga dapat ginagawa mo ngayon.” He said with a sigh.

 

“Baliw. Hindi noh. Tsaka maganda nga ‘tong ginagawa natin eh, nakakapagreview na din ako. Sa majors lang naman tayo hindi magkaparehas eh.” Sagot ko.

Napangiti naman siya.

 

“Kaycee..” Tawag niya sa akin. “Anong tipo mo ng lalaki?”

 

“H-ha?!” Nagulat ako sa tanong niya.

Bigla siyang natawa. “NBSB ka ba?” Tanong niya muli.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko ng dahil sa tanong niya. Bakit ba siya nagtatanong ng mga ganyan?!

 

“Ah-Eh.. Ba-bakit mo naman natanong yo-yon?” Sagot ko sa kanya. I held my ballpen tight.

He sigh. “Wala lang! Matagal na din kasi tayong nagkakasama pero ni isang information tungkol sayo wala akong alam.” Sabay ngiti at tumingin sa mga HRM student.

 

“A-alam mo naman ang birthday ko eh.” Sagot ko sa kanya. I tried writing formulas in the paper pero namental block ako.

 

“Shempre naman! Nasa facebook eh.” Tapos tumawa siya.

Stop, Stare, and Fall In Love || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon