Epilogue.

1.7K 63 7
                                                  

Epilogue

“Kaycee.. Ano ang tipo mo na lalaki?”

“NBSB ka ba?”

“Oo, may chemistry tayo.” Then he grinned at me.

Hindi ko alam kung anong nangyari, o paano ako napunta sa realization na ito.

Gusto ko lang naman makatulong sa kapwa estudyante ko na nahihirapan sa subject na Chemistry.

Who would have thought that the ‘Geeky Geek Kid’ (ayon kay Xiara), would fall in love with the ‘Hot Football Player’.

**

“Kaycee!” Narinig kong sigaw sa akin ni Dane.

Nakaupo ako sa isa sa mga gazebo sa school, habang siya tumatakbo papalapit sa akin. Break time ko noon, at wala sina Rayne at Xiara dahil may gagawin daw silang group project kaya mag-isa lang ako.

“O bakit?” Tanong ko kay Dane nang makalapit siya sa akin. He was catching his breath. “Wala tayong tutor ngayon diba?”

“Wala nga!” Tapos nginitian niya ako at umupo sa harapan ko. Though pabilog ‘yong table dito sa gazebo, he still sat in front of me.

Tinignan ko lang siya ng taimtim. Naramdaman niyaata iyon kaya tumingin din siya sa akin at ngumiti.

*dugdug dugdug* [1]

Nagulat ako sa kakaibang rigodon na naramdaman ko sa may dibdib ko.

Wala lang naman un diba?

“O natulala ka na jan? Gwapo ko noh?” Tanong niya, with matching taas kilay.

Agad akong napabalik sa wisho at sinamaan siya ng tingin, “Grabe, totoo pala yung sabi sa balita na magkakabagyo ngayon. Ang hangin kasi eh.” Sabi ko at binalik ang aking mata sa pagbabasa.

Hindi ko na siya magawang lingunin ulit non.

I don’t like the feeling he’s giving me. But at the same time, gusto ko din. Ano ba to! Ang gulo ko!

“Grabe ka naman. Totoo naman sinabi ko diba?” Pangungulit niya pa.

“Sobrang taas naman po ng level of confidence mo Mr. Cano.” Sagot ko pero hindi ko pa rin siya tinitignan.

Naramdaman ko nalang na lumapit siya sa akin.

“Ano ba yan?” Sabay agaw ng librong hawak ko. “Nagaaral ka na naman? Grabe ka. Kaya ka binabansagang geek ng mga tao.” Sabi at binalik sa akin ang libro.

Stop, Stare, and Fall In Love || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon