Pocket Memories 2 ♡

44 3 0
                                    

~~ November ** , 20**

Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko

Ang hinihintay ng puso ko..

Tunay na kung siya ang kapalaran mo

Darating sa buhay mo..

Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko

Binuhay mo ang puso ko..

Sana kailanma'y hindi magbabago.... ~~ ♪♩ ♪ ♬ ♩♬

------------

Dear Engagement Book,

Nagising ako sa kanta, nagssoundtrip pala yung kapitbahay namin.. Theme song pala natin yun, naalala na naman kita. Noon ikaw pa yung kumakanta sa'kin nun. Ang ganda ng boses mo. Hanggang ngayon nga, pag naririnig ko yun.. yung version mo pa rin yung nag-pplay sa utak ko. Nakaka-inlove. Hayy.. lalo tuloy kitang namiss..

Nagtataka siguro sila bakit may ganito ako, bakit ako nagsusulat.. Naisip ko lang kasi na kung isusulat ko rito yung mga nangyari, baka kasi makatulong 'to para makamove on sa'yo. Baka kasi pag nasulat ko dito yung damdamin ko, malipat na sa notebook na 'to at tuluyan na kitang makalimutan.. yung sakit..

Sa totoo lang hindi naman kita makakalimutan eh.. Kahit pa ganito na ang nangyari sa'tin. Kahit sa ganito tayo humantong.. Kahit naman ayokong hiwalayan ka, yun na lang ang nakita kong way. Ayokong ipilit pa ang sarili ko kung di na kita mapapasaya kasi alam kong may iba ng dahilan ng mga ngiti mo. Ayoko ng ipilit pa yung pagmamahal ko sa'yo kasi hindi na yung galing sa'kin ang kailangan mo.. Ayoko ng ipilit pa yung sarili ko kasi alam kong napalitan na ko dyan sa puso mo..

I believe that there's a reason why God let this happen.. I proved that there's always a person that can stay in our heart but not in our life..
Lagi ka pa rin kasing nandito, siguro you took a special part of my heart kaya hindi madali yun. Kung magmamahal man ako nang iba, alam kong di ka na maaalis dito.. ganun ata talaga pag first love..

- Reginald

PS. You're so special to me. You've taken a special part of my heart.

PPS. You are my first and I thought that you are also my last..

Pocket MemoriesWhere stories live. Discover now