Systolic Heart Failure

Start from the beginning
                                    

Napatitig ako kay Keith. Halos dalawang araw na kaming nandito pero hindi pa rin siya nagigising. Malala daw yung kondisyon niya ngayon.

Naalala ko na naman yung mga nangyari sa playground.

"Keith?" Medyo taranta kong tanong nung napansin kong nakahawak si Keith sa dibdib niya at naghahabol siya ng paghinga.

Humakbang si Keith pero nawalan na siya ng balanse at bumagsak na siya sa damuhan.

"Keith!" Sigaw ko. Sasaluhin ko sana siya pero hindi ko na siya naabot.

Dinala ko na siya sa ospital dahil hindi na siya makahinga. Wala na rin siyang malay.

"Well, katulad nang sinabi ko sa inyo dati pa, alam niyo naman ata ang rason kung bakit nagkaganito ang anak niyo?" Sabi samin nung doktor.

"I'm sorry Doc-" sabi ni Tita Karla.

Huminga ng malalim yung doktor.

"Malala ang kalagayan niya ngayon. Makina na lang ang nagpapatakbo sa puso niya, unless na maka-recover agad ang puso niya, malaki ang chance na we will resort to the last option, a heart transplant. His lungs were also affected, nag-collapse ang lungs niya dahil sa ilang minutong kawalan ng hangin.. At this point, all we can do is to pray for his safety," paliwanag nung doktor.

Napaiyak na lang si Tita Karla. Nagtakip ng bibig si Ate Jasmine dahil sa gulat. Sumalampak naman ako sa pader nung sinabi nung doktor kung ano ang pwedeng mangyari kay Keith.

"Grey? Can we talk?" Sabi sakin ni Tito Inigo.

Sumunod naman ako sa kanya. Dinala niya ako sa parking lot ng hospital.

"Mahal na mahal ko ang anak ko Grey.. Ayokong makita siyang nasasaktan.. Kaya nga gagawin ko ang lahat mapasaya lang siya.. Dumating pa ako sa point na kailangan ko pang lokohin ang sarili kong anak," sabi ni Tito sakin.

"Kaya naman ngayon, I'm giving you freedom Grey.. Alam ko na sasaya sa'yo si Keith kaya naman hindi na kami hahadlang sa inyo."

"Tito-"

"Binabawi ko na yung isa ko pang utos sayo. Yung utos ko na kailangan mong magsinungaling na hindi mo mahal si Keith. Tell him the truth.."

Biglang nag-flash sa isip ko yung naging usapan namin ni Tito Inigo dati.

"Mahal mo ba si Keith?" Tanong sakin ni Tito.

"Yes Tito. I still love him," sabi ko naman.

"Kahapon I ordered you to act that you love Keith. Am I right?" Tanong nito sakin.

"Y-yes," sagot ko.

"Ngayon, I'm forbidding you to tell Keith that you really love him," sabi nito.

"But Tito, mahal ko po si Keith. You can't do this!" Sabi ko.

"I'm afraid Grey but ilalayo namin sayo si Keith kung hindi ka tutupad sa usapan.. You will act that you love Keith but I forbid you to tell him that you really love him. At kung tanungin ka man niya kung mahal mo siya, say no," sabi nito sakin.

"But- Tito-"

"Take it or Keith will leave. Kapakan lang ng anak ko ang iniisip ko," sabi naman ni Tito.

Nagkuyom ako ng palad. Pikit mata kong tinanggap ang utos sakin ni Tito Inigo.

"Sa sobrang pag-aalala ko sa anak ko, nailalayo ko na pala siya sa totoo niyang kaligayahan. So you have my permission Grey.. Just don't hurt my son," sabi sakin ni Tito Inigo.

"T-thanks Tito," di makapaniwala kong sabi.

"Take good care of Keith. Yun na lang ang pabor na hihingin ko sa'yo," sabi niya sakin.

"Y-yes Tito," sabi ko naman.

Kahit papano di ko maiwasan na di matuwa sa sinabi sakin ni Tito. Kung magising si Keith, sasabihin ko na sa kanya ang totoo.. Magiging maayos na rin ang lahat..

Kung..

Pero kailangan kong harapin ang katotohanan, na nakikipaglaro ngayon si Keith sa kamatayan..

So nandito ako ngayon at binabantayan si Keith.. Handa kong hintayin ang araw na magigising siya.. Handa akong maghintay kahit ga'no katagal..

"Grey, magpahinga ka naman. Baka ikaw naman magkasakit niyan," sabi sakin ni Ate Jasmine.

"Okay lang ako Ate Jasmine," sabi ko naman.

"Matigas din ulo mo ano? Mahal ka niyan ni Keith, wag ka mag-alala," sabi ni Ate Jasmine.

Ngumiti naman ako.

"Ga'no mo kamahal si Keith?" Biglang tanong sakin ni Ate Jasmine.

"Di ko kaya i-express Ate Jasmine. Basta mahal ko siya, that's it. Bawat tao may kanya kanyang definition ng love, may kanya kanyang sukatan," sabi ko naman.

"Naks, lakas ng tama mo ah! Swerte ng pinsan ko sayo. And of course, na sayo ang boto ko," Sabi ni Ate Jasmine.

Pero natigilan ako, yung kamay ko na nakahawak sa kamay ni Keith eh nakaramdam ng marahang pisil.

"Keith?"

Committed to Love You [Part 1]Where stories live. Discover now