28 | DEATH & LIFE

Start from the beginning
                                    

Ellie rested her head on his shoulder and closed her eyes – ignoring the throbbing pain in her right leg.

.

.

Nang lumabas si Nico para tawagin ang nurse upang palitan ang benda sa binti ni Ellie ay kinuha iyon ni Jace na pagkakataon na makausap ang kababata.

Sinara ni Jace ang sinasagutang booklet. "Hindi mo ba sasabihin kay Nico ang binalita sa iyo ng doctor kagabi, Ellie?"

Umiling siya at maingat na minamasahe ang sumasakit na binti. "Ayaw kong mag-alala si Dos, Jace."

"Pero karapatan niyang malaman iyon."

Binalingan niya ito. "Jace..."

"Karapatan niyang malaman kung anong ginawa niya sa'yo."

"Jace!" Kinakabahan siyang nilingon ang nakabukas na pinto. "Walang kasalanan si Nico rito, okay? Ako itong tangang tinakbo ang malayong distansiyang iyon. Ako ang pumagitna sa suntukan nila ni Dennis."

"Suntukan nga ba talaga ang nangyari?"

Hindi niya ito sinagot. Bagkus, tumingin nalang siya sa labas ng bintana.

"Pasensiya ka na, Ellie, pero hindi ko kayang hindi sabihin sa kaniya ang tunay mong kalagayan."

"Sasabihin ko rin naman sa kaniya—"

"Kailan?"

Saktong pumasok si Nico kasama ang isang nurse na may dalang bagong benda.

Winakli ni Ellie ang kumot na nakatakip sa binti nito.

Napailing nalang si Jace.

✖ - ✖ - ✖ - ✖ - ✖

Nakasalikop ang mga kamay ni Zenaida sa ilalim ng baba nito. "Dodong."

Pumasok ang binata sa opisina niya. "Mama Zen?"

"May importante akong gagawin ngayon. Ayoko ng disturbo kaya siguraduhin mong walang papasok sa opisina ko."

"Masusunod, Bossing!" Sinara nito ang pinto.

Nang mapag-isa'y hinawi niya ang kurtina sa ilalim ng kaniyang lamesa para makita ang vault na natatakpan ng maraming stub ng resibo. Binuksan niya ito at hinila ang maliit na lumang box.

Umupo siya at inangat ang takip no'n.

Tumambad sa kaniya ang mga lumang gamit ng yumaong anak na si Cecilia. Ang kwintas nito, ang unang medalya nito sa unang patimpalak na sinalihan, mga ginunting niyang parte sa lokal nilang diyaryo kung saan nilathala si Cecilia sa pagsasayaw ng ballet nito.

Maingat niya ang mga itong nilabas sa kahon. Sunod na kinuha niya ang litrato nito at ni Jasper de Silva na nakasakay sa iisang puting kabayo.

Masayang-masaya ang dalaga na nakasandal sa dibdib ng nobyo nitong hinahalikan si Cecilia sa tuktok ng ulo nito,

Parang dinudurog ang puso niya kapag tinitigan ang buhay na buhay na mukha ng anak sa litrato. Matagal nang patay ito pero hindi pa rin matanggap-tanggap ang sinapit nito.

Natigilan siya nang muling makita ang maliit na botelya na nakapailalim sa maraming lumang litrato at sulat.

Botelya ito na may lamang tubig at umbilical cord (pusod) ng isang sanggol.

Dinala niya ito sa dibdib at pumikit.

No'ng sinabi ng doctor na tumingin sa labi ni Cecilia na sariwa pa raw ang sugat nito sa tiyan mula sa sinagawang c-section nito ay hindi agad naniwala si Zenaida.

Paper HeartsWhere stories live. Discover now