Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakikiusap ang mga tingin ng babae kay Sid. "Kuya naman..."

Natigilan naman si Gabby. "K-kuya?"

Tumango-tango ang babae. Mukhang itong naipit na daga nang salubungin ang tingin niya.

"Kapatid po ako ni Kuya Sid," mahinang sabi nito. Pagkatapos ay naaasar na naman na bumaling kay Sid. "Kuya naman, eh. Kasalanan mo 'to! Magpaliwanag ka nga. Sa'kin nagagalit, eh."

Hinarap nga niya si Sid. Nang tingnan niya ito ay saka pa lang ito bumunghalit ng tawa. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa pangyayari. Lalo na atang uminit ang ulo niya.

"Would you care to explain that?" asar na baling niya dito.

Maluha-luha pa rin ito nang humarap sa kanya.

"Easy ka lang, Boss. Napapaghalatang possessive ka masyado sa'kin, eh."

She glared at Sid. Nang makita siguro nito na seryoso siyang kaya na niya itong patayin anumang oras ay tumikhim ito. Pero may kaaliwan pa rin sa tinig nito nang magsalita.

"Gelai, meet my boss. Boss, si Gelai. Kapatid ko."

"Pasensya na po kayo kung naabala po kayo," hinging paumanhin ng babae. "Na-excite lang po ako'ng makita si Kuya. Break time naman daw po niya."

Napahiya naman siya nang makita na hiyang-hiya ang babae. Kasalanan ni Sid ang lahat at inipit siya sa ganitong sitwasyon.

"No, no. Okay lang naman na makipagkita ka sa Kuya mo. I just thought—" na babae ka nya kaya sinugod kita. Mabuti na lang at napigil niya ang sarili. Magmumukha siyang tanga kapag sinabi niya iyon.

Gusto na niyang ipakulam si Sid sa tindi ng inis niya dito ng mga sandaling iyon. Pasalamat ito at nasa public place sila.

"Don't worry about my boss, Gelai. Puro tahol lang 'yan. Hindi naman nangangagat 'yan. Saka may pinagseselosan kasi 'yan, ayaw lang umamin," wika ni Sid sa pagitan nang pagpipigil ng tawa.

Inapakan niya ang paa ni Sid sa ilalim ng lamesa. Napauklo naman kaagad ito. Binalingan niya ang kapatid ni Sid.

"I'm Gabrielle Montecillo. You can call me Gabby. Hindi ko alam na may kapatid pala si Sid." Nginitian niya ang babae, makabawi man lang sa pagtataray niya dito.

Nang ngumiti ito pabalik ay napagtanto niya na kaparehas ng ngiti nito ang mga ngiti ni Sid. Agad niya itong nagustuhan.

"Nakwento na po kayo ni Kuya sa'kin. Salamat po sa pag-aasikaso niyo sa kapatid ko, Miss Gabby," magalang na sabi nito.

Na-curious naman siya. Ano-ano naman kayang pinagsasasabi ni Sid sa ibang tao patungkol sa kanya? Sigurado siya na nagrereklamo na ito tungkol sa mga pagtataray niya dito.

"Kuya, bakit hindi mo imbitahan si Miss Gabby?" baling ni Gelai kay Sid na nagpabalik ng atensyon niya.

"Imbitahan saan?"

"Sinabi ko na sa'yo, masyadong maraming trabaho. Hindi ako makakaalis basta-basta," sagot ni Sid.

"Eh, minsan lang naman, Kuya..." ungot ni Gelai.

Si Gelai ang binalingan niya. "Teka lang. Invite saan?"

Lumabi si Gelai. "Pahiyas Festival na po kasi sa Lucban two weeks from now. Niyaya ko po si Kuya kasi mag-iisang taon na po siyang hindi umuuwi sa Tayabas. Palagi daw po kasing busy sa—"

"Gelai!" Sid reprimanded.

Napakamot na lang ng ulo si Gelai.

"Ah, wala po 'yon, Miss Gabby. Hindi po ako nagrereklamo. Pero namimiss na po ni Nanay si Kuya, eh," pasimpleng hirit nito.

Kahit paano ay na-amuse siya. Naalala niya si Andy dito.

"Sino bang pumipigil sa Kuya mo na umuwi? Certainly not me," nakangiti niyang sabi kay Gelai.

Dahil sa sinabi niya ay namilog ang mga mata nito. "Pwede na pong magbakasyon si Kuya?"

Tumango-tango siya. "That's what I said."

Si Sid ay nagtatakang tumingin sa kanya. Pailalim itong nagtanong.

"Ano na namang binabalak mo, ha?"

Kung pwede lang sapakin ito ay nagawa na niya. Minsan na nga lang siya dalawin ng kabaitan, sinisira pa nito ang mood niya.

"You can just thank me instead," sarkastikong sabi niya dito.

Sid smiled that gorgeous smile she was becoming attached to. Nag-dive na ata mula sa lalamunan niya pabalik sa sikmura niya ang puso niya dahil sa ngiting iyon.

"Salamat, Boss."

"Miss Gabby, invited ka din. Sabay na kayo ni Kuya," singit ni Gelai.

Umiling siya. "No, thanks. Marami pang trabahong maiiwan dito."

"Gelai's right. Come with me."

Ni hindi nakikiusap si Sid kundi nag-uutos. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung anong klase karma ang natatanggap niya sa mga pagtataray niya simula pa noong high school siya kay Sid dahil tingin niya ay ngayon siya dinadalahit ng karma. Ni wala syang alam na pangontra sa mga titig nito kaya natagpuan na lang niya ang sarili na binibigkas ang katagang hindi niya kailanman naisip na sasabihin niya kay Sid balang araw.

"Okay."

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon