Binigyan ko lang siya ng hindi makapaniwalang tingin nang inilapag niya ang flashdrive sa kama. "Baliw ka na ba?"

Gusto niyang ipakulong ko siya at sampahan ng kaso dahil may nangyari saamin? Anak ng shooting star, sira na nga ang ulo niya. Siya pa talaga ang gagawa ng paraan para makasuhan ang sarili niya. Gan'to niya na ba talaga ginagalang ang bulok batas ng pinas.

Umigting ang panga at napahilamos siya sa mukha niya. "I am. I'm f-cking crazy for taking an advantage towards you! Sobra kitang nirerespeto Paint pero ano 'tong ginawa ko? Pinagsamantalahan ko ang kahinahan mo. Ang g-go ko! You're right I'm such a jerk! I deserve to be imprison!"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan na manggagaling sa bibig niya 'to. Hindi ko na inaasahan na mas gugustuhin niyang makulong dahil sa ginawa niya saakin kung kayang kaya niya naman sabihin na walang nangyari saamin dahil wala naman akong maalala. Kayang kaya niya rin naman takasan ang gan'tong issue dahil isa siyang Montego.

"I called the cops and surrender myself but they don't believe that I did that you and it is f-cking suck! They know me and my family that's why they are f-cking protecting my name! I hate that, hindi patas sa iba. I'm willing to accept the punishment, love. Hindi ako katulad ng iba na ipagtatakpan ang kasalan ko kasi sh-t lang papatayin ako ng konsensya ko. Sinira kita kaya dapat lang na sirain mo rin ako, I committed a crime and I need to face those consequences." puno ng sinseridad na sambit niya at nagsimula na naman magsituluan ang luha niya.

Nawindang ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ako makapagsalita 'di ko alam ang dapat kong sabihin dahil hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari. Una sa lahat, 'di dumako sa isipan kong kasuhan siya ng sexual harassment dahil aminin ko man o hindi ay ginusto ko 'yun at ako ang may kasalanan bakit humantong sa pangyayari na nagkaroon ng sukuan ng bataan.

"Tumayo ka na d'yan, paano ko mapapanood 'to?" tanong ko saka kinuha ang flashdrive. Kailangan ko pa rin kasi siguraduhin kung may nangyari ba saamin lalo pa't may pakiramdam ako na wala dahil wala akong naalala at wala akong nararamdaman na masakit sa katawan ko.

Pinunasan niya ang luha niya saka agad siyang tumayo at kinuha niya ang isang laptop. "Put the flashdrive here.." inilapag niya ang kama saakin saka itinuro ang saksakan at pagkatapos ay agad na siyang lumayo saakin na animo nakakapaso ako. Takot na takot na siyang makalapit saakin kahit 12 inch pa ang pagitan namin kala mo may nakakahawa talaga akong virus.

Bumuntong hininga nalang ako at isinasak ang flashdrjve. "Paano ba 'to gamitin?"inurong ko ang ang laptop palayo saakin para siya ang mag ayos. Matagal tagal na rin akong hindi na kapag computer or laptop, 4 years ago pa ata kaya napaka ignorante ko sa bagay na 'yan ngayin.

Inayos niya ito at niplay ang video saka niya inilapit saakin muli laptop at agad na lumayo. Nagtiim ang bagang ko dahil hindi ko talaga nagugustuhan ang gano'n niyang akto. Ayoko siyang umiwas, ewan ko kung bakit. Hayz.

Napabuntong hininga nalang ako at pinanood ang video. Unang ipinakita sa video ay ang senaryo na kung saan nag uusap kami at pagkatapos ay bigla akong parang nahirapan huminga kaya naman inihiga niya ako sa kotse. Inayos ni Roks ang aircon na parang bang bigla siyang nataranta.

Bigla niyang nilapit saakin ang mukha niya siguro i-CPR ako ang kaso bigla kong pinalupot ang kamay ko sa leeg niya at doon nagsimula ang halikan namin na lumalim.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon