Bakit? para saan?

Natulala ako at napayukom ang aking
kamao. Hindi ko maintindihan bakit na naman siya umiiyak at lumuluhod sa harapan ko? Bakit naatim niyang gawin 'to para saakin? Ano 'to pagkatapos niya akong gaguhin ay susuyuin niya naman ako tapos anong sunod niyang gagawin? Gagaguhin ulit? Ang gulo niya, mas magulo pa siya bulbol.

"I am too much of an idiot to make such a mistake and cost you to lose your trust in me. Believe me; it is never my intention." tuluyan ng nagsituluan ang luha niya dahilan para lalo akong manlumo.

Nagmamakaawa siya na animo sobrang laki ng kasalan niya na parang ikamamatay nito, sobrang uhaw na uhaw siya sa patawad ko. Ano bang ibig sabihin niyang mistake? 'Yun ba 'yung tungkol sa panloloko niya saakin o may iba pa? Teka posible kayang patungkol 'to sa nangyari sa pagitan naming dalawa sa kotse?

"Anong sinasabi mo? Tungkol saan? Bakit ka nagkakaganyan? Sa panloloko mo o doon sa nangyari sa kotse?"

"Both," nagtiim ang bagang ko at napahigpit ang yakap ko sa sarili ko. Sa totoo lang hindi naman dumadako sa isip ko na may nangyari talaga saamin dahil wala naman akong nararamdaman na ginawa nga namin 'yun. 'Yung tipong ebidensya na katulad nung pagsakit ng katawan lalo na ang pribadong parte.

"May nangyari saatin?" nagtataka kong wika. Napakagat lang siya sa labi at iniwas ang tingin saakin na isa lang ang ibig sabihin, may nangyari nga at 'di na ako birhen pa.

Paano? Bakit? Bakit wala akong nararamdaman sa katawan ko na kakaiba? Manhid ba ako? Bakit wala akong naalala? Nabagok kaya ang ulo ko dahil sa sobrang wild niya? Ayokong maniwala pero sakaniya na mismo nanggaling ang mga salitang 'yun.

Halo halo ang emosyon ko, bigla akong nakaramdaman ng takot at galit sa sistema ko pero hindi ko siya kayang sisihin dahil kung may nangyari man talaga ay kasalan ko 'yun. Ako ang nagsimula---pero anak ng shooting star lang bakit 'di ko maalala? Gano'n ba ako napagod noong gabing 'yun para magka amnesia ako ng bongga?

"I look up to you so much. I look at you with high honor and respect. I made a mistake and I am currently ashamed of my actions. I am frustrated that I've hurt you." napakagat ako saaking labi at iniwas nalang ang tingin sakaniya.

Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin sa lapag. Umiiyak ako ngayon dahil may nangyari saamin at tuluyan ng nabali ang pangako ko sa sarili ko na hindi ko ibibigay ang virginity ko sa kahit kanino. Ano nalang sadabihin ng mga kaibigan ko lalo na si Tatay kapag nalaman nilang nagawa ko ang 'di dapat gawin lalo na sa taong 'di ko naman karelasyon.

At isa pa, demonyita ako pero 'di ko gusto maging kabit. Kahit gusto ko ang isang tao kung may karelasyon na 'to. Hahayaan ko nalang at tatangapin. Hinding hindi ako sisira ng isang relasyon para lang sa pang sarili kong kasiyahan. Ayoko ngang mangyari sa mga kapatid ko na magkaroon ng kabit mga asawa nila tapos ngayon gagawin ko? Anak ng shooting star naman. Sh-t ka Senarya ano ba 'tong pinasok mong gulo.

Natahimik kami saglit bago niya tuluyan binasag ang katahimikan.
"Are you fine to see the police right now?" napasulyap ako kay Roks na ngayon ay mapungay pungay pa rin ang mga mata habang ang luha niya ay tuluyan ng natuyot sa pisnge niya.

"Police? Bakit?" nagtataka kong sambit hanggang na realize ko na baka ipakukulong niya ako. "Ang kapal ng mukha mo! Ako pa talaga ang ipakukulong mo pagkatapos ng ginawa mo?!"

Agad siyang umiling. "No, no. I will never do that. They'll come here
so that they can get your statement againts me. Tell them what did I do to you. You can file a sexual harassments against me. Here's the the footage from the camera in my car. This is a strong evidence though," hinang hina na usal niya.

KISS ME, CAPTAINWhere stories live. Discover now