"Teagan . . .?"

"We should let her first muna. This is probably too much for her. Super close kaya nilang dalawa!"

"I can't believe nakayanan ng sikmura ni Paige na gawin 'to sa kanya! I mean, Teagan had always been a good friend for her! Kahit pa noon!"

Nahihilo ako sa samu't-saring mga opinyon ng mga kaibigan ko. But one thing's sure about this, they were so mad at Paige.

MABILIS kong iniiwas ang tingin nang magtagpo ang mga mata namin ni Paige habang hawak niya ang notebook niyang basang-basa na ngayon.

Hindi ko kayang titigan o kahit salubungin man lang ng maayos ang bawat tingin niya. Patuloy ang pagdagsa ng guilt sa puso ko habang naririnig ang mga panunuya at tawa ng iilang mga kaibigan at kaklase namin sa kanya.

Apparently, Shai's broadcasting a live video that night when she accidentally saw us in the kitchen. Some of our classmates and other schoolmates had watched them and just like my friends, they immediately concluded that it was Paige who was at fault at that.

I didn't have enough courage to tell them the truth, but it really hurts watching others bullying her. Lalo na at hindi siya nagrereklamo man lang. Even the way she look at me? Walang bahid ng galit o sama ng loob kahit na alam naming parehong ako ang may kasalanan kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon ngayon.

She was just always, always staring at me. Like she was waiting for me to say something . . . do something.

But I'm afraid that I would have to disappoint her this time.

"What are you doing?!" Kat hissed angrily. Hindi man pinapansin ng mga kaibigan ko si Paige ay hindi rin naman sila nakikisali sa mga nang-aabuso rito. There are also times like this, when Kat or some of our friends were subtly defending her.

"Ang ingay-ingay niyo! Kapag kayo naabutan ng prof na ganyan, naku! Lagot kayo!" dugtong pa ni Rhea na inirapan lamang ng iba pa naming kaklase.

"Masyado kasing mahangin ang isang iyan, Katleya! Hindi lang magalaw noon dahil malapit kay Teagan, but look! Kahit mismong si Teagan ay kinanti pa!" singhal ng isa sa mga kaklase naming lalaki.

Tila nagpantig ang tainga ni Paige sa narinig. Padabog niyang binagsak ang itim na backpack niya sa sahig at sinugod ang kaklase namin. Matapang niyang hinuli ang magkabilang kwelyo nito at tila walang pakialam kahit na medyo mas matangkad sa kanya ang lalaki.

"Say that to my face, asshole! Hindi iyong matapang ka lang dahil maraming mga matang nakapaligid sa'yo!"

"Paige!" pigil ko sa kanya.

Kahit na iniiwasan kong ma-link pa kaming dalawa sa isa't isa ay tungkulin ko parin bilang student council president na ihandle ang gulong namumuo rito.

I saw her hands tremble a bit as she crumples our classmate's collar. She cursed loudly before finally letting go of our classmate.

Napalunok ako nang muling magtagpo ang mga mata namin nang umikot siya paharap sa direksiyon ko. Sandali kaming naglabanan ng tingin bago ako naunang sumuko at nag-iwas ng tingin. I heard her chuckled bitterly before wordlessly picking up her bag and her things na ikinalat sa sahig ng mga kaklase namin.

One last look at me before she left the crowded corridor.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dala ng frustrationg nararamdaman. I wanted to follow her.

Gusto kong humingi ng sorry sa kanya.

But I was really a coward. Ni hindi ko magawang umikot para lingunin siya.

"Masaya na kayo?" hindi ko napigilang ang pagkalat ng lamig sa boses ko nang balingan ko ang mga kaklaseng pasimuno ng pagpapahirap kay Paige.

"Teagan—"

"Meet me at the office of discipline. Doon kayo magpaliwanag sa harap ng dean." Madilim ang ekspresyong tinalikuran ko silang lahat.

I can't do anything to protect her.

I was so selfish.

So so selfish.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko para pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Tegs? You okay—"

"Kat, can I be alone for a while please?" pakiusap ko sa kaibigang nakasunod pala sa akin.

She stared at me for a moment before sighing and finally nodding. Tahimik kong pinanood ang papalayo niyang pigura bago bumaling ang mga mata ko sa pigura ng isang babaeng tahimik na nakasandal sa ilalim ng malaking puno sa may field.

Hanggang dito lang ako.

Hanggang dito lang talaga ang kaya ko.

I can only look at her from this distance.

"I'm sorry, Paige," bulong ko sa hangin kasabayng tahimik na dalangin na sana ay tangayin iyon papunta sa kanya.

Flaws To Your Perfect (PUBLISHED UNDER PAPERINK IMPRINTS)Where stories live. Discover now