CHAPTER 3

1.7K 33 0
                                    

Chapter Three

Time And Energy


I don't remember when the teasing started. Hindi ko alam kung minsan bang si Kuya Laruel ang nang-asar sa akin kay Kuya Raegunn o si Gemini dahil patay na patay ito sa kapatid na si Renfri pero hindi totoong crush ko si Kuya Raegunn.

Yes, Kuya Raegunn was good looking. Kahit na hindi siya exposed sa limelight ay maraming nagkakagusto sa kanya and I can personally attest to that dahil kapag nakatambay sila sa bahay ay wala naman silang ibang pinag-uusapan kung hindi ang bagay na 'yon pero hindi totoong may gusto ako rito.

I've never had a crush, too. Naga-gwapuhan naman ako sa mga lalaki pero ni minsan ay wala pa akong naalala na naging crush ko talaga. I don't like the idea. Ang sabi ni Daddy ay bawal daw iyon dahil bata pa ako kaya iniiwasan ko rin.

"Sus, aminin mo na kasing crush mo si Kuya Raegunn!"

"Ew Gemini! Kadiri ka! Hindi ko crush 'yon!"

Humalakhak siya para mas lalo akong asarin.

"Eh bakit namumula ka, ha?!"

"Kapag namumula crush agad?! Hindi ba pwedeng naiinis lang sa 'yo?!"

"Huwag ako, Thyla! Tignan mo nga kanina ka pa conscious sa hitsura mo! Ilang beses ka nang nagsuklay ng buhok wala pa man ang dismissal!"

Inis ko siyang inirapan at nagmamadaling ibinalik ang salaming hawak ko pabalik sa aking bag. Hindi ko na siya pinatulan dahil ayaw kong isipin niyang totoo nga ang mga nabubuong haka-haka sa utak niya pero hindi naman ako nilubayan ng pag-iisip.

It wasn't the first time that Kuya Raegunn and I will dine alone, pero iyon ang una matapos ang huli naming labas kasama si kuya. Sa loob ng isang taon ay bilang na lang rin sa daliri kung gaano kadalas ko siyang nakasama kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Imbes tuloy na sa huling subject ako mag-focus ay sa pakikipagkita kay Kuya Raegunn umikot ang utak ko. Kahit na umaasa akong magbabago ang isip niya at i-cancel ang aming dinner ay may parte pa rin sa aking gusto iyong matuloy. I don't know. I guess I just really missed him, too.

Kahit na nagkaroon ng agwat ang ugnayan namin nitong mga nakaraang taon ay gusto ko pa ring malaman kung ano ang buhay niya. Kung ano ng mga pinagkakaabalahan niya ngayon.

I was always curios about college, too. Sa buhay ni kuya ngayon ay pakiramdam ko masaya iyon dahil mas malaya siya sa mga ginagawa. My parents also gave him more control of his life now because they wanted him to learn how to be independent. They also bought him a condo near his university kaya tuloy masyadong mataas ang kuryosidad ko. I'm so excited for college at mas lalo sa idea ng pagiging independent.

"Thyla! Ipakilala mo naman kami sa kapatid ni Renfri Grijalva!"

"Oo nga! Omg! Ang gwapo talaga!"

Napangiwi ako sa boses ng mga kaklase kong hindi na umalis sa aking tabi matapos malamang susunduin ako ni Kuya Raegunn.

Gigil kong sinulyapan si Gemini. It was her fault the whole class knew about this. Paano ba naman ay walang sabing ipinangalandakan sa huling klase namin ang tungkol sa pagsundo nito sa akin kaya tuloy hindi na ako nilubayan ng mga kaklase namin.

"Hoy Krissa! Ayaw ng pangit ni Kuya Raegunn kaya ekis ka na!"

"Hindi ikaw ang kausap ko Gemini ang kapal nito!" nahigit ko ang paghinga nang hilahin ako sa braso ni Krissa. "Thyla, sige na! Kahit isang picture na lang! Gusto ko lang inggitin ang kapatid kong patay na patay kay Renfri! Tsaka ang balita mas gwapo ang kuya niya kaya sige na naman! Huwag kang tumulad kay Gemini na hindi na nga maganda madamot pa!"

Nights With You (Masked Gentlemen Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon