Walang sali-salitang lumayo si Angelica ng matapos nyang punasan ang noo at ang gilid ng mukha nito, saka nya nilagay sa lap ni Zae ang panyo.



"T-thanks." Nautal na sabi ni Zae at kinuha ang panyo at sya na ang nagpatuloy ng pagpunas sa pawis nya. Maya maya lang.....



Tok-tok



Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa ng may kumatok sa pintuan, napatingin sila kay Ms. Vanessa na nagtungo sa pintuan upang buksan ang ito.



Nagtaka ang karamihan ng makita nilang pumasok ang S.S.G President nila na si Guean Jagia.



Pumalakpak ng dalawang beses si Ms. Vanessa para maagaw ang atensyon nilang lahat. "Everyone listen, Ms. Guean Jagia has some important to announce to all of you."



"Before I say the announcement I want to thanks to all of you to cooperate this kind of event and.... I want to say sorry for the boys because the headmaster decide that this fashionshow is for only girls, so I'm sorry boys I hope you understand." Sabi nito at maya-maya lang din ay nagpaalam na syang lumabas.




Tahimik ang lahat, wala ni isang nagsalita sa kanila hanggang sa.....



"Tss, sana pala di nalang ako pumunta." Medyo asar na sabi ni Zae at biglang tumayo at nag walk out. Pagkalabas na pagkalabas ni Zae.



"Aysh yan tuloy nag Walk out na si papa Zae, kaasar naman ih."

"Ano bayan! Sana pala dinalang tayo sumale, nasayang lang tuloy yung practice natin."

"Oo nga, aysh tara na nga lang!"

"Huhu alana, nagsi alisan na sila, parang ayaw kona tuloy sumali."

"Ako den."

"Me too."




"Girls stop, hinde purkit natanggal ang boys aayaw na kayo, sa ayaw at sa gusto nyo sasali kayo kundi mapipilitan akong bigyan kayo ng punishment, understood?!" Sigaw ni Ms. Vanessa dahilan ng pagtahimik ng mga babae, dahil alam nila na mabait si Ms. Vanessa pero sobrang hirap ng pinapagawang punishment nito, kaya wala silang nagawa kundi sumunod at nag practice sila ng panibago.




Lumipas ang ilang araw na naganap ang sportfest, nag champion ang school nila sa larangan ng basketball, badminton, volleyball, at soccer and the rest sport ay nag first, second and third place. Kung kayat ay tuwang tuwa ang lahat at nag se celebrate sa pagkapanalo ng school nila. At ang tanging hinihintay nalang nila ay ang gaganaping fashion show, at ngayon ang araw na pinakahihintay nilang lahat, kung kayat maaga palang ay napuno na ang gym kung saan gaganapin ang fashion show.



Sa likod ng stage ay bisi sa pag-aayos ang lahat ng kandidata, halos ang lahat ay todo ang ayos sa kanila ng mga baklang nag-aayos sa kanila, maliban lang kay Angelica na kanina pa tapos sa pag-aayos dahil light lang ang make up nya, kaya hinde na nahirapan pa ang nag-ayos sa kanya. Nung una ay ayaw panya dapat tanggalin ang suot nyang salamin but napilitan syang hubadin ito, kapalit ng light make-up.



Ang suot nilang lahat doon ay dapat kulay puti ang itaas at ang pang baba ay kahit ano na. Nakasuot sya ngayon ng white off shoulder croptop pinatneran nya ng wite maong short and black boots.



Nagsimula ng mag-ingay ang mga audience ng magsimula ng magsalita ang dalawang emcee sa harap, ang unang ginawa ng dalawa ay winelcome nila ang mga judges, at tinawag si Mr. Zade Fuevous upang magbigay ng speech bilang owner ng school.




Who are You? [On-going]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum