lilo

6.4K 280 172
                                    

#TPTsc

“Tatay, naka-order ka na ba ng costume para sa Halloween?” tanong ko kay Jiro, ilang araw ko na kasi sinasabi sa kaniya na bumili na siya ng costume dahil malapit na ang birthday ni Lilo. Halloween ang theme ng birthday ni Lilo lagi, parang costume party ba kasi November ang birthday niya.

“Eto na po o-order na,” sagot niya sa akin habang seryosong nags-scroll sa phone niya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagva-vacuum ko, kailangan ko na matapos ang paglilinis ko sa bahay dahil for sure pag-uwi ni Lilo from school magkakalat nanaman ang isang ‘yon paano manang-mana sa pinagmanahan na pakalat-kalat ang medyas e.

“Bakit kasi ako si Stitch? Bakit hindi ako si David?” Tawang-tawa ako sa biglang reklamo ni Jiro sa akin kasi kunot ang noo niya habang seryosong naghahanap ng costume niya.

“Itanong mo sa anak mo, basta ako si Nani,” pang-aasar ko sa kaniya. Lilo and Stitch kasi ang costume namin for this year para sa birthday slash Halloween party ni Lilo. Tinanong ko kasi si Lilo kung ano kakong gusto niyang costume namin ni Tatay niya at ang sabi niya si Stitch daw si Tatay niya at ako naman si Nani, oh 'di ba ginawang alaga ang tatay niya.

“Kung si David sana ako edi maglalabas lang ako ng abs okay na!” Lalo akong natawa sa sinabi niyang iyon. “Kaya siguro ikaw si Stitch kasi wala ka naman daw abs, Tay.” Tinabihan ko tuloy siya at tinignan ang phone niya. Na-curious kasi ako ano na bang tinitignan niya, mostly mga pang-bata na costume ang naroon pero meron din namang mga  onesie na stitch na pang-matanda, iyon ang nakita kong ina-add niya sa cart niya.

“Sabihin mo kay Lucas mag-Jumba Jookiba siya!” excited na sabi ko kay Jiro with matching hampas pa sa braso niya kasi naimagine ko na agad itsura ni Lucas.

“Baka hindi magbigay ng regalo ‘yon kapag pinasuot mo siya no’n,” biro ni Jiro kaya napasimangot na lang ako, though alam ko naman na hindi talaga magsusuot si Lucas nang ganoon, arte arte kaya no'n, pero bagay talaga sa kaniya ‘yon para naman mapagtawanan ko man lang siya, iyon lang naman ang agenda ko. Hindi kasi ako nakakahinga kapag hindi ko binabadtrip si Lucas pero ganoon din naman siya sa akin!

Last last year nga badtrip ako sa kaniya kasi naka-puting t-shirt at maong pants na pumunta sa birthday ni Lilo, napakapapogi talaga! Buti last year napilit siya ni Kelly kaya naka the incredibles sila kaya bati kami last year, plus ang cute pa ng inaanak ko na si Kean, ang bibo bibo, kapag sinabihan ko na sumayaw, talagamg sasayaw siya, kapag pinakanta ko talagang kakanta rin naman, kaya lang walang hiya rin at talagang nanghihingi ng pera pagkatapos kumanta at sumayaw.

“Si Rein kaya papayag na siya si Pleakly?” Hindi naman ako seryoso kasi ang hirap din naman humanap ng costume ng alien no! Curious lang talaga ako, mabait kasi ‘yon si Rein. Ang soft boy, parang okay lang sa kaniya kahit pinagti-tripan ko siya minsan kapag bored ako noong nag-aaral pa kami.

“Papayag ‘yon malamang, lalo na kung para sa inaanak niya.” Tumango-tango lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya kasi sa totoo lang best ninong talaga ni Lilo si Rein. Konti na lang bibigyan ko na siya ng award with matching certificate and medal pa.

“Nay, tignan mo ‘to.” Pinakita niya sa akin ang nakita niya sa online na pink na stitch na costume.

“Ito na lang costume mo kaysa si Nani! Sinearch ko siya, girlfriend siya ni Stitch!” Kitang-kita ang excitement niya nang makita ang pink stitch na onesie na may mahabang mga antenna na ayon sa google, Angel ang pangalan.

Gusto ko sanang kiligin dito kay Jiro kaya lang hindi ko maiwasan maisip na dinadamay niya lang ako para pareho kaming alien e.

“Gusto mo talaga akong partner ah! Ayaw mo ba akong makitang naka-hula costume?” Nagusot ang mukha niya at umiling na parang ayaw niya nung idea na nakasuot ako no'n. Napaka-epal talaga nito!

“E nakabili na ako!” Reklamo ko sa kaniya. Lagi kaya akong nauuna bumili ng costume kaysa sa kaniya. Hindi ko siya sinasabay para mag-effort naman siya maghanap, minsan nga ako na nagsu-suggest ng costume namin kasi wala siyang ambag pero since alam na ni Lilo ngayon kung anong mga gusto niya ay siya na ang nag-suggest ng Lilo and Stitch. Nga naman, Lilo pangalan niya pero never pa kami nag-costume ng ganoong theme before so G na G din naman ako ngayon.

“Next time mo na lang isuot ‘yon,” sagot niya habang kitang-kita ko na chineck-out na niya ‘yung both Stitch and Angel na onesie kahit wala pa akong sinasabi na payag ako.

“Kailan ‘yung next time aber?” tanong ko. Siyempre next year iba naman ulit! Ayoko naman na nasa Lilo and Stitch pa rin ako hanggang next year.

“Pwede naman mamayang gabi.” Agad ko siyang piningot nang hindi nakatakas sa paningin ko ang sumilay na malokong ngisi sa mga labi niya.

Simula nang ikasal kami nitong tangang ‘to nabaliktad na talaga ang lahat, dati naaalala ko pa paano pumula ang mukha nito at mag-inarte kapag ako ang bumabanat sa kaniya tapos ngayon ganiyan na siya, nasiyahan masyado e!

Scam talaga 'to, kunwari lang nahihiya noong una sa akin pero noong kinasal na kami, aba, all out sa kalandian.

“Bastos mo kainis.” Tawang-tawa siya sa reaksyon ko kaya sinimangutan ko siya at akmang tatayo na sana ako para ituloy ang pagva-vacuum ko nang hatakin niya ako pabalik. “Magco-costume rin naman ako ng David mamaya,” bulong niya sa akin sabay halik pa sa pisngi ko.

Ang landi talaga! Asaan na ‘yung Jiro ko nung college?! Miss ko na ‘yon ha!

Siyempre joke lang.

Kagaya nga ng sabi ko, simpleng babae lang naman ako na tinatamaan ng kalandian kahit na may anak na ako.

Naglalandian lang kami ni Jiro sa sofa at akmang hahalikan niya ako sa labi kaya lang narinig ko na ang service ni Lilo na dumating kaya agad akong tumayo mula sa pagkakakandong sa kaniya at naglakad papunta sa gate.

Namiss ko anak ko e kahit na ilang oras lang naman siya sa school at kahit na makalat siya. Willing naman ako na maglinis ng kalat niya since makalat rin naman akong tao talaga, figuratively. Literally, tatay niya ang makalat.

Pamilya talaga kami ng makakalat in short.

“Ang galing talaga ng timing mo Jirian Lorraine, pasalamat ka cute ka,” dismayadong sabi ni Jiro pero agad din namang sumunod sa akin para salubungin ang anak namin.

***

Happy 100k Lily & Jiro

The Perfect TwoWhere stories live. Discover now