PROLOGUE

68 4 0
                                    

Crownland University is one of the most prestigious universities not only in the country but also in the whole world. This is the well-known university in Masluxy City for having many rich students and promising students and all of the students in Crownland University are top-class rich, of course except for the scholars.

Ang Crownland University ay nahahati sa anim na Casa. Simula sa casa ng pinakamahirap na students hanggang sa casa ng pinakamayaman.

Ang ika-anim na casa ay ang SCHOLARS, sila ang mga students na pinalad na makapasok sa university for free at sila rin ang pinakamababang casa ng students at palaging binu-bully dahil sila ang pinakamahirap sa lahat. Hampaslupa ang tingin sa kanila ng matataas na casa. Hindi nagbibigay ng scholarship ang Crownland University pero mayroong Scholarship Foundation na itinayo ang mga First Class and Top Class students galing sa sarili nilang yaman. Itinayo nila ang Scholarship Foundation hindi lang para magbigay ng kaunting tulong sa students na gustong pumasok sa university kundi para rin sa popularity nila and also para mayroon silang utusan. Scholarship kapalit na pagiging utusan o alalay. Scholar ang pinakanakakaawa sa lahat ng uri ng students sa Crownland University.

Ang ika-limang casa ay ang AVERAGE, sila ang mga students na hindi mayaman pero hindi rin mahirap at sila ang sumunod sa pinakamababang casa. Sila ang students na ang pamilya ay may maliit na business lang. Hindi sila masyadong maingay o kilala unlike ng ibang casa dahil alam nila kung hanggang saan lang ang kaya nila at kung saan sila lulugar. Sila yung pinakatahimik at palaging lumalayo sa mga gulo.

Ang ika-apat na casa ay ang SECOND CLASS, sila ang mga students with a net worth of one hundred thousand dollars to one million dollars. Hindi sila sobrang yaman at balance lang ang kanilang wealth status. May maipagmamalaki lalo na sa mga students na Scholars at Average dahil alam nilang angat sila sa kanila.

Ang ika-tatlong casa ay ang FIRST CLASS, sila ang mga students na anak ng mga stockholders or di kaya may net worth na one million dollars to one hundred million dollars. Karamihan sa kanila ay mga ma-attitude at spoiled brat and jerk. Mataas na ang casa ng pagiging First Class at nagagawa nila kung ano mang gusto nila.

Ang pangalawang casa ay ang TOP CLASS, sila ang mga students na anak ng mga tagapagmana, in short sila ang mga heirs at umaabot ang net worth nila hanggang sa five hundred million dollars. Madalas sila ang pinaka-bully dahil alam nilang mayaman at powerful sila. Sila yung type ng mga students na unang kita mo palang alam mong mga sosyal at mayaman dahil sa mga suot at dating nila. Sila ang pinakainiiwasan ng mga mabababang casa dahil mga bully sila.

Ang at unang casa at ang pinakamataas sa lahat ay ang NOBLE, ito ang pinakamayaman sa lahat at hindi na mabilang kung hanggang saan ang yaman nila. Hindi lang bilyong dolyar or trilyong dolyar ang yaman nila. They are the richest and most powerful all over the world at wala man kahit ni isa ang gustong makabangga sila. Wala pa sa kalingkingan ang yaman ng noble sa yaman ng mga mababang casa.

Ang NOBLE ang pinakamataas sa lahat ng casa pero wala pang kahit ni isa ang nakarating sa casa na ito pero paano kung ang isang SCHOLAR na pinakamababa sa lahat ay magising nalang bigla na siya ay isang NOBLE na?

He's August Blue Frazier, from casa SCHOLAR to casa NOBLE. How did that happen? Let's find out!

The Noble RichmanWhere stories live. Discover now