Chapter Three (Part 1)

6 1 0
                                        

SA BAHAY nina Mavis nagpababa si Santi. Sinabi niya sa mga kaibigang may kailangan lang siya sa babae at huwag na siyang hintayin ng mga ito.

"Tungkol na naman iyan sa problema ni Kuya Peter? Hindi ka pa din tumitigil?" halatang hindi makapaniwalang tanong ni Jeremy.

"Iyang obsession mo talaga minsan, hindi na nakakatuwa. Pero kung saan ka masaya, sige lang." segunda naman ni Marco na para bang suko na 'to sa inaasal niya.

Hindi na niya pinansin ang mga ito. Kinuha na agad niya ang mga gamit at agad bumaba ng sasakyan. Sanay na siya sa mga ganoong komento ng mga kaibigan tungkol sa ugali niya, hindi kasi iyon ang unang beses na umakto siya ng ganoon. Titigil naman siya kapag na-satisfy na niya ang curiosity sa dahilan kung bakit nagawang masaktan ng isang babae ang nakatatandang kapatid niya.

Nakahalukipkip si Mavis habang nakasandal sa may gate. "Alam mo, kung hindi lang kita kilala at kung hindi ko lang alam ang dahilan ng pagpunta mo dito, iisipin kong crush mo ako. Ilang araw mo na kasi akong ginugulo." umiling-iling ito, pagkatapos ay niyaya na siyang pumasok sa loob.

"Hindi tayo talo, Mavis. At hindi ang mga katulad mo ang type ko." matapat namang sagot niya habang nakasunod dito.

Hindi makapaniwalang napasinghap ito nang lumingon sa kanya. "Wow ha, ang guwapo naman masyado ni Santino. Sa tingin mo ba, type kita?" inirapan siya nito bago tumalikod at tuloy-tuloy nang naglakad papasok ng bahay. "Hindi ka naman si Chester. Masyado kang mayabang." bubulong-bulong pang pagse-sentimyento nito na ikinangiti niya. Kung mayroon man sigurong girl version niya sa pagiging sensitive, ito na iyon.

Binati ni Santi ang mama ni Mavis nang madatnan nila ito na nanonood ng television sa sala. Nasa out of town conference ang papa nito. Sa dining room sila dumeretso at kinuhanan muna siya ng juice ng dalaga bago magkatabi silang umupo sa mataas na stool ng kitchen counter.

"So, anong atin at pinuntahan mo talaga ako dito sa bahay. Hindi ba makakapaghintay iyang gusto mong malaman?" panimula nito. Sa pagkakataong iyon, puno na ng curiousity ang mukha nito.

"Puwede ko bang malaman kung may picture ka ni Karin?" deretsong tanong niya na ikinakunot ng noo nito.

"Bakit?"

"Nakakilala kasi ako ng Karin kanina sa Rose Quartz, pinsan siya ni Ate Cyrille." kilala nito ang tinutukoy niya dahil maliban sa Bitter Sweet, ang Rose Quartz lang ang café na tinatambayan nila.

Lalo yatang lumalim ang gatla sa noo nito pero hindi na muling nagtanong. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng shorts nito at ilang sandali ding nagkalikot doon. Pasensyoso naman siyang naghintay at nang makaramdam ng kaunting kaba ay tinungga niya ang baso ng mango juice na ibinigay ni Mavis sa kanya.

Mayamaya ay inilapag nito sa harap niya ang cellphone nito. Isang babaeng may awkward na ngiti ang nakita niya. Nakasalamin pa din ito pero sa pagkakataong iyon, maayos na ang pagkakapusod ng buhok. Nagtaas siya ng tingin sa babaeng halatang naghihintay ng reaksiyon mula sa kanya. "So, ito talaga si Karin?" paniniguro niya.

"Iyan ba iyong nakita n'yo sa Rose Quartz?" balik tanong nito.

Tumango lang siya.

Nagkibit-balikat naman ito. "Siya nga iyan. Mahirap makakita ng picture niya sa internet kasi hindi ko naman alam ang social media accounts niya at kung mayroon siya no'n. Sa site ng SVC Magazine Organization ko lang tiningnan iyan." paliwanag nito. "Nakilala mo na si Karin na nakasakit kay Kuya Peter, okay ka na ba?"

"Iyong totoo?" bumuntong-hininga siya. "Medyo disappointed ako na hindi ko maintindihan."

"Why? Ano ba inaasahan mo?"

"Magandang Karin, maayos na Karin, iyong may character. Kasi iyon iyong mga type ni Kuya. Isa pa, ang sabi mo, maganda iyong Karin." Hindi naman masamang maging honest, hindi ba? Hindi naman niya sinabing hindi maganda ang Karin na nakilala niya.

Hindi niya inaasahan nang biglang tumawa si Mavis. Hinampas siya nito sa braso nang hilahin nito pabalik ang cellphone nito. "Hindi ko alam kung bakit naa-amaze ako pero, ganoon talaga nararamdaman ko ngayon."

"Anong nakakatawa? May mali ba sa sinabi ko?" naguguluhang tanong niya. Ano na namang problema nito?

"Karin is beautiful, I swear. Hindi ko ugaling magsinungaling, Santino. Mali ka lang talaga ng timing sa Karin na nakita mo. Maiintindihan mo din ang sinasabi ko kapag palagi mo siyang nakikita at kapag nakilala mo siya kahit paano." natatawa pa ding wika nito.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo. Bakit kailangan kong makita palagi si Karin at kilalanin?" Bakit nga ba, Santi?

"I don't know," kibit-balikat na sagot nito. Tumigil na ito sa pagtawa pero hindi pa din naaalis ang ngiti sa labi. "Bigla ko lang naisip na, baka kaya gusto mo siyang makilala ay dahil nasaktan niya si Kuya Peter. Kilala pa naman kita, basta importante sa'yo ang naa-agrabyado, hindi ka pumapayag na hindi gumaganti."

Natahimik siya dahil tama ito. Pero sa pagkakataong iyon, wala siyang makapang kahit na anong galit para sa dalaga. Oo, aminado siyang noong una ay naisip niyang gumanti, pero mula nang makita niya ito kanina at ngayong nakumpirma niyang ito nga ang babaeng nakasakit sa kapatid niya, wala nang kahit na anong pumapasok sa isip niya.

"There must be a reason why she can't accept Kuya Peter's feelings for her. Hindi tayo puwedeng mag-conclude agad dahil lang sa mga kuwento ni Kuya, unfair para kay Karin. We have to be rational here." dagdag pa nito na para bang nagpapaliwanag sa isang bata.

Tumayo na siya at nagpaalam sa dalaga. "Uuwi na ako, nasagot mo naman na ang tanong ko. Makakatulog na ko at nakilala ko na kung sino ang unang babaeng nakasakit sa kapatid ko." He playfully messes with her hair. "Thank you, Mavis for helping me and for the words of wisdom." nakangiting paghingi niya ng pasasalamat. For some unknown reason, mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon kaysa kanina. Abnormal na yata ako.

"Umuwi ka na nga, hindi iyong ginugulo mo pa ang buhok ko. Iisipin ko na talagang crush mo ko." nakasimangot ngunit palabirong anito habang inayos ang nagulong buhok.

"My God, dahan-dahan ka sa sinasabi mo. Hindi talaga kita type." pabiro pa niya itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na ikinasinghap nito, halatang hindi na maganda ang timpla. Mabuti na lang, mas pikon siya kaysa sa'kin.

"Isusumbong kita kay Chester, buwisit ka, Santino." nanggigigil nang angil nito sa kanya. Tinulak pa siya nito.

Tatawa-tawa na lang siya nang talikuran ang kaibigan. Nagpaalam siya sa mama nito bago lumabas ng bahay.

Playing with CupidWhere stories live. Discover now