"Ano yun? Ano yun?" natatarantang tanong niya sa akin.

"Nag invest si Bella ng 100 million euro dollar sa company," Nakangiti kong sambit sa kanya.

"Bakit masaya ka?" Seryosong sambit niya.

"Kasi siya na ang---"

Bigla akong napaisip sa sinabi ko at sa emosyon ko.

Bakit nga ba ako naging masaya na nag invest ng isang milyong euro dollar si Bella?

"Hindi mo ba alam na makakakuha agad siya ng spot sa stocks holder? At may chance na mapasama siya sa elite group?" Seryosong sambit ni Angelo sa akin.

Hindi lang siya basta elite! Mas malaki pa ang share niya kaysa kay Celine! Meaning mas malakas ang kapangyarihan niya.

"So what? Atlist hindi si Celine ang mataas ngayon! Anong magagawa ng milyong pera ni Celine sa milyong dolyar na pera ni Bella?" Nakataray na sambit ko sa kanya.

"Do you know Bella?"

"No! Wala pang nakakakita sa kanya ni isa dahil she keeps her identity hidden," sambit ko sa kanya. , "That's why I need to know her."

Habang nag uusap kami ni Angelo ay biglang nag ring ang phone ko.

Tumayo ako at sinagot ito.

"Emergency meeting? Ok!" sambit ko sabay baba ng phone.

"Hon? Ok lang ba ikaw na magsundo kay Jacob kila Andrea?"

"No problem! Take care Hon!"

Umakyat akong muli sa kwarto upang mag palit ng damit ko.

Emergency meeting? Para 'to kay Bella for sure!

Mabilis akong kumilos at umalis ng bahay para pumunta sa opisina.

Pagkadating ko sa building ay agad akong pumunta sa meeting room para mag hintay ng mga makakasama.

Nagulat ako na hindi lang pala ito meeting na basta-basta nandito ang buong team at ang buong board members.

Acting CEO si Celine kaya sa kanila mang gagaling ang presentation.

"Ilang minuto nalang po ay mag sisimula na po tayo sa ating pag pupulong." sambit ng sekretarya ni Celine.

Nakatingin ako sa paligid at may nakita akong bakanteng upuan.

"Para kanino yan?" tanong ko nalang bigla.

Ilang sandali lang ay may biglang pumasok na dalawang babae.

Nakasuot ito ng malaking sumbrero na tumatakip sa kanyang mukha.

Biglang sumagi sa aking isipan ang sumbrero na yan.

Suot yan ni Gianna sa isang boutique! Yan din ang buhok niya kulot at ang kutis at katawan si Gianna!

Napangiti ako ng sobrang laki habang binabaybay ko ng tingin ang babaeng papaupo sa upuan.

"Gianna?" nasambit ko bigla ng may kalakasan.

Napatingin ang lahat sa akin pati na rin si Celine na nakataray ang mata.

Inabangan ko ang pag lingon niya sa akin at hindi nga ako nag kamali! Lumingon sa akin!

Dahil sa tinawag ko ang pangalan ni Gianna ay biglang nakuha niya ang atensyon ng lahat.

Hindi pa din nakatanggal ang kanyang sumbrero na nagtatago ng mukha niya kaya biglang nagalit si Celine.

"Bakit hindi mo ipakita sa kanila ang mukha mo Gianna?" Galit na sambit ni Celine.

Agad na lumapit ang kasama niyang babae sa kanya at binulungan ito.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang sumbrero.










Dahan-dahan












Pagkataas ng kanyang sumbrero ay bumungad sa amin ang kanyang napaka gandang mukha!

"Giann---!" Sigaw ko na putol.

"I'm sorry for the confusion? I don't really like showing my face in the public but since this is my first meeting with you guys. Hmmm I will show my bareface for you." Nakangiti niyang sambit sa amin.

Ngumiti ako sa kanya.

Akala ko si Gianna! Sobrang nalungkot ako ng akala ko yung babaeng nakita ko sa boutique ay siya. Namamalikmata lang pala ako?

"So that's the face of Bella Co.? I really don't expect that you looks really beautiful! I love you works and I really love you!" Nakangiting sambit ni Celine sa kanya.

"Thank you! But please guys! Let's be professional so don't take pictures with me. Thank you,"

"Yes! Sure!" sambit ni Celine.

Biglang umintrada ang kasama ni Bella Co.

"Naparito kami para sabihin sa inyo na mag i-isponsor kami ng mga damit para sa models niyo,"

Napangiti ng malaki si Celine at ang production team. Dahil alam naming lahat na sobrang mahal ng mga damit ni Bella Co.

Hindi ito kayang i-provide ng company para sa mga model nila.

Nagpalakpakan ang lahat dahil sa sinabi ni Bella.

"We will give all of the team a free shoes, bags and dress/suits,"

"Thank you!" sambit ni Celine sa kanya.

"I'm just curious for one thing? I've already read the company's profile. And I don't see him here?"

Napanganga ang lahat sa sinabi niya. HIM? Is he pertaining LUCIO?

"Lucio? Where's Mr. Lucio?" Tanong niya bigla.

Napaubo ako at ako na nga ang nagsalita on behalf of my boss.

"He was in vegetable state right now,"

"Really? What happened?"

"Long story to tell," sabat ni Celine.

"He was shot inside his house,"

"My gad? Really? Can I see him? I know him for ages because I sees a lot of his magazines in our country,"

"I can accompany you," sambit ni Celine.

"No! Ako ang magdadala sa kanya kay Lucio at hindi ikaw," nakataray kong sambit sa kanya.

"Ok!" Nakangiting sambit ni Bella sa akin.

"So I think this will be the end of our meeting?" sambit ni Bella.

"Yes! And I hope we'll be friends?" sambit ni Celine kay Bella.

"Yes! Ofcourse!"

Tumayo na si Bella at lumabas na sa meeting room. Sumunod na ako sa kanila upang samahan siya sa ospital para makita niya sa Lucio.

Probinsyana Series: BOOK 2 - WHEN YOUR LOVE IS GONEWhere stories live. Discover now