Matapos siya nitong halikan basta-basta ay ibang babae na ang inaatupag nito? Ang kapal!

Hindi nabura ang ngiti sa mukha ni Sid. "Steph, meet Gabby—err my boss. Boss, si Steph. Kababata ko sa Tayabas."

Hindi nakaligtas kay Gabby ang malambing na pagbanggit ni Sid ng pangalan ng babae. Si Steph ay agad na inabot sa kanya ang kamay.

"Hello, Gabby. Nakilala na rin kita finally," nang magtaasan ang mga kilay niya ay dinugtungan nito ang sinabi. "Naiikwento ka ni Sid sa'kin noon tuwing nagbabakasyon siya sa Tayabas."

"Because of the scholarship," mabilis na agap ni Sid. Makahulugan ang naging tinginan nito at ni Steph. Pakiramdam pa niya ay may mas malalim na relasyon ang dalawa.

Pakialam ko ba?! Hiyaw ng isip niyang nagpuputok ang butse sa nakikita.

"Well, dahil nandito ka na, you might as well join us," labas sa ilong na anyaya niya.

Tumingin si Sid sa kanya at nagtagal ang mata nito sa mga labi niya. Sa hitsura nito ay parang gusto siya nitong haklitin at halikan ulit. Sa naisip ay wala sa loob na napaatras siya kay Sid. Gusto naman niyang sipain ang sarili dahil nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng mga labi nito.

"Huwag na. Maaabala pa ang date mo, Boss. Baka sesantihin mo pa ako," nakalolokong sabi nito.

The mocking way he had said 'boss' made her want to scratch his face. Pakiramdam niya ay tinutudyo siya nito matapos ang mangyari sa kanila. Pagkatapos ay may gana pa itong makipagkita sa kung sino lang na babae? Manigas ka!

Kailan ka pa naging possessive sa sekretarya mo, Gabrielle? Tudyo ng isip niya.

Hindi niya pinansin ang mumunting tinig na iyon. Nasisiraan na siya ng ulo para pagaksayahan ng panahon ang sekretarya niya ng gabing iyon. At isipin na ni hindi nga niya ito gustong makita sa paligid niya! Pero dahil lang sa halik nito ay nawala lahat ng mga matitinong kaisipang mayroon siya.

For the nth time that night, she wanted to curse Sid.

Binalingan niya ang babae.

"Okay lang 'yon. The more, the merrier, hindi ba?" mananalo na siyang best actress sa ngiting iginawad niya kay Steph.

"Let's join them, Sid. Please?" nakalabi pang sabi ng babae kay Sid. Hinawakan nito ang kamay ni Sid.

"Well, okay. If that's what you want," talima naman ni Sid.

Hindi lang Best Actress pala mapapanalunan niya, best in restraining thyself din. Inipon niya ang lahat ng self-control huwag lang manabunot ng mga oras na iyon. Ini-recite niya ang Golden rule sa utak niya. Do not do unto others.. do not do unto others..

"Good evening, Mr. Ongpauco," pormal na bati ni Sid nang makabalik sila sa lamesa niya.

Bantulot na tumango si Stan. Si Steph kaagad ang binalingan nito. "Good evening."

Ngumiti lang si Steph. Ilang sandali pa ay siya na lang ang nagpapaandar ng usapan. Si Sid ay tahimik lang na nakamasid. Napansin niya na gasino na lang itong pansinin ni Stan. Halatang iniisnab nito si Sid, lalo pa at si Steph lang ang kinakausap nito sa dalawa. Siguro ay dahil tingin nito ay hindi ito kalevel ang sekretarya niya. Uminit ang ulo niya.

Hindi niya alam kung bakit natagpuan niya ang sarili na binubura niya sa isip ang pangalan ni Stan sa groom-to-be list.

***

"How was Stan?" tanong ni Sid sa kanya sa gitna ng pagmamaneho.

Sapakin kaya niya ito? Hindi ba nito alam na wala kay Stan ang atensyon niya kundi nandito?

Itinirik niya ang mga mata at humalukipkip. "Pakialam mo?"

"Nagtatanong lang ako. Kung makatingin siya kasi kanina kay Steph ay parang kinalimutan na niyang nandoon ka."

Umismid siya. Sa pandinig niya ay nagseselos ito dahil si Stan ay wala nang ginawa kundi makipaglandian kay Steph. Pero alam niyang sa boobs lang naman ni Steph nakatingin si Stan.

"So? Pakialam mo kung kanino niya gustong makipaglandian? Now, just drive. Huwag mo na akong tatanungin ulit."

"Stan is a jerk. He doesn't deserve you," mariing sabi nito.

Argh! Naiinis na bumaling siya dito.

"Right. Nobody deserves me, anyway."

"Yeah," mahinang sambit ni Sid. "Nobody."

Napatingin siya kaagad kay Sid dahil sa lungkot na narinig niya sa boses nito. Hindi niya alam kung bakit ng mga oras na iyon, ibibigay niya lahat ng stocks niya ng libre mabasa lang kung anong naglalaro sa isip nito.

"Sid..."

"Hmm..."

"Wala."

Natawa ito. "Ano nga 'yon?"

"Bakit wala ka pang girlfriend?" Ay, fail, Gabby!

Tama nga siya. Dahil isang ngisi ang lumabas sa labi ni Sid.

"Fishing for information this time, Gabby? Baka gusto mo na ring isulat sa papel lahat ng gusto mong itanong tungkol sa lovelife ko, para isang tanungan na lang," nangingiting sabi nito.

"The hell I care about your love life," asar na sabi niya dito. She wanted to wipe that adorable smirk on his face. "Tinatanong kita dahil ayaw kong bigla-bigla kang mawawala kesyo kailangan ka ng girlfriend mo. Late ka na sa usapan niyo ng girlfriend mo. O kaya ay ayaw mong umuwi kapag pinapauwi ka na dahil magkikita pala kayo ng babae mo sa restaurant."

Sandaling hindi ito umimik. Pero nakita na niya maliit na ngiting sumilay sa labi nito. Itinutok nito ang atensyon sa pagmamaneho.

"If you're talking about Steph, nagkagulatan din kami kanina. May kinatagpo lang siya at paalis na dapat siya nang magkita kami. And about my women.." Bahagyang nalukot ang mukha nito. "Kung ano man ang mayroon sa kanila ay sisiguraduhin kong hindi makakaabala iyon sa trabaho ko. Lagi kang una sa'kin, Boss."

Alam niyang kumpanya ang tinutukoy nito pero pumitlag ang puso niya. Sa inis niya sa sariling reaksyon kay Sid ay ibinaba niya ang recliner.

"Gisingin mo ako kapag nasa bahay na tayo," utos na lang niya dito bago pumikit.

Seasons 3: The Fall of AutumnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon