"Hindi kita binabayaran para pulain ang suot ko," asik nito sa kanya.

Uminit na rin talaga ang ulo niya. He could only take so much of Gabby's bossiness. Hindi niya papayagan na lumuwa ang mata ng Intsik na ka-date nito kesyohadong matanggal siya sa trabaho niya.

Hinakawan niya ang siko ni Gabby sa pagkagulat nito. Ni hindi niya hinayaan na makapagprotesta ito. Walang sabi-sabing hinila niya ito papasok sa loob ng dressing room at itinulak niya pasara ang pinto gamit ang isang paa.

"Would you care to explain this?" mataray pa ring bulyaw nito.

He pinned her not-so-gently to the wall. Tinawid niya ang kakarampot na distansya ng kanilang katawan. Ang isang kamay niya ay pumalupot sa likuran nito na kalahati na lang ang natatakpan. Narinig niyang suminghap si Gabby at mukhang hindi inaasahan ang ginawa niya. Pero sa oras na idinikat niya ang katawan niya sa katawan ni Gabby, napagtanto niyang maling desisyon ang ginawa niya.

Ang nakaliliyong bango ni Gabby ay agad na pumuno sa maliit na silid na iyon. Nagkagulo-gulo na ang lahat ng brain cells niya at nawindang na habang tinititigan ito.

"You don't know how much you can make a man lose control with that dress, sweetheart," pabulong niyang sabi dito.

Ibinuka nito ang bibig para siguro magprotesta, pero walang salitang namutawi sa bibig nito. She just looked at him with hooded eyes. Passion, or longing, or whatever it was the he could see in her eyes triggered all his repressed emotions in a blink of an eye. Hindi na siya nakapagisip ng matino. Walang pag-aalinlangang yumuko siya at siniil ito ng halik sa mga labi.

Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap nito na nalunod sa halik niya. Sa una ay nagpupumiglas ito. Sinubukan nitong itulak siya palayo dito. But he just couldn't get enough of the taste of her lips. Lalo lamang niyang idinikit ang katawan niya sa katawan nito. Sa ginawa niya ay naramdaman niyang nanlambot si Gabby sa ilalim ng yakap niya. Seconds later, she was tentatively responding to his kisses. She was frantically clutching at his polo in a desperate manner. Napaungol siya sa ginawa nito.

Hindi niya alam kung gaano na niya katagal hinahalikan si Gabby nang itaas niya ang mga kamay sa ilalim ng buhok nito. Nang mahawakan niya ang spray net sa buhok ni Gabby ay saka pa lang niya naalala ang dahilan kung bakit nasa loob sila ng dressing room.

"Gabby, magpalit ka na ng damit, okay?" bulong niya sa pagitan ng paghalik dito.

Doon naman tila nagising si Gabby. Naitulak siya nito palayo. Bumalik ang mabalasik na anyo nito. Sa hitsura nito ay mukhang kaya siya nitong patayin ano mang sandali.

"Bakit mo ako hinalikan? Who gave you permission to kiss me?!" asik nito sa kanya.

Sinisikap niyang ibalik sa dati ang nagsisikip na paghinga. Idamay na ang pantalon niya sa mga bagay na nagsisikip ng mga sandaling iyon. Damn it!

"Hinalikan mo rin ako," he pointed out lazily.

"I didn't! Pinilit mo ako! Y-you.. you took advantage!" paninisi pa nito.

Nagbilang siya ng lima para hindi maiwala ang composure. Nainis naman agad siya kahit na pinipigilan niya lang ang sarili na hapitin ulit nito at halikan itong muli. Kung magalit ito ay parang hindi ito nasiyahan sa paghalik niya dito. Muntik na niyang itirik ang mata sa katigasan ng ulo ng babaeng ito.

"Fine! I was trying to make you see the point. Kung hindi ako ay ibang tao ang gagawa niyan sa'yo hangga't hindi ka nagpapalit ng damit. You don't know what you are capable of doing, do you?" sa inis niya ay nasabi niya dito.

Agad na dumako ang mga mata nito sa pagitan ng mga pantalon niya. Nakita pa niya nang mamula ang pisngi nito. Nakita mo na ang ginagawa mo!

Pero saglit lang iyon dahil humalukipkip pa rin si Gabby at tinitigan siya nang masama. He wondered how she could afford to look so beautiful even when she was pissed.

"Ipapasesante kita," sabi pa nito.

Sumusukong itinaas niya ang kamay. "Whatever. Just change your clothes. Huwag mo akong hamunin ngayon dahil sa inis ko ay hindi ka mananalo."

Pagkatapos ay mabilis siyang lumabas ng dressing room bago pa siya may magawang mas hindi kanais-nais dito. Naiisip pa lang niya kung ano pa ang mga gusto niyang gawin sa boss niyang may matigas na ulo ay nag-iinit na ang pakiramdam niya. Kailangan na niyang tumalilis habang gumagana pa ang mga matitino niyang kaisipan.

Sinalubong naman siya ng mga tingin mula sa mga saleslady.

"Ang sabi ng boss ko, ipapabalot na lang daw niya ulit ang damit at maghahanap pa ulit siya ng iba. She wants your assistance," wika niya bago tuloy-tuloy na lumabas ng shop.

Sa kotse na lang niya papakalmahin ang pakiramdam.

Seasons 3: The Fall of AutumnWhere stories live. Discover now