Ang Mahal mo Miss!

509 29 3
                                    

Nagsisimula pa lang ang araw naririnig ko na ang mga kapitbahay na nagaaway, di malaman kung saan hahanap ng pangastos sa buong maghapon. Teka nga, e diba kahapon prenteng prente ang upo nila sa binggohan at majongan. Palabas na ako ng kanto ng may lumapit sa akin na  Aleng may dalang isang maliit na basket, alok ng kanyang tinda. Ano naman gagawin ko sa malunggay ke aga aga, at kelan pa binenta ang mga dahon sa yun e makakakuha ka naman sa tabi tabi. Sa panahon ngayon kahit saan ka tumingin may presyo na. Bawat araw nakakapagisip ang mga tao kung paano kikita ng pera kahit pa nga mandugas ng iba. Kaya naman ang iba yumayaman kahit hindi na magbanat ng buto, kakapalan ng mukha ang apog ang puhunan.


Sa syudad  mamamali kalang ng tawid, magtapon ng basura sa tabi may lalapit sa iyo para tiketan ka. Kung ayaw mo naman magbayad eh tiisin mo ang init ng araw at hiya sa pagcocommunity service. Muntik ko ng makalimutan ang pakontest ng gobyerno na magbibigay ng reward sa makakapagturo kung saan lupalop man nororoon ang mga most wanted na kriminal sa bansa. Ano bang nangyayari sa mundo? Wala naba talagang libre ngayon?


Pagdating sa skwelahan bubungad sa iyo ang mga studyante na puro bida sa mga bagong application  sa cellphone, mga new trend ng fashion, mga bagong bukas na Caffe na usong usong gawin photobooth ng katulad kong college student. Nahiya naman ang basic phone ko na hindi ko pa binalak na magkaroon kung hindi lang ako niregaluhan ng mga kaklasi ko.

Midterm namin ngayon kaya medyo bangag pa ako dahil sa kakulangan ng tulog. Halos laklakin ko na ang isang termos ng kape para makatagal lang sa pagaaral. Pagkaupo ko napansin ko kaagad ang isang box ng half dozen J.co doughnut, may toblerone meron din choco java chip galing sa starbucks. Parang alam ko na saan galing ang mga ito.


"Beh! Tabi tayo mamaya ha, dinalhan kana namin ng miryenda mo." Kapit pa ng baklang ito na malamang ay may gusto na naman mula sa akin.


"Sinusuhulan nyo na naman ako! Hindi ko kayo papakopyahin no." Biro ko sa kanila.


"Huwag kang ganyan beh, kulang paba yung meryenda? Dinner tayo mamaya sagot ko." Dagdag pa ni Chin habang busy sa kakaswipe sa hawak na Ipad.


"Buwis buhay na talaga yang pagsuhol nyo sa ha, kaya nga ayokong tanggapin yong binigay niyong cellphone eh kasi sa huli kayo pa rin makikinabang." May mga panahon kasi na kapag multiple choice ang exam, itetext ko lang sa kanila ang mga letters. May mga panahon pa na muntik na akong atakihin sa puso dahil ang mismong papel na sinasagutan ko ang hinahablot nila para kopyahin.


Hindi ko pinagdadamot ang mga answers ko, katunayan hindi ko ko pinapansin ang Sir namin kapag sinabi niyang "cover your paper like you cover yourself" green pa ang bagay na pumapasok sa isip ko. Sa buhay studyante hindi mawawala ang cheating kaya naman open ang paper ko sa lahat, ikaw na bahala gumawa ng ninja moves.


Mabait ang mga kaklase ko na itinuring ko na rin kaibigan, yun nga lang anak mayaman at spoiled kaya naman mga happy go lucky. Scholar ako sa school na ito at proud ako na isang taon nalang at gagraduate na ako sa kursong BS Accountancy.


Natapos ang exam, kailangan ko nang pumasok sa coffe shop, part time lang ako dito para naman may pambayad ako ng boarding house at allowance sa araw araw. Puno ngayon ang shop dahil sa mga studyanteng nagaaral dito, free wifi din kasi, biruin mong oorder kalang ng isang kape pwede kanang manatili ng buong araw. Eto lang ang pangit sa ganitong business hindi mo maiiwasan ang mga abusadong customer.

Ang Mahal mo Miss! (One-shot)Where stories live. Discover now