"You don't seem okay. Is there something bothering you?" Tanong ulit ni Kief sa akin.

"Wala nga po. Magdrive ka nga lang dyan. Wag mo akong alalahanin." Pag-iwas ko sa kanya.

"Usap tayo mamaya. Huwag mong solohin yan." Makahulugang sambit nya. He looked serious.

"Hay naku Babe. Sinabing okay lang ako eh. Ang kulit mo." Pabiro kong sagot sa kanya.

Di na ulit sya umimik. I knew this calls for a serious conversation.

At di nga ako nagkamali. Dahil pagkababa namin ng kotse, sinabihan nya akong mauna na sa loob sabay binuhat nya si Micoi at dinala agad sa kwarto nito.

At dahil ihing ihi na ako, dumirecho ako sa banyo, pagkalabas ko, nandun na sya nakaabang.

"I would love to hear what it is that's bothering you?" He said in a very serious tone. Nakahalukipkip pa ito habang nakasandal malapit sa pinto.

"Wala naman. Bat ka ba nag-iisip ng ganyan? I'm okay." Sagot ko sa kanya habang iniiwasan kong lumingon sa kanya. Inayos ko ang bed nang akmang hihiga na ako, bigla nya akong pinigilan sa braso.

"Look at me Babe! Look at me!" Halos pasigaw na ang boses nito.

"What? What do you want? Pagod ako at gusto ko nang magpahinga. Ano bang problema mo?" Sagot ko sa kanya. But I still kept my composure. Ayoko na kasing i-open up pa ang nakaraan. Ayoko rin syang makaramdam na naman ng guilt sa mga nangyari. Kasi antagal na non. And Kief is more than making it up for the lost times.

"I am sorry Babe. But I am not insensitive. Kanina pa kita inoobserbahan sa kotse. Umiiyak ka. And I wish those were just tears of happiness. But they are obviously not. Kung wala lang yan, bat hindi ka makatingin sa akin ng direcho? May nagawa na naman ba ako na hindi ko alam?" Sunod-sunod nyang tanong sa akin.

"Look. I'm so tired to even answer all your questions. All I know is, I am fine. I don't have any issues. So please stop that paranoia!" I said frantically.nSabay humiga na ako.

Hindi na rin sya umimik. Instead, padabog niyang isinara ang pinto at paglingon ko, tuluyan na pala siyang lumabas ng kwarto.

Oh my God! Nagulat ako sa ginawa nya. Naiiyak lalo tuloy ako. Namisunderstood na naman niya ako.

Bumangon ako para sundan sya.

Nakasalubong ko si Ate Sabel sa hallway. Tinanong ko kung nakita niya si Kief.

"Bebe girl, bat ako ang tinatanong mo eh kayo itong magkasama?" Sagot sa akin ni Ate Sabel.

Nagmamadali akong bumaba. Patakbo. Muntik pa akong madapa. Dumirecho ako sa garahe. Wala na doon ang kotse nya. Nakita ko na lang ito na palabas na ng gate. Hindi ko na napigilang umiyak at humagulgol.

Bat naman sya ganon? Napakababaw naman nya. Wala namang problema eh. Sana kinausap muna nya ako. Bat kailangan pa niyang umalis?

"Lord, ang saya saya lang namin kanina eh. Ano po bang nagawa kong mali?" I whispered.

"Bebe girl, halika na. Pasok ka sa loob. Baka ka mahamugan dyan." Masuyong pagyakag sa akin ni Ate Sabel.

Panay na ang iyak ko. Napalakas na rin ang hagulgol ko.

"Tahan na Bebe girl. Baka marinig ka nina Mommy mo. O kaya baka magising si Micoi. Babalik din yon. Baka kailangan lang nyang "huminga"." Ate Sabel tries to console me.

"Namisunderstood lang nya ako Ate Sabel. Wala namang problema eh." Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"I know. Napansin ko kasi Bebe girl, pagod sya. Itsura pa lang nya. Halatang ngarag na ngarag na. Tas ayun nga, naririnig ka nya na umiiyak kanina. Singhot singhutan, ganon. Syempre, aminin mo na, may topak ka rin minsan, baka inakala nya na may nagawa na naman syang kasalanan na di niya alam. Eh minsan kasi pag sinabi mong wala, meron talaga. So, misunderstanding lang talaga ang nangyari." Paliwanag ni Ate Sabel.

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now