Petsa ng hapunan
By sdvale
Filipino by clumatic
Nagmula ito sa lugar sa pagitan ng mga mundo para sirain. Elegante, may mga galamay, makapangyarihan, gumagapang pataas sa hagdan. Tahimik na tahanan, tahimik na gabi. Naaamoy nito ang kanilang pagiging tao, ang kanilang maliit at mahihinang mga puso. Saan na sila nagpunta?
Ang paghahanap ay huminto dahil sa panibagong amoy. Nakahuhumaling, nang-aakit, parang hipnotismo. May plato sa counter at sa ibabaw nito—isa nanamang nilalang na may mga galamay? Maputla ito, payat, nakabuhol, at nababalot ng pula at durog na karne na para bang sinira siya ng mga tao at binabad sa hindi maintindihang bagay na ito.
Hindi nito mabasa ang maliit na papel na nagsasabing: Spaghetti Night!
Nakaramdam ng matinding excitement ang destroyer. O ito ba ay pagka-uhaw sa dugo? Galit? Hindi... pagmamahal.
YOU ARE READING
Tevun-Krus #86 - International V: LovePunk
Science FictionWelcome to the fifth International Edition of Tevun-Krus! This time around we're dealing with LovePunk, which is a sort of romantic -Punk sub-genre! Because it's an International issue, there are stories from countless languages, all submitted by Wa...