"Ano'ng ginagawa mo?"
Nakikita namin sila sa harap. Sobrang nahihirapan na sila. Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pakiramdam na makita ang pinagdaanan ng dalawang taong nagmamahalan pero pinagkaitan.
Nilabas ko ang isang bookmark. Sinulatan ko iyon ng bagay na hindi dapat.
Hinawakan ni Chaeng ang kamay ko.
"Lisa, 'wag. Mapapahamak tayo sa ginagawa mo," pagmamakaawa niya.
"And what, Chaeng? Hahayaan mo silang maging ganyan dahil lang hindi sila pwede?"
"Hindi. Alam kong masakit 'yan. Pero hindi ka pwedeng magbago ng isang malaking pangyayari na makakaapekto sa balanse. Remember your Codex."
"Tangina. Codex Codex pa."
Sino ba nag-imbento nun? Nasa harap ko na 'to. Kayang kaya ko baguhin ang sitwasyon. Pero tama bang baguhin ang isang bagay na nangyari na?
Tama pa rin bang ayusin ang nakaraan kung nakasalalay ang kasalukuyan?
YOU ARE READING
paradox
Science FictionIn a world where time travelling has become a norm and a business, two Senders from the Morning Dew team and the Night Owl team were assigned to a specific year that seemed connected to their dreams.. Only to find out they're going to meet their pas...
