CHAPTER 15: BACK TO SUMMER PARADISE

Magsimula sa umpisa
                                    

Inilabas niya ang mga damit sa kanyang maleta at namili ng isusuot, habang si Gerald naman ay ngingiti ngiti lamang na nahiga sa kama.

"Sarah..."

"Uhm?"

"What is your ideal date?" tanong ni Gerald habang nakahiga sa kama. Ang mga kamay nito ay nakapailalim sa batok nito.

"Bakit mo naman tinatanong aber?" kunwa'y kaswal na wika niya.

"Para alam ko ang dapat kong gawin kapag inaya kitang makipag-date..."

Awtomatikong natigilan si Sarah sa narinig. Seryoso ba ito o nasa mood lang makipaglokohan? Dahan dahan siyang bumaling dito at nakita niyang pinapanood pala siya nito. Tumikhim siya ng malakas at dumiretso ng tayo upang hindi mahalata ng binata na kinakabahan siya ng mga sandaling iyon.

"Niloloko mo ba ako Gerald?" tanong niya dito.

"No..." Napakunot noo ang binata. Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Im serious... i wanna ask you out on a date."

"At sa tingin mo papayag ako?" tinaasan niya ito ng kilay.

"That's why im asking you..." tugon nito.

Tinignan lamang ni Sarah si Gerald. Tila sinusuri kung seryoso ba ito.

"Im serious Sarah.. i wanna take you out on a proper date..." anang binata.

"Pag-iisipan ko ok?" tinapik ni Sarah ang pisngi ni Gerald at nagtungo na siya sa loob ng banyo.

Pagpasok niya sa toilet ay saka lamang siya impit na nagtitili. Tinakpan niya ang kanyang bibig at nagtatalon sa tuwa. Nananaginip ba siya? Totoo ba na inaya siyang makipagdate ni Sir Pogi?? Omg!!! Magpapakipot ba siya o ano? Ayaw niya namang isipin nito na masyado siyang easy to get. Kailangan mag-inarte muna siya ng kaunti.

Nang lumabas si Sarah sa banyo ay wala na sa silid si Gerald. Inayos niya ang kanyang sarili at nagpasya siyang bumaba sa sala. Doon ay nadatnan niya si Mamang Minda.

"Hi Mamang.." bati niya dito.

"Oh Asher! Nasaan ang nobyo mo?" tanong sa kanya ng matanda.

"Ewan ko nga po eh, naligo lang po ako tapos paglabas ko wala na doon sa kwarto." tugon ng dalaga.

"Naku, baka kasama ng Papang niya. Ano naiinip ka ba?"

"Ay hindi naman po Mamang, teka ano po ba yang gagawin ninyo?" tanong ni Sarah. Nakita niya kasing binubuksan nito ang isang malaking bag. Isa yata iyong beauty kit.

"Ah eh magpapakulay sana ako ng buhok kay Tasing, ayoko namang umattend ng kasal na namumuti ang buhok ko noh..." nakangiting tugon ni Mamang Minda.

"Naku Mamang gusto niyo po ako na lang ang magkulay sa inyo?" naexcite na wika ni Sarah.

"Aysus! Naku hindi na, madudumihan ka pa eh. Si Tasing na lang...' tanggi nito.

"Sige na Mamang, upo ka na diyan..." inalalayan ni Sarah na maupo sa plastic chair ang matanda. Ipinatong din niya ang itim na tuwalya sa balikat nito.

"Sigurado ka ba diyan apong? Abay baka may iba pa kayong gagawin ni Gerald?" tanong ni Mamang Minda sa kanya.

"Hay hayaan niyo po siya Mamang, missing in action naman siya eh.." tugon ni Sarah. Tinignan niya ang mga laman ng beauty kit at nakita niya roon ang sari saring pangkulay ng buhok. Mayroon ding mga gunting na panggupit ng buhok at kumpletong pang manicure set. "Mang, ano po ang kinukulay niyo sa buhok ninyo?" tanong ng dalaga.

"Black.." simpleng tugon ng matanda.

"Ay naku!!!" palatak ni Sarah. "Mamang, huwag black ang ikulay ninyo, magmumukhang wig ang inyong hair! Dapat sa inyo mga light colors.. like chestnut brown o di kaya ay chocolate brown.. Para lalong lumabas ang pagkamestisa ninyo.. Ganda ganda niyo pa naman oh...' nakangiting itinapat ni Sarah ang salamin sa mukha ni Mamang Minda.

My Runaway Secretary [Ashrald Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon