Chapter - 1

17 3 6
                                        

Ang unang kabanatang ito ay para sa aking mga bagong kaibigan. Kayo ang inpirasyon ko para magsulat muli.
================================

April 27, 2019

Sa napakahabang panahon, muli kong binabaybay ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Mga kaganapang bumago sa buhay ko noon at sa aking pamilya. Lumipas man ang maraming taon...hindi nawala iyon sa aking isipan at sa aking....puso.

" Ma dito na ba ang province nyo?"

Natigilan ako ng magsalita ang panganay kong anak na babae. 16 na sya at halos kaedad ko lamang ng una akong makatapak sa province na ito...ang province ng father ko.

" Yes anak...a lot of things has change...ibang-iba na ngayon."

" Town proper na ba ito ma?"

" Nope...doon pa ang town proper.....pero yang diversion road na yan, dyan tayo papasok papuntang baranggay ng relatives natin."

" Ah...pero ma bakit pala hindi ka na muling nadalaw sa lugar na ito sabi mo?"

" A long story Xan....someday ikukuwento ko sayo. Actually pangatlo na ito. Yung pangalawa ay ng mamatay ang lola ko. That time nasa college na ako, ayoko sanang sumama pero bilang respeto sa grandmother ko."

Hindi na nagtanong pa si Xan na abala sa games sa cp nya. Tulog naman ang bunso kong si Miko na nasa likod ng sasakyan.

Sa pagtawid namin sa mahabang tulay ay makikita ang maraming kabahayan na noon ay bihira lamang.
Ngunit bigla akong nagpreno sa dahilang isang kalabaw na may hilang paragos na iginigiya ng isang binatilyo ang biglaang nakita kong patawid ng highway. Mabilis kong naapakan ang preno. Bago pa man ako nakapagsalita ay nakalabas na si Xan ng kotse.

" Hoyyy kuya! Highway ito dapat huminto ka ng saglit dahil may paparating na sasakyan! Hindi ka na dapat tumawid pa!"

Agad akong bumaba para lapitan ang anak ko na nakapamewang sa binatilyong tumingin lamang sa kanya ng isang seryosong tingin at saka tumalikod na sumakay na lamang sa kalabaw niya.

" Abat! Hoyyy kuya bastos ka kinakausap kita ah! Wala man lang sorry!"

Agad kong hinila ang anak ko pabalik ng kotse. At sa aking muling pagmananeho ay saglit kong nilingon muli ang binatilyong patungo sa isang sakahan. Kasabay ng mabining pag-ihip ng hanging tag-araw ay ang pagdaloy muli ng mga alaala ko sa mga kaganapan noong una kong marating ang lugar na ito.

Ako nga pala si Ann, 39 yrs old at 16 lamang ako ng una kong marating ang province na ito.
.
.
.
.
.
.
April 27, 1996

" Mga anak, narito na tayo sa province ng lolo at lola nyo."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Summer is GoneStories to obsess over. Discover now