Chapter 26 Edi wow!

547 20 0
                                    

Jin's POV

3 weeks nalang ang natitira at habang palapit ang araw na mawawala sila, ang bigat sa loob.

Papunta kami sa Jeju ngayon. Sa totoo lang, alam kong di sila tulog. Sadyang nananahimik lang sila. Nakaupo kasi ako sa tabi ng driver. Katabi ko si Rhena.

Ang awkward.

'Hello, hello. Hello, hello tell me what you want right now..'

"Hello?.... Ay kamusta?.... Okay naman ikaw?...... Ah papunta kaming Jeju..... Oh sige.... Ingat ka bye."may tumawag lang pala kay Kate. Sino kaya yun?

"Mamaya ano una nating gagawin?"biglang tanong ni Jimin. Ano nga ba gagawin namin?

"Edi magpapahinga saglit."sagot naman ni Suga. Bumuntong hininga ako. Bakit ba ako nalulungkot? Aish! Nakakabakla! Sayang ang pagiging pogi kung magiging emo ako, diba?

"Andito na tayo! Wuuhooo!"sigaw ni Manager. Sya lang kasi kasama namin. Kumpleto kaming lahat ngayon. Si Jungyeol, Eunyeol, Sunmin, Chin, Rhena, Mitch, Empress, at kaming BTS.

Lumabas na kami sa pagkalaki laking van namin.

-___-  nangawit ako dun ah?!

Hay kakapagod umupo.

"Mga lalaki kunin yung mga gamit at ipasok na sa loob."utos ni Hyung. Nagsi 'OK' naman kami. Kumuha nako ng bubuhatin ko. Tatlong bag na ewan kung ano laman muna.

Pag pasok ko sa loob napa 'Wow!' Agad ako. Ang ganda naman kasi at napaka refreshing. Ang ganda ng interior design.

"Paiskor ako."rinig kong bulong ni V kay Sunmin-shi. Abat! Kaylan pa sya naging byuntae?

"Jin oppa, inaantok ako."sabi ni Gia. Binitawan ko yung bag na karga ko at niyakap sya. "Dongsaeng-ah, tandaan mo mahal ka ni Oppa. Ha?"sabi ko sakanya at hinigpitan ang yakap. "Ne oppa."sagot nya. Humilay kami sa yakap at pinat ko ulo nya.

"Okay bilisan na natin para makapag swimming tayo! Wuhoo!"sigaw ni JHope na nasa taas na agad. Di naman kasi sya nagmamadali diba?

"Babo! Magpapahinga pa tayo."sigaw ni Rapmpn sakanya. Nagtawanan kami. Sana lang ganto kami lagi.

--

Suga's POV

Nakatulog kami kahapon ng mahigit dalawang oras bago kami lumangoy. Mga atat kasi ang maknae line eh. Halata naman sa kanila.

Ngayon ang unang araw namin dito. Ang gagawin lang namin ngayon ay....... matulog. Inaantok daw kasi silang mga babae. Ano kaya kinapuyatan nila?

"Bae..."tawag ni Mitch sakin. Nilingon ko sya. Nakangiti syang lumapit sakin sabay ako hinalikan sa labi. "Good afternoon. I love you."sabi nya. Eto amg isa sa mga dahilan kung bakit ko sya mahal eh. Ang lambing nya kahit di halata.

"Oppa kain na daw tayo. Unnie tara."aya samin ni Kate. Himala? Tinawag nyang 'unnie' si Bae. Edi wow!

"U-unnie? Yah! Ayokong tinatawag ng ganun diba!!! Bumalik ka dito!"sigaw ni Mitch. Ganyan naman sya maglambing minsan.

Naglakad nako papasok ng bahay ng may marinig akong umiiyak. Dahan dahan akong lumapit kung saan ko narinig ang iyak. Nang nakalapit ako, si Sunmin-shi ang umiiyak. Bakit?

"Hoy ang tagal mo naman sumunod sa loob! Tara na."angil sakin ni Bae. Nang lumingon ulit ako dun wala na sya. Baka naman hindi totoo yung nakita ko. Ay tama! Gutom lang 'to.

Pumasok na kami sa loob. Amoy na amoy na yung ulam! Nyam nyam!

At dahil nga sa gutom ako pagkaupo ko humawak agad ako sa kubyertos. "Suga hyung, di ka naman siguro gutom."puna ni Rapmon. Tumawa nalang ako.

Nagdasal kami. At syempre pagkatapos nun, lumapang na kami.

"Ang sarap~!"

"Grabe! Sobrang neto!"

"Sino nagluto?"

"Kakaibang pagkain!"

Sabay-sabay na sabi ng mga kamember ko. Ngayon nga lang kami nakakita ng ganitong p.. Sino ba nagluto?

"Sino nagluto?"tanong ko. Dahan dahang nagtaas ng kamay si Jungyeol-shi. "ako. Isa yan sa mga putahe ng Philippines ang tawag Nilagang baboy. Masarap ba?"naiilang nyang turan.

"OO SOBRANG SARAP! LUTO KA ULIT NETO AH?!"sabay sabay naming lahat sigaw sakanya. Ang ending lahat kami tumatawa.

--

"Waaaaah! Ang lamig! Waaaah!"sigaw ni Sunmin. Ibinato ba naman ni Taetae eh. Kasalukuyan kaming naglalangoy ngayon. Grabe ang lamig ng tubig. Well good thing pool to. Mas malamig kapag nasa dagat.

Natatawa nalang ako. Ang kulit nila. Ahaha ^_^

Nagpatugtog si Jimin ng 'It's Tricky' at nagsimula nang sumayaw. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakisabay. Hanggang sa lahat na kaming BTS.

-

Jungyeol's POV

Habang sumasayaw sila, tawa naman kami ng tawa. Pati narin kasi si Manager Hyung sumasayaw. Imagine diba? Ahahaha grabe langs.

Nang matapos sila kakasayaw, biglang tumugtog yung 'Something' ng Girl's Day. Syempre, ang boyfriend ko, ayun umaariba. Sinasayaw nila yung steps ng kanta talaga.

Aaminin ko ang hot nya. And at the same time, cute. Ang galing nya talaga sumayaw. Ahaha

Habang tumutugtog parin yung kanta, huminto sya. At dahil nasa pool ako, napatigil din ako kakatawa. Hinahampas ko pa nga yung tubig eh. Tinitigan nya ko. Yung titig na akala mo in any moment iiyak sya.

Nag aalala akong lumapit sa hagdan. Nang nakaakyat nako lumapit ako sakanya. "Okay ka lang?"tanong ko. Medyo namutla na sya. Ano ba nangyayare?

Napansin kong tawa sila ng tawa. Anong nakakatawa? Nakuha pa nilang tumawa. Tinignan ko kung ano tinuturo nila......

O,o? --> -_-" --> ^_____^

May pusa sa paa nya! "Ahahahahaha!"sabay sabay naming pagtawa. Grabe! Takot nga pala sya sa pusa! XD

"Pinagtatawanan moko?"di maka paniwala nyang tanong. Tango lang sinagot ko sabay tumawa. "Bahala ka nga dyan."saad nya sabay umalis. Lema nya?

"Ang arte!"inis na sabi ko. Masama ba tumawa? Eh sa epic naman talaga nya kanina ah? Nakakainis!

"Sis!"tawag sakin ni Kambal. "I'm not in the mood. I'm going back to my room."with that I left. I hear them screaming out my name but I ignored them.

Di ko alam pero nabadtrip ako. Nakakainis. Para tumawa lang eh! Diba? Eh sa nakakatawa yung mukha nya alangan namang umiyak ako diba. Edi wow.

Kakainis lang. Bahala na nga sya. Wag nyang ma-try try na lumapit sakin shete sya.

~~~

A/n: Sorry po sa matagal na di pagyu UD. Eh kasi naman po busy eh. Hope you understand. Sorry talaga.

Sana nag enjoy kayo sa UD ngayon.

Bangtan Boys' Princesses(BTS fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon