Magalang na sagot ni Rain.

"Tumawag sa akin si Janna. Hindi ka pa daw bumabalik. Dalawang taon na ang nakalipas simula noong nagpunta ka doon. Kailangan mong puntahan sila baka---"

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa ng mapadako ang tingin ni Madam Crystal sa akin kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya.

"Siya ba?"

Tanong niya at tumingin kay Rain. Tumango lang si Rain bilang sagot. 

Lumapit sila sa kinatatayuan ko. Inilahad ni Madam Crystal ang kamay niya agad ko iyong tinanggap,

"Crytal Tan, nice to meet you Mr.  Maximillian Del Valle. Marami na akong narinig mula sayo. Good and bad."

Iba ang tingin niya sa akin. Nakakatakot para bang alam na alam niya ang lahat. Hindi ko na lang ipinahalata na hindi ako komportable.

"The pleasure is all mine, Madam Crystal."

Bumitaw siya sa handshake namin, lumapit pa siya sa akin at bumulong.

"Kung hindi mo siya pipiliin sa huli, wag mo siyang paasahin dahil baka sa susunod na saktan mo siya, ikamatay na niya"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong ibig niyang sabihin? Baka pa man ako makapag-react nakalayo na sa akin si Madam Crystal.

"Crystal, hija. Pwede mo ba akong ihatid sa upuan ko?"

Tumingin sa akin si Rain at tumango lang ako. At umalis silang dalawa.

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi naman siguro magpapakamatay si Rain? HIndi naman siya ganun.

Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko alam na may lumapit sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Inis kong tanong. Sino pa ba ang kinaiinisan ko e di si Eric.

"Chill, Max! Hindi ito ang panahon para mag-away tayong dalawa. After all may kanya-kanya na tayong buhay. Pero wag mong sabihin hindi ka pa rin maka-move on sa nangyari dati? Dapat nga ako ang magalit sayo dahil ikaw ang nang-agaw, pero okay na sakin yun."

Sarap sapakin ng lalaking ito. Ewan ko ba kumukulo talaga ang dugo ko.

"Layuan mo si Rain."

Madiin kong sabi sa kanya.

"Bakit? Natatakot ka bang gawin ko ang ginawa mo sa akin noo? Don't worry, Max. Sayo na si Rain, after all i'll have the girl na matagal ng akin."

 Sa totoo lang kahit ilang taon na ang nakalipas asar na asar pa rin talaga ako. 

"Max.. Eric.."

Tumingin kaming pareho kay Rain.

"Rainy girl. Thanks for inviting me. Well, gotta go."

Umalis na siya. Tumingin ako kay Rain at lumapit

"Why would you invite that guy?"

Inis kong tanong.

"He's my friend, Max. Isa pa si Melody ang gustong mag-invite sa kanya."

Napailing na lang ako.

"Mabuti pa umupo na tayo, malapit ng mag-start."

Umupo na kami sa table kasama sila Zach, si Melody daw ang host kaya busy ang babaeng yun. Andito din sila Hugo. Full support daw para kay Rain.

A Sad Rain (Completed)Where stories live. Discover now