Pagpasok ko sa lobby ng hotel marami ng nakakalat na tao. Yung iba doon mga businessman na benefactor. 

Luminga-linga ako habang hinahanap si Rain. Panigurado nasa iisang sulok na naman yun, hindi naman kasi mahilig makipag-socialize ang babaeng yun. Kahit noon pa, kaya nga ako lang ang kaibigan niya noon.

"MAXY BABE!"

Kumunot ang noo ko sa sumigaw na yun. I know the owner of that irritating voice.

"Zachary.."

Walang kagana-gana kong bati sa kanya. 

"O bakit ganyang ng mukha mo? HIndi ka ba masayang makita ako?"

Pa-cute ni Zach and changing his voice into high pitched tone na nakakairita.

"Manahimik ka nga. Naiirita ako sayo."

Hindi ko siya pinansin ulit at hinanap si Rain.

"You're so mean! Kaya nga kita pinuntahan dito para sunduin. Dadalhin na kita kay Rainy girl."

Pagkasabi niya noon hinatak ko na siya.

"Hindi namang halata na excited ka ano?"

Pang-aasar niya.

"Shut up. Dalhin mo na lang ako sa kanya."

Naglakad kami papasok pero lumabas din kami sa kabilang side kung nasaan makikita ang tabing dagat. Doon pala nila sinet-up.

Pagdating doon, parang nasa isa kaming restaurant. Nangingibabaw ang kulay pula sa mga decorations. At ang sarap ng simoy ng hangin.

"So what do you say about sa ayos? Maganda ba?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Rain. Napanganga ako ng makita ko ang suot niya. 

Well, hindi naman revealing or what. She looks simple yet elegant. She looks beautiful. 

"Oo maganda.."

Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Pinalo naman niya ako ng mahina sa balikat.

"Hindi ako, yung lugar. Ikaw talaga.."

Ngumiti lang ako. Biglang nawala ang ngiti ko ng mapansin kong parang malalim ang iniisip niya. I know something is bothering her.

"Hey, are okay?"

Bigla siyang natauhan ng hawakan ko ang kamay niya. Agad siyang ngumiti.

"May sinasabi ka?"

Umiling ako. Baka naman kinakabahan lang siya sa event ngayon gabi. 

"Crystal, hija."

Napalingon kaming dalawa sa pinanggalingan ng boses.

A woman. I think nasa edad itong 50. Pero kahit ganun makikita mo noong kabataan niya maganda siya and she looks familiar.

"Madam Crystal.."

Kaya naman pala. She's the famous Crystal Tan. Coincidence na magkapangalan sila ni Rain.

Lumapit si Rain sa kanya at niyakap ito. Niyakap din siya nito pabalik at hinalikan sa noo. Kung titignan mo silang dalawa para silang mag-ina.

"Kamusta ka na? Pasensya ka na kung hindi kita masyado nadadalaw."

Kitang-kita ko sa kanya na nag-aalala siya kay Rain. 

"Ayos lang po. Madam. Alam ko naman pong marami din kayong inaasikaso."

A Sad Rain (Completed)Where stories live. Discover now