chapter 1

3 0 0
                                    


"Good evening po sir, may I know your name?"

August month at sobrang daming event nanaman na kailangan iorganize, isa ito sa mga busy na araw thursday night. Na assign ako sa mga pangalan ng guest.

"Roberto Mallari" sagot ng nasa middle age na lalaki

Naiirita ko sa dalawang lalaki na nasa likod kala mo kung sinong mga gwapo. Ang arogante kung tumingin at parehas pa silang ngumingisi.

"Table 15 po Sir" pagtuturo ko naman kung saan bandang table ang lalaki

Sobrang daming gwapo pero hindi ito ang dapat kong intintindihin dahil sobrang dami na ang nakapila buti nalang kasama ko si Taylor dito kaibigan kong bakla. Siniko ko sya at pasimpleng isinenyas ang dalawang aroganteng papalapit.

"Bakla kumapit ka may hangin na paparating"
naguguluhan naman nya kong nilingon pairap naman akong humarap sa dalawang lalaking arogante.

"May I know your name Sir?"  kahit naiirita pinilit ko paring maging magalang at masayahin sa paningin nya kahit na alam ko namang mukhang kitang kita sa mukha ko na pilit lang yun.

"Brett Hutton" arogante paring pagsagot nya

"Table 15 sir" wala paring ganang sagot ko

"Thank you Miss" may pa smirk pa kala mo naman talaga aistt kakaurat buti nalang umalis na sya sa harap kasama ang isa pang lalaki.

Pag kaalis ng dalawang sya namang impit na tili ni Taylor.

"Bakla ka hindi hangin ang dumating, ulam bakla ulam parang ayoko na kumain busog nako sa kanilang ka gwapuhan"

sarkastiko ko nalang syang nginitian at nag patuloy sa aming ginagawa.

Tumagal pa kami ng isang oras bago kami matapos sa mga ginagawa namin ni Taylor at sa wakas break na namin makakapag dinner na din ako sa wakas.

Habang papunta kami sa kitchen ng Event place nag kekwentuhan kami ni Taylor kaya di ko napansin na may makakasalubong ako at makakabunggo at kung minamalas ka nga naman nung lalaking arogante pa.

"Sorry Miss" paghingi nya ng tawad dahil natapunan ako sa braso ng wine na iniinom nya

wala naman akong magagawa at bawal mag eskandalo dito at di naman ako ganung klaseng tao sadyang inis lang ako sa kanya

binigay nya saken ang panyo nya para ipampunas ko tinanggap ko naman dahil wala akong choice

"ahmm okay lang di din naman kita napansin" ani ko

"Sorry talaga nagmamadali kase ko" mukha namang sinsero ang pag hingi nya ng tawad kaya nginitian ko nalang sya at isasauli ko na dapat ang panyo nyang pinahiram saken

"salamat sa panyo, ahmm ayos lamang ba kung madumi na ito hindi ko na kase ito malalabhan sa ngayon" nag aalangan pako na iniabot sa kanya

"sayo na iyan, okay lang pasensya na talaga sayo" pagtanggi nya "mauuna nako sa inyo pasensya na ulit" at umalis na sya sa harap namin

Para namang natuod si Taylor sa kanyang kinatatayuan kaya siniko ko sya

"Hoy baks!! laway mo natulo na kaloka to nanigas ka na dyan" hinatak ko na sya papuntang kitchen dahil gutom na talaga ko.

"Bakla ang gwapo talaga nya feeling ko bet ka nun kase nung kasama nya kanina tinatanong kung anong pangalan mo"
gulat naman akong napatingin sa kanya

"Baliw ka sinabi mo naman?" medyo naiinis na tanong ko pero tatawa tawa pa din dahil alam ko ang ugali nito

"Loka edi sinabunutan mo ko syempre hindi sabi ko nalang hindi tayo pwedeng mag bigay ng personal information if not necessary" yay thats my baks kaya mahal na mahal ko to eh di talaga ko mapapahamak

"Good yan buti naman"

"Syempre una palang alam ko namang ayaw mo na sa kanila"

Tinapos na namin ang aming pagkain at bumalik na kami sa event. Hating gabi na ng matapos kame sa apartment nalang ako ni Taylor natulog dahil masyadong late na naitext ko naman na din sa bahay na dito ko matutulog kaya okay na yun.

...

Kinabukasan naghanda muna ko ng breakfast namin ni Taylor at sabay kaming kumain. Sabay na din kaming pupunta sa school grade 11 senior high na kami.  We used his car ngayon kase didiretso na din kami sa event place mamaya after our class. Tahimik lang kaming nag byahe and it takes 10 minutes. Nang nakarating  na kami sa school nag hiwalay na kami ng way ni Taylor dahil sa kabilang building pa ang ABM.

"See you later baks" pagpapaalam ko sa kanya at bumeso

"See you, sa mcdo nalang tayo kain ng lunch" si Taylor medyo wala pa din gana dahil pagod kagabi.

"Sure bye" paalam ko ulit at naglakad na papunta sa building namin.

...

My day went well after our school hours dumiretso na kami ni Taylor sa event place. Taylor's family owned the company kung saan kami pumapasok as event receptionist for extra experience na din for the future, this is our last day and sa bakasyon na ulit pasok namin dito sa event.

Pag kauwi namin ni Taylor sa apartment ang hyper nanaman nya Kase busog na Ang kanyang mata sa mga gwapo.

"Bakla nakita ko nanaman kanina nung mga fafa kagabi. Hinahanap ka nga nung Brett eh" tuwang tuwa na pag chichika saken ni Taylor

"Oh? I didn't see them sa party and diko din napansin name nila sa guest list"

"Nung nag CR ka nun and medyo late na din sila dumating. And about their names representative lang Sila ng parents nila. Imagine that siz! Halos kasing age lang natin sila pero mukhang mga bigatin na" ani Taylor

"Maybe because mayaman sila? You know what matulog na tayo and I'm not interested with them anyway" inirapan ko nalang si Taylor at kinurot naman nya ko sa tagiliran bago pumasok sa kwarto.

"Tatanda kang dalaga nyan talaga, goodnight gurl labyou"

"Goodnight!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THIS TIME ITS YOUWhere stories live. Discover now