PROLOGUE:

7 1 0
                                    

"Sampaguita!, Sampaguita! Bili na po kayo mga ate at kuya,fresh na fresh na bagong pitas pa kaya bili na po!" Sabi ng batang si Gigi na nagaalok ng kanyang tindang sampaguita sa mga dumadaang tao sa simbahan.

Ito lang kasi ang tanging ikinabubuhay ng kanilang pamilya bukod sa kanyang ama na walang permanenteng trabaho at ang kanyang ina naman ay walang ibang ginawa kundi ang magsugal at maginom.

Kung minsan ay hindi pa ito umuuwi o kung uuwi man ay palaging mainit ang ulo kaya madalas magaway ang kanilang magulang dahil sa kakaunting sahod ng kanyang ama na sapat na sa panggastos ay kinukuha pa ng kanyang ina.Kaya madalas ding wala sa bahay ang kanyang ama dahil sa sama ng loob at palaging baon sa utang.

Kaya naman gumawa ng paraan si Gigi para may maipakain sa kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagtitinda ng sampaguita.Sa tuwing makakaubos siya ay binibigyan siya ng kanyang amo ng 30% sa kanyang kita.Agad siyang pupunta ng tindahan upang bumili ng isang kilong bigas at sardinas o di kaya ay tuyo at ang matitira ay sa kanilang panggastos.

Sa kanyang paguwi ay makikita nyang nakaabang ang kanyang mga nakababatang kapatid sa bintana at agad siya nitong sinasalubong upang manghingi ng pasalubong sa kanya.Syempre bilang panganay ay binibilhan nya ito ng candy at sitsirya kapag may natira sa kanyang kita.

Sa edad na siyam ay nagagawa na nyang maghanapbuhay upang itaguyod ang mga kapatid.Araw ngayon ng linggo kaya sya nagtitinda sa harap ng simbahan.Tuwing may pasok naman ay gumigising sya ng madaling araw para maaga itong mailako at para may pambaon sila ng mga kapatid.

"Oh sya! Sige nga bata bigyan moko ng tatlong tali", sabi ng babae na bumili sa kanya.

"Maraming salamat po! alam nyo po ba na swerte ka kapag ikaw ang buwena-manong bumili!"

"Abay bakit naman?"takang tanong ng babae.

"Kasi po kayo ang unang babalikan ng blessings!"sabi nya ng nakangiti.

"Aba ang talino mo naman palang bata ka! Oh sige na nga pabili pako ng dalawa"sabi nito na pinisil pa ang mataba nyang pisnge.

"Maraming salamat po talaga sana po pagpalain kayo ni Lord dahil napakabait mo po.Di ka po magsisisi nyan kaya balik ka po ulit!"

"Asus! Ikaw naman nambola ka pa, Oh sya!sige mauna na ako magluluto pa ako ng agahan namin"pagpapaalam ng babae.

Nagpasalamat uli sya dito at nagpaalam na din.Naka isang daan agad sya dahil lima ang nabili sa kanya kaya tuwang-tuwa sya ng araw na iyon.

"Bili na po kayo ng sampaguta!"pagpapatuloy pa nya.

Marami-rami na din ang nakabili sa kanya at para maubos ang kanyang tinda ay nagisip sya ng kanyang pakulo at yon ay kumanta.

Maganda ang kanyang boses na parang ibong umaawit kaya madalas siyang ipanlaban sa mga patimpalak at madalas syang nananalo doon kaya naman proud sa kanya ang kanyang guro,mga kapatid at ama.Matalino din sya at laging nangunguna sa klase,pero nitong Recognition lang hindi nakadalo ang kanyang ama kaya ang guro na lang nya ang naggabay sa kanya dahil para na tin nya itong ina.

"At para maubos na ang paninda ko't makauwi na,kakantahan ko na lang kayo!sabi nyang nakangiti.

STANFORD UNIVERSITY (SEASON 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن