CHAPTER 1

9 3 0
                                    

" INAY !!! "

Agad na napabangon si Kyle. Nasapo niya ang kanyang mukha nang mapagtantong nananaginip lang pala siya.

"Bakit ba lagi ko nalang napapaginipan ang nakaraan.." nakuyom niya ang kanyang kamao dahil sa galit.

Simula nang kinuha ng kanyang salbahing ama ang kanyang ina ay hindi na ito bumalik pa. Kahit balita ay wala siyang narinig. Naaawa siya sa kanyang ina, ngunit wala Naman siyang magawa dahil isang musmos pa lang siya noon na kayang  patayin na kanyang ama.

Bumangon si Kyle para pumunta sa hot spring sa likod ng bahay ng kanyang lolo. Ang lolo na niya ang tumatayong magulang niya pagkatapos siyang naiwan ng mag isa noon.

Habang papunta siya sa hot spring at iniisip ang kanyang ina, may biglang nagsalita sa kanyang harapan kaya nag angat siya ng mukha.

"Hi!"

Kunot-noong nakatingin siya sa isang babae na ngayo'y nakatapis lang ng tuwalya at halatang kagagaling lang maligo sa hot spring.

"Sino ka? Ba't ka nandito??"

"Ako ang bagong nangungupahan dito. Kararating ko lang kagabi galing kyoto. Dito na kasi ako titira at mag aaral ."

"Ha? Sinong nagpa upa sayo dito??"

Nagtataka siya dahil kailan man, hindi nagpapaupa ang kanyang lolo noon pa.

"Ang lolo mo." nakangiting sabi nito. "Ang bait pala ng lolo mo,noh? Oo nga pala, ako si Wena Nichi. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Kyle. Kyle Ryuzaki."

"Ang cute naman ng name mo! Bagay sayo! Ahmm.. balak mo bang maligo sa hot spring? Tamang-tama dahil katatapos ko lang. Sige , iwan na muna kita. "

At agad na umalis na ito para magtungo sa inuupahan nitong kwarto. Naiwang naguguluhan si Kyle dahil sa pangyayari.

PAGKATAPOS maligo at magbihis ni Kyle ay dumiretso na siya sa kusina.

"Mabuti naman at gising ka na hijo."

sabi ng kanyang lolo ng pumasok  siya sa kusina.

"Good morning sa inyo! Kyle! Gumawa ako ng pudding. Halikan tikman mo." excited namang sabi ni Wena nang biglang nagsalita ito.

Hindi na siya nagsalita at umupo na lamang sa hapag-kainan.

"Saan ka Naman balak mag aaral dito sa Nagasaki , Wena?" Tanong ng lolo niya sa dalaga.

"Sa RyuKen University po."

"Talaga? Eh magkakasama pala kayo nitong si Kyle. Doon din kasi ito nag aaral."

"Talaga po?? Mabuti naman kung ganun!" masayang bulalas naman nito.

"Lolo." sabad niya sa dalawa. "Akala ko ba hindi kayo magpapa upa dito?

"Ah yun ba. Naaawa naman kasi ako dito kay Wena. Gabi na nang makarating dito sa lugar natin tapos sarado na ang mga paupahan sa labas kaya naisip kong dito nalang muna siya uupa para na din may kasama ka."

"Salamat po ulit Lolo. Malaking utang na loob ang pagtulong niyo sa akin." pasasalamat ulit ng dalaga.

Labag sa kalooban niya ang naging desisyon ng kanyang lolo pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na ito. Di na siya nagsalita pa tungkol dun at tumayo na pagkatapos kumain.

"Aalis na ako. Malelate na ako sa school."

"Ganun ba. Edi isama mo na tong si Wena."

HABANG tahimik na naglalakad si Wena at Kyle patungong eskwelahan. Napansin ni Wena ang pagiging tahimik ni Kyle kaya siya na ang unang nagsalita.

"Ah, Kyle? Maganda ba ang RyuKen University?"

"Oo." tipid nitong sagot.

"Ahh. Mabuti naman kung ganun. Nahihiya yata ako dahil unang araw ko ngayon."

At namayani ulit ang saglit na katahimikan. Ang tipid sumagot. Mukhang strikto yata to. At napaisip ulit siya kung ano ang sasabihin. Gusto niya na kahit papano maging close sila. Para kasing hindi ito masaya sa pag upa niya sa bahay.

"Ahmm.. anong favorite food mo Kyle?"

Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"Alam mo, ang ingay mo." pagkuway nagpatuloy ito sa paglalakad at iniwan siyang nakanganga sa bigla.

Nang matauhan, hinabol niya ito at hinarangan.

"Alam mo? Ang sungit mo! Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo, masama ba yun?!" galit niyang sabi at agad na iniwan ito. Inunahan na niya ito sa paglalakad .

SA SCHOOL

"Napakaingay na babae." wala sa mood na sabi ni Kyle nang marating ang kanyang classroom at umupo sa loob.

"Wala ka naman yata sa mood pare!"

"Araw-araw Naman talaga e."

Komento ng kanyang dalawang kaklase na lalaki.

Maya maya lang ay dumating na ang kanilang professor at agad na nagsitayo ang lahat para bumati.

"Ok class. Bago ko sisimulan ang klase natin. Ipapakilala ko sa inyo ang magiging bago niyong kaklase simula sa araw nato." pasimula ng kanilang professor pagkatapos nilang umupo ulit.

At pumasok ang isang babae sa loob na syempre kilala niya at walang iba kundi si Wena.

"Napakamalas ko nga Naman." nabulong niya sa hangin.

"Hello po sa inyong lahat!" saglit itong napahinto ng ilang segundo nang makita siya nito saka nagpatuloy sa pagpapakilala.

"Wena, may bf ka na?" tanong ng isa niyang kaklaseng lalaki pagkatapos at naging maingay ang lahat maliban sa kanya.

"Silence!" agad namang napatigil ang lahat dahil sa guro.

HABANG nagsusulat si Wena , di niya maiwasang mapatingin kay Kyle sa kinauupuan nito malapit sa bintana. Kahit naiinis siya dito, agad namang napawi iyun.

"Psst. Wena."

Napatingin si Wena sa katabi niyang babae na tumatawag sa kanya.

"Kababago mo lang dito, mukhang may crush ka na ah. Crush mo rin ba si Kyle?" nakangising tudyo nito.

"H-ha?" Nauutal niyang sabi.

"Umamin ka na. Marami din kasing nagkakagusto kay Kyle kaya di na ako magugulat." natatawang sabi nito.

"Crush mo din ba?" Tanong Niya dito.

"Oo.. syempre Naman." Nahihiyang sabi nito. "Ako nga pala si Saki." pakilala nito.

At ito ang naging una niyang kaclose sa loob ng classroom.

✍🏻To be continued..

When You Came (On-hold)Where stories live. Discover now