01

7 1 0
                                    


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, loacales, and incident are either the product of the author's imahination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.

This story is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DSLU/other universities. I create my own universities/academies, but if it has the same name or something it's just a coincidence.

This is not a University Series. Academy lang HAHAHAHA sosyal ah.

Again I did not wish to imitate Miss Reuminct4's but I was just following her cause I'm still new to writing and she's my role model of being a writer.

No hate. Just love:)

***

"Cien!! Oy!!!" Halos mabingi na'ko rito sa sigaw ni Sigrid! Ano ba naman tong babaeng to! Walang ka pilipina! Dapat mahinhin e! Tumingin ako sa kanya at nakita kong papalapit na nga siya rito habang tumtakbo. Kasama rin niya si Aliyah na tumatakbo patungong gazebo rito sa plaza na tinatambayan ko.

Ay takte! Hulaan ko madadapa yan si Aliyah.

"Aray ko! Huhu ang sakit!" Sabi ko na nga ba. Tumawa na lang ako habang pinapanuod sila. Tinulungan ni Sigrid si Aliyah na bumangon habang sinesermunan pa ito. Yan kasi! Habang si Aliyah naman ay parang naiiyak na dahil maraming nakatingin sa kanila, lalong lalo na sa kanya.

Tumungo lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad habang ang kamay ay nakatakip sa mukha. Umiiyak na ata to e. Hahaha kahit kailan talaga iyakin tong si Aliyah daig niya pa yung mga pinsan kong iyakin.

"Oh, anong ginagawa niyo rito? Kala ko ba may tatapusin pa kayong review?" Tanong ko sa kanila nang makalapit sila.

Sigrid sat beside me at sa tabi niya naman umupo si Aliyah na nakatungo pa rin. Hindi lang naman ako ang tao rito sa gazebo kaya nakatingin pa rin sa kanya yung iba dahil sa pagkadapa niya.

"Oy open na yung ML mo oh. Maglalaro ka na naman? Sali ako!" Sigaw ni Sigrid dahilan para lingunin din siya nung mga tao.

Pilit siyang ngumiti rito tas nag peace sign. "Hehe peace mga Ate at Kuya."

"Ako rin. Sali ako Cien, buhatin moko ha?" Singit pa ni Aliyah.

"Pabuhat naman tong mga to. Ang ka kanser nyo kaya!" I whisper-shouted. Mahirap na baka palayasin kami rito sa gazebo. Meron kasing nag aaral din kaya dapat shh lang.

"Luh di kaya kami pabuhat. Naka MVP nga ako nung last game natin. At tungkol dun sa review natapos na namin at dahil wala naman kaming magawa duon sa room hinanap ka na lang namin. At since dito ang tambayan mo napagdesisyunan namin na rito ka unang hanapin." Naka ngising sagot nito.

"Wow. Kailangan detailed talaga?" May pagka sarkastiko kong sabi sa kanya. Tumawa lang ito at kinuha na rin ang phone para mag open ng ML niya.

Ganun din ang ginawa ni Aliyah. Hays, wala na'kong magagawa nagpapabuhat na e. In-open na nila ang ML nila at naghintay na lang ako since ako ang mag iinvite.

"Sinong gagamitin ko Cien?" Tanong ni Sigrid.

"Aba ewan ko sayo. Mag layla ka na lang yun lang naman ang hero mo hahaha." Totoo naman kasi epic na sila pero yung kay Sigrid si Layla lang ang hero na ginagamit niya dahil nag iipon daw siya ng pera. Ako lang ang Legend sa kanila hahaha. Kala nyo ah? Malakas kaya ako mag ML.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gamer's AffectionWhere stories live. Discover now