Chapter 20

4 0 0
                                    

Chapter 20

Court

Madaling araw palang nang nagising ako. I can't sleep properly because of what happened yesterday.

I saw Logan!

I don't know what he's up too. Kung susuko ba siya o ipagpatuloy ang misyong hindi naging successful. When I saw him yesterday, nagdududa na ako sa kanya. I'm thinking, bakit siya bumalik dito? What is the reason, why he comeback here? Maybe to spell the tea? Or to complete his unsuccessful mission? Nangingig ako habang iniisip ang mga yan kahapon.

Kahapon din ay pinahigpit ni Daddy ang security ko. Kaya kung may lalakarin ako kay tagtatatlo na ang sasamang body guards sa akin.

Tumayo ako at nagmeditate nalang para nawala sa isipan ang kung anong pangyayari ang hindi kanais-nais. Siguro umabot ng isang oras ang meditation ko. Limang minuto nalang para mag-ala-sais ng umaga kaya naligo nalang ako at nagbihis.

Pagkababa ko ay wala pang mga tao. Pumunta ako sa frontyard at doon muna tumambay. The sun isn't rising yet kaya medyo madilim-dilim pa. It was a peaceful moment until may kumatok sa gate. Tumingin ako sa baba kung sinong nasa labas. Dahil nga madilim ay hindi ko makita ng maayos. Lumapit ako at bigla nalang bumukas ang maliit na version ng gate.

"Manang, ikaw lang pala" hindi maitago ang gulat at kaunting katok sa aking tinig.

Ngumisi siya sa akin. "Pansensya na kung nagulat kita. Maaga lang akong namalengke doon sa kaibigan ko. Kahit hindi pa siya nagbubukas, sinadya ko talaga ang bahay nila para hindi na ako mamili bukas" paliwanag niya tapos ngumiti siya sa akin.

"Ikaw bakit ang aga mong nagising?" tanong ni Manang.

"Hindi po kasi ako makatulog ng maayos. Late akong nakatulog kagabi at maaga naman akong nagising kaya lumabas nalang ako" sagot ko.

Tumango siya at tumingin sa labas.

"May problema ba, Manang?" kuryosong tanong ko at tumingin narin sa gate.

Bumuntong hininga siya at nag-alalang bumaling sa akin. "Noong isang araw ko pang napapansin na may taong umaaligid dito sa mansion" pag-aamin niya

"Po?" gulat kong sabi.

"Kaya pumasok ka na at mapano kapa dito sa labas" aniya at hinila ako patungo sa loob ng mansion.

Pinaupo niya ako sa sala, wala naman akong magagawa kaya nanood nalang ako ng movie kahit masyadong maaga pa.

Nabagot ako sa kauupo kaya pinatay ko nalang ang TV at nagpunta nalang sa kusina baka may maitulong ako kay Manang.

Nakita niya ako pumasok sa kusina kaya tinanong niya ako. "Tapos na ba ang pinapanood mo?"

"Hindi pa po. Pinatay ko lang dahil nababagot ako. Pwede po bang tumulong?" sabi ko sa kanya.

"O sige, marunong ka bang magslice ng sibuyas at sibuyas dahon?" tanong niya ulit.

"Sa tagal kong tumira kina Manang Ruby, natuto na po akong tumulong sa gawaing bahay at sa pagbabanat ng buto" proud kong sagot.

Tumango siya at ngumiti. "Magsimula ka na" aniya.

Binigyan niya ako ng kutsilyo at binigay niya rin sa akin ang mga i-saslice ko. Ilang minuto lang ay tapos na ako sa pag-saslice kaya hinugasan ko ang kutsilyo bago ito ibinalik sa lalagyan.

"Magaling" ani Manang sabay tango pa.

Ngumiti ako sa kanya at nagtanong narin. "Ano po ba ang lulutuin niyo?"

"Magsasabaw ako para hindi naman masyadong dry yung kakainin niyo mamaya sa agahan" aniya.

"Maitanong ko rin po sana..." I trailed off. Tumingin muna kay Manang at kitang-kita naman sa kanyang mga mata na seryosong makikinig siya sa itatanong ko.

Before I GoWhere stories live. Discover now