045

138 12 1
                                    

Colton

Pag-alis namin sa campus ay pumunta kami ni Iris sa park kung saan kami madalas magkita noon. Nakasunod sa amin ang dalawang bodyguard niya na nagbabantay kung sakali man na biglang may lumapit sa amin.

"Kamusta ka na?" tanong ni Iris.

Umupo ako sa tabi niya at iniabot ang isang maliit na box.

"Wag ka nang bumalik ulit," malamig kong sambit.

Binuksan niya ang box na naglalaman ng promise ring na binigay niya sa akin noon.

"Tapos na lahat, Colt. Hindi na ako aalis ulit. I'll stay, I promise."

"You can stay here if you want. Bumalik ka sa univ kung gusto mo but hindi mo na mababalik lahat ng tayo noon," tumayo ako at inayos ang coat na suot ko. "Tapos na tayo, Iris. Tapos na ako sayo."

"Bakit? Dahil may iba ka na? Si Skye ba?" bahagyang tumaas ang tono niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Huwag mong isisi sa iba, Iris. Alam nating dalawa na ikaw ang nagloko," mariin kong sagot. "Wala akong iba. Napagod lang ako sayo."

Matapos kong magsalita ay agad akong naglakad palayo. Rinig ko ang pagtawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya muling nilingon. Pagod na akong bumalik ulit sa kanya.


study buddy ; k.th + k.jsWhere stories live. Discover now