Colton
Saktong pagpatak ng 3pm, nakita ko si Skye na paakyat sa 2nd floor ng library. Yakap nito ang tatlong libro sa kanyang kaliwang braso habang panay ang tingin sa kanyang phone. Nang makarating sa pangalawang palapag ay lumingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Itataas ko sana ang kamay ko para kumaway sa kanya ngunit nagtama ang aming tingin.
Lumakad siya papunta sa direksyon ko at walang pag-aalinlangan na umupo.
"Sorry, matagal ka bang naghintay?" seryoso niyang tanong.
"Hindi, kararating ko lang din," pagsisinungaling ko. Kalahating oras na akong nakaupo sa upuan na to na halos mamanhid na ang pwet ko.
Nagpakilala lang siya saglit at agad na kaming nagsimula. Habang siya ay seryosong nag-eexplain ng topic, hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya.
"Uhm, Colton?" naramdaman ko ang marahan na pagtapik ng kanyang daliri sa noo ko.
"Hmm?"
"Nakuha mo ba?" tanong niya.
"Pwede paulit?" sagot ko at mahinang tumawa.
Mabilis na lumipas ang oras. On time syang dumating kaya't on time din siyang umalis. Sayang lang dahil gusto ko pa naman syang ilibre sa cafe kaso mukhang nagmamadali siya.
Iniligpit ko ang mga gamit ko pati na ang mga iniwan niyang practice test para sakin. Mukhang ang oras na inilalaan ko sa laro tuwing gabi ay mauubos lang sa pagsasagot nito.
YOU ARE READING
study buddy ; k.th + k.js
FanfictionA VSOO AU kung saan si Colton (V) ay nanganganib na matanggal sa university dahil sa kanyang grades sa STAT at kakailanganin nya ang tulong ni Skye (Jisoo). "Please, Skye, tulungan mo 'ko." ㅡ Sino ka ba? "Ako 'to, si Colton na mahal na mahal ka." FE...