How bad of me!


"Your expression ... so hindi pa nga?! Grabe ang bad mong girlfriend Mikazuki! Ano nalang ang nararamdaman ni great king ngayon!"

"Huy Tanaka 'wag mong paiyakin!"


Oo nga. Ano nalang nararamdaman nun. Isip ako ng isip ng dahilan pero ni minsan hindi naisip na tanungin siya kung anong problema. Nagsalin nalang ako ng alak sa baso saka na uminom. Nilihis kona yung topic sa akin dahil baka maiyak ako dito.

"Buti pala kilala mo 'yung pinch server ng Shiratorizawa saka si Ushiwaka." Tanong ni Daichi. Oo nga pala kanina nilapitan niya ako. "Pati pala 'yung guess blocker nila."

"Ah, mga BFF ko today. Si Semi kasi 'yung pinch server may inabot akong coat sa kaniya. Si Ushijima naman nakilala ko last quarterfinals yata hindi ko na maalala. Si tendou naman buntot buntot nung dalawa palagi kaya naging BFF ko narin." Paliwanag ko sa mga ito.

"Nakakatakot si Ushiwaka sa match no? Parang baseball bat ang kamay tapos ginawang baseball ang bola para ganun paluin." Sambit ni Chikara.


"wow may pa comparison" Side comment ko.


"Si #4 Oohira nila isa pang machine gun ng Shiratorizawa e'. Although bazooka si Ushiwaka. Grabe hindi ko inaakalang nanalo tayo... Tagayan nyo pa nga ako kinakabahan ako!" Sambit ni Nishinoya. Nanginig pa ito saka nagabot ng baso sa akin. Sinalinan ko naman siya kaagad. Ubos na pala 'yung boteng hawak hawak niya kanina. Medyo namumula na siya pero hindi pa naman siya lasing. Mukhang malalakas ang tolerance ng mga 'to ah?

"Ako din." Ani ni Shimizu. Nakakarami na rin siya pero mukhang malakas din ang Tolerance. Hindi naman ako na inform na pang malakasang party pala 'to. Buti nalang pinagpala ako sa tolerance.

"Ubos na mga bote natin." Pag-alog ko sa limang bote na naubos namin. Akala ko naman tapos na pero may tinuro sa akin si Shimizu sa likod ko kaya tinignan ko. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang dalawang case ng alak na iniinom namin.

"Hoy grabe, Ha! Teka ang lalakas nating uminom." Wala kaming pasok bukas dahil weekends. Kaya ganito nalang ka confident ang mga 'to na magpakasagad.

Nagconnect naman ako sa speaker nang mmaglowbat ang phone ni Tanaka. Ako na ang magpapatugtog para chill.


Youth | Troye sivan


"MY YOUTH IS YOURS!!!!!" Kanta namin lahat. Saka kami nagsipag cheers! Nagvideo naman si Sugawara saka nilagay sa story. Nagday din ako saka sila pinagtatag. Nagreply naman ng sabay si Tendou at Ushijima.


ushi.waka: 'sana all may party'
ten.satori: 'naks party'


Nagreply naman akong 'hehe' at nagsend ng picture ng mga pagkain namin. Inoff ko naman na ang phone ko pagkasend dahil ayaw din nila Daichi ang nagseselpon kapag ganitong may gatherings.


Kapag inom, inom lang policy!


Nilingon ko naman si Tanaka na namumula na din. "Sigurado ako, malalakas na ang mga kalaban natin sa Nationals. Mga tumalo ng powerhouse kagaya natin o mga champion na talaga"

"Ryuu bwisit ka kinakabahan ako. Patagay nga Mikazuki. Asar ka Ryuu!" Sinalinan ko naman siya agad. Tumayo siya saka kumuha ng bote sa case para yakapin at sariling magsalin ng alak.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon