Chapter 4: Same Class

118 6 11
                                        

"You better be prepared for tomorrow" napalunok ako habang isinasara nang dahan-dahan ang folder na 'yon. Tinignan ko siya.

"Bakit- s-sandali. Baka hinahanap ako ni Dad, yung phone ko" tumayo ako pero agad ding napahinto nang muli siyang magsalita.

"You don't have your phone noong dinala kita rito" kunot-noo naman akong lumingon sa kaniya. Paano nawala 'yon?

Parang may umilaw na puting bumbilya sa ulo ko nang maalala ko ang nangyari. Nadapa nga pala ako, baka hindi ko namalayang nahulog ang cellphone ko sa kakahuyan na 'yon. May lumapit sa'min na isang katulong at may hawak 'tong paper bag; inilapag niya 'to sa ibabaw ng coffee table at yumukod muna bago tuluyang umalis doon.

Iniabot ito ni Prince Lucas sa'kin at nakita ko roon ang isang box ng new phone model. I think, hindi pa 'to nailalabas sa market dahil mukhang mas high class pa 'to. "Don't worry, you have your new phone. Lahat ng important contacts naka-save na riyan. I don't know kung saan mo nawala ang phone mo. And we also don't know the contact number of your father"

"Pero.. pwede ko bang contact-in ang Dad ko?"

"You can. Pero yun ay kung ikinasal na kayo ni Zackarias. At kung hindi pa naman, hindi mo pa siya maaaring tawagan or contact-in"

"Pero bakit?" umayos siya ng upo at bumuntong-hininga.

"Let me clear you everything that you need to know." tinitigan ko lang siya nang mabuti para magsimulang makinig. Muli siyang huminga nang malalim bago muling magsalita. "Your father, Lysandrus. And King Alessandro, which is our father, had an agreement. Nakatakda kang ikasal kay Zack, and to make it short, YOU are Zack's fiancee. Maaari mong ikapahamak kapag tinawagan mo na agad ang Daddy mo. May girlfriend si Zack, the name's Eva Khenzeia. You have to be careful with her, wala akong tiwala sa kaniya kahit na mahal pa siya ni Zack. You also have to take him away from her since you're his fiancee" napakunot ang noo ko at bahagyang napanganga.

"Bakit wala kang tiwala sa kaniya? Nakakasama mo ba siya para i-judge mo?" marahan siyang tumawa kaya mas nagtaka ako.

"Oh my, oh my. Hindi mo pa pala kami kilala.. but it's okay. I understand. Let me introduce our clan" he clears his throat. "We are vampires- oh no no. Don't be panicked, we're not bad" natatawang sabi niya nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Don't be panicked?! Paano?!?!?! Vampire ang kaharap ko- paano ako hindi magpa-panic?!

Napalunok ako at muling dahan-dahan na umupo. "S-so.. all of you h-here.. are vampires..?" maingat na tanong ko. Mahirap na, baka bigla nalang akong kagatin nito. Dahan-dahan siyang tumango habang marahan na nakangiti, dahilan ng muli kong paglunok sa namumuong laway sa lalamunan ko.

"Don't be scared. We're good vampires. Since you're going to enter that University, you have to be careful sa lahat ng mga makakasalamuha mo roon. Don't trust easily, we can't tell who is the enemy once they put their mask on. May other clan kaming kalaban, kalat sila kaya kailangan mong mag-ingat. Ang dapat mo lang pagkatiwalaan sa University na 'yon, ay walang iba kung hindi ang mapapangasawa mo. May karapatan ka sa kaniya kaya 'wag kang matakot, and this palace can't break promises especially it's an agreement between a mortal and a vampire."

"E pa'no kung.. hindi ako pansinin ni Prince Zack?"

"Aware si Zackarias tungkol sa agreement na 'yon, and it's normal for the two of you na manibago dahil kakikita niyo pa lang sa isa't-isa"

"Ihh parang ang cold naman kasi ng kapatid mo, Prince Lucas" natawa siya at bahagya pang napailing.

"That's normal for him, but don't worry, he's caring. Makikilala mo rin siya kapag nagkasama na kayo nang matagal. And for the second time, pinapaalala ko na mag-ingat ka kay Eva. Hindi siya basta-basta, she's a bitch to be exact. At lahat ng tao rito sa isolated city ay vampires. May ibibigay sa'yo si Criselda mamaya para maiwasan ang amoy mo bilang mortal. You can't take it off unless you're here in the palace, understood?" tumango ako bilang pagsang-ayon. "Okay, good. You can go to your room now. Maaga ka pa bukas" ngumiti ako sa kaniya bago tumayo. Yumukod muna ko bago tuluyang maglakad papunta sa kuwarto dala-dala ang folder at ang paper bag. Nasa kalagitnaan na ko ng hallway nang maalala kong hindi ko nga pala naitanong kung bakit nagkaroon ng agreement si Dad at si King Alessandro. Hmmm.. baka in the future ko na malalaman.

TwistedWhere stories live. Discover now