Nanginginig akong kinuha kay manang ang planggana, I'm really shaking right now. Kanina ay nagagawa ko pang kumalma, "S-salamat, Manang..."

"Kumalma ka iha. Pasyensya na at nagkatrankaso ako, napakasipag naman kasi ng asawa mo at talagang pati labahin ay sinampay pa," sambit niya.

Napapikit ako, that's the night before yesterday. I should be the one to do that but I ruined his coat kaya hindi ko na nabigyang pansin ang ibang damit.

Itinikom ko ang labi ko at pilit na nilalabanan ang namumuong luha sa mata ko, hindi naman ako madaling umiyak. Bakit naluluha na ako?

"Hala, iha. Tulungan na kita at huwag kang iiyak, gagaling din ang asawa mo. Baka naman mamaya ay ikaw naman ang magkasakit," pang-aalo niya.

Napatango-tango na lang ako habang pinipigil ang init sa mata ko. Hinayaan ko na muna si Manang Isay ang mag-akyat ng planggana dahil nanginginig ako, mabilis akong pumasok sa kwarto ni Sawyer. Nagulat pa ako sa malaking portrait wedding picture namin sa dingding.

I shook my head and quickly find a comfortable clothes, dala-dala ang white t-shirt at cotton shorts bago pumasok sa kwarto ko.

Kinuha ni Manang ang baso at pinaglagyan ng gamot, "Ikaw na bahala iha, bimpo ang gamitin mo."

I nodded, wala na ata akong lakas magsalita. Kumuha ako noon sa damitan at pumwesto sa tabi ni Sawyer. Huminga ako ng malalim, how will I start? Kung sana ay kaya ko rin siyang alagaan, baka sana hindi siya nagkasakit.

Marahan kong hiniwalay ang kumot sa kanya, he's brows are furrowed kahit natutulog. Maybe because of headache, hindi pa rin nawawala ang panginginig sa kamay kong tinataas ang damit niya, ang bigat ng braso niya.

Napahinga ako ng malalim nang mapagtagumpayan ang pag-alis ng damit niya. As much as I want to avert my eyes, paano ko siya mapupunasan...

Come on, Reese. Sanay kana makakita ng ganito, sa asawa mo pa ikaw mahihiya. ani ko sa sarili.

Pilit kong nilalakasan ang kamay ko habang pinipiga ang bimpo, I started wiping his body with the warm cloth. Nang matapos ako ay naglakas loob na akong palitan ang sweatpants niya ng short. Palagay ko magkakasakit na rin ako.

Napahinga ako ng maluwang nang pantaas niya na lang ang dadamitan ko. Naitago ko saglit ang mukha sa magkabilang palad, ito na nag-iinit nanaman ang mga mata ko. I can't see Sawyer like this, I feel like I can't do anything to ease his feeling.

I bend down holding the shirt hole to insert his head but instead he grabbed me, napahiga ako sa dibdib niya lalo nang ipulupot niya ang dalawang kamay sa katawan ko.

"S-sawyer," sinubukan kong umangat, I am pushing the matress beside his frame nang tumagilid siya.

"W-wear your shirt first," sabi ko pero hindi niya ako pinapansin. He just keep pulling me to him. Does he want a body heat?

"Hmmm,"

I sighed and just let myself submit to the comfort of his embrace.

--

Nagising ako dahil sa malakas na tunog na nanggagaling sa cellphone ko, I opened my eyes and reached for it at the night stand.

Si mommy?

Saglit kong sinilip ang natutulog na ayos ni Sawyer bago ko ito sinagot. I was greeted by people murmuring but Mommy's voice is enough to dominate those, "Reese! How have you been? Ayos lang ba kayo?"

"Mommy, I'm good... I—" I was cut off by someone who called her, I think she's somewhere outside.

"I just wanted to know, your husband has been in a work from home for almost a week now. I'll call you again, sweetie! Miss you!" sunod-sunod na sabi niya at binaba na ang tawag, mukhang busy sila at napatawag lang talaga agad siya noong malaman 'yun.

Teka, work from home? Almost a week? Am I too busy that I didn't even realize that? Ang akala ko ay maaga lang siyang umuuwi parati.

I looked at Sawyer, gusot pa rin ang  noo nito kahit pa natutulog. Ibinaba ko ang kamay para sipatin ang noo niya, I sighed in relief when he's not hot anymore.

Looking at him like this, I can't help but be hurt.

Sinipat ko ang buong kwarto ko. It's clean and organized which is something I didn't expect bukod sa hindi na ako nag-abala ayusin ang kwarto nitong mga nakaraang linggo dahil sa frustration ko sa mga gawain at tumatakbo sa isipan ko, hindi naman sakop ni Manang Isay ang second floor. Kinukuha at inaakyat niya lang ang mga labahin, I'm sure she's not the one who did this dahil ngayon lang naman uli siya gumaling. 

Iniwan ko muna si Sawyer sa kwarto, kukuha ako ng pagkain sa kusina. Naabutan ko naman si Manang dito na hinahanda ang pagkain sa tray.

"Manang Isay," kuha ko sa atensyon nito.

Umangat ang ulo niya, "Oh, iha. Ito na ang pagkain niyo."

I pursed my lips. Marahan kong inabot iyon, but I'm eager to ask something kaya nagpakawala ako ng hininga at umupo muna saglit sa upuan. "Manang... 'yung kwarto ko ba napuntahan niyo nitong mga araw?"

"Hindi iha, pinagpahinga lang ako ng asawa mo dahil sa sakit ko. May hinahanap ka ba? Baka naitago nang asawa mo," paliwanag niya.

Nagkaroon ng gitla sa noo ko, "P-po?" paglilinaw ko. Why would my husbang hide it?

Tumawa ito ng magaan sa akin, "Naging busy ka masyado nitong mga nakaraang linggo, nakakatulugan mo ang mga gawain mo sa eskwela. Mahirap talaga ang kolehiyo,ano? Ganyan din ang apo ko." Ngumiti siya. "Naaabutan ko na lang ang asawa mo na naglalabas ng mga tambak na papel sa kwarto mo. Lagi ka naman binibisita noon."

Bumigat ang paghinga ko. Hindi naman iyon nakakabigla, pero hindi ko pa rin naisip na ganoon.

Mabilis akong tumango kay Manang at kinuha ang tray. Pagkatalikod, tears started to pool in my eyes again, Sawyer always do things for me. Sino pa nga ba...

Why does he have to be so right for me yet I'm not for him?

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now