Chapter 2

3.7K 104 2
                                    

Umahon naman agad sila nang makitang prente akong nakaupo sa sun lounger, tumaas agad ang kilay ni Chain na mabilis din napalitan ng ngiti ng mapatingin sa kamay ko.

Natawa ako ng bahagya, dala-dala ko nga pala itong bulaklak halos nakalimutan ko na ah. Mabilis ang lakad ni Chain na kinuha sa akin ang paso, "Thank you for the price couz," ngisi niya.

"Pft. I'm sure meron nanaman kayong pustahan, anong gagawin mo niyan kuya Chase?" tanong ko habang nagpupunas na siya ng tuwalya sa buhok.

"I just let him win," kibit-balikat na sagot niya. I laughed at his statement while Chain scoffed na hindi na pinansin ng una.

Umirap na lang ito at itinabi muna sa gilid ang halaman. Maya-maya ay hindi ko nanaman napigilan ang mapabuntong-hininga kaya naagaw ko muli ang atensyon nila mula sa pagpapatuya ng buhok nila gamit ang tuwalya.

Hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa akin, it's like they are expecting me to speak afterwards but I didn't. I came here to break my thoughts from earlier pero eto at mukhang mapapakwento pa ako sa kanila na siguradong pagsisihan ko.

Mula sa gilid ay kita ko ang nagtatakang mata nilang nakadirekta sa akin na nagsisimula nang kumunot ang noo nila, any seconds now... I know they will ask me. I'm still hesitant if I'll make an excuse or just be honest about it.

"What's with that?" Kuya Chase was the one to break the silence.

Marahan akong umiling.

Lumakad si Chain papalapit sa akin. He folded his arms and speak. "So this is not a normal visit,huh? May iba sa araw na ngayon, babae?"

Iginilid ko ang labi ko and later on pressing it while thinking how I will start. Naguguluhan kasi ako bigla parang padalos-dalos ako. Hindi naman ako ganoon, ngayon pa talagang ganap na dalaga na ako?

"What do you think about arranged marriage?" I carefully asked.

Wala pa rin akong nililingon sa kanila, ang atensyon ko ay nasa malawak na pool pa rin na para bang naghihintay ako ng kung anong lalabas doon.

Naaninag ko ang pagsalubong ng kilay ni kuya Chase sa gilid ko, "Ridiculous," simpleng sagot niya at bahagyang naiiling.

Hindi ako umimik. I think so too...

"I don't know but I won't let it happen to me," Si Chain na seryosong napaisip, his brows slightly furrowed when he suddenly glanced at Kuya Chase.

Wala sa sariling napalingon din ako dito,  hindi ito nakatingin sa amin but he seems aware that our attention is on him now.

He let out a sigh, "I'll never let our parents too."

Ipinilig ko ang ulo ko at napaiwas ng tingin. I'm afraid that they will ask me, and later on be disappointed to what I did. But I can't back out now, ang tanging hiling ko lang ay mabago pa ang isip ng magulang ko. Tutal ay hindi naman siguro nila agad ako ipapakasal 'di ba?

Tumayo ako, "Can we eat now? Hindi ako kumain sa bahay bago umalis," I said without looking at them. I pretended checking the time at my watch as I felt them staring at me.

Nauna akong naglakad papalapit sa pinto  papasok muli ng mansyon. Rinig ko ang mabigat na yapak nila, nakikiramdam. This is what I don't like about my cousins, they know how to read me. Kaya ayokong tignan sila, imagine two pair of accusing eyes. Idagdag mo pa na ang laki ng pagkakahawig nila.

I heard one of them sighed. Mabilis akong sinabayan ni kuya Chase sa paglalakad at iginulo ang buhok ko," I'll order from your favorite fastfood, magbibihis lang ako."

Tumango ako at ngumiti. Inunahan na rin ako ni Chain sa paglalakad, "You wait here, babae. Mamaya umuwi ka, babatukan kita."

I pursed my lips, "Bakit naman ako uuwi?"

Free the real feels (Completed)Where stories live. Discover now